Chapter 29.

1 1 0
                                    

Chapter 29.

Pagdating ni klein sa table namin ay walang salitang namutawi sa mga bibig namin. Natigil ang pagkain namin nang biglang may humila sa katabi kong upuan.


"Would you mind if we join you, guys?" Nakangiting sabi ni cailey daw. Yung kasama ni blaise kanina?


"No/Sure." Agad akong napatingin kay klein nang sabay kaming magsalita.

Nilakihan ko sya nang mata kaya napa 'tss' nalang sya. "Oo, pwede." Wala sa mood na sambit ko, kahit naman kasi masyado syang rude sakin, mabait pa naman din ako.


Umupo na si cailey sa harap ko together with blaise. Tinititigan ko si blaise, ano bang problema nya? Nagselos ba sya? Nagselos ba sya dahil dun sa sinabi ni cloud? O dahil sa hinalikan ako ni cloud? Pero bakit? Mahal nya ba ko? Pero parang imposible naman yun.

Tuloy tuloy lang kami sa pagkain nang biglang nagsalita si cailey. "You know what guys? You look good together." Pagkasabi nya non ay muntik nakong mabulunan. Is she referring to us?

Agad naman akong inabutan ni klein nang tubig nang makitang nauubo ako. Napatingin ako kay cailey habang umiinom nang tubig. May ngiti sa labi nya na alam ko namang peke. Tss.


"Oh by the way, This is blaise. My boyfriend." Sabi nya sabay kapit sa kamay ni blaise. Boyfriend? How come? Kelan pa? Is she crazy? Sa pag kakaalam ko, ako ang girlfriend ni blaise.

"Nice to meet you, blaise." Walang emosyong sambit ko I looked at him and walang makitang reaksyon sa mukha nya.  Pero bat ganito? Bat nasasaktan ako? Bat may kirot sa dibdib ko? Ganito ba talaga pag nag mamahal?

Di ako sure kung mahal ko ba talaga sya, pero sure akong may nararamdaman ako sa kanya.

Nagtuloy tuloy lang kami sa pagkaina, waring nakikinig sa katahimikan na namumutawi sa bawat isa.

Natapos ang kainan nang walang bumabasag sa katahimikan naming lahat. Walang salitang tumayo si klein at hinigit ang kamay ko. Wow. So now, san na naman kami?

Tumigil kami sa paglalakad, inikot ko ang paningin ko kung nasan kami ngayon. Buildings na halatang walang tao. Binalik ko ang paningin ko kay klein na karaniwang nakatingin sakin. Binigyan ko naman sya nang nagtataka-look.

"What are we doing here?" Nagtatakang tanong ko.

"Rain.. I need your help." Help? Ano nanaman ba to?

"Gusto kong paalisin na sa buhay ko yung ex ko. Rain.. Alam kong makapal mukha ko pero.. Pwede ba? Alam kong ikaw nalang ang mahihingan ko nang tulong. Ang kapal kapal nang mukha ko dahil kakakilala lang natin tapos nang hihingi na ako agad nang favor sayo.." Nakayukong sambit nya.

"Ako? Bakit ako klein?" Agad napaangat sya nang tingin dahilan para magkatinginan kami.

"Dahil alam ko.. Alam ko na matutulungan natin ang isa't isa. Rain alam kong gusto mo sya! Gusto mo si blaise! Pero ako na nagsasabi sayo.. Wala kang mapapala sa kaya. Cailey is on his side again! So tell me, paano ka makakasingit sa kanila? You don't know blaise pag nasa tabi nya si cailey.."

"Sinisiraan mo ba si blaise sakin?" Blankong sabi ko.

"No! Hindi sa ganonㅡ"

"Pero ganon ang pagkakaintindi ko."

"Let me explain please?" Nahihiyang sambit nya.

"You don't have to. Hindi din naman ako papayag sa favor mo." Deretsang sambit ko. Tumalikod nako pagkasabing pagksabi ko non. Nakakabwisit sya! Bat nya pa kailangang siraan si blaise sakin dito? They are friends for pete's sake!

Naglakad lang ako kung saan saan. Wait, san nga ba ako pupunta? Its already our last period. Pero I think di nako aabot kaya naisipan ko nalang pumunta sa park nang school.

Umupo ako sa swing at dinuyan ang sarili ko. Nakakamiss. Nakakamiss yung mga panahong wala pa kong kamuwang muwang sa mundo. Yung mga panahong wala pakong alam sa mga nakakasalamuha ko. Yung mga panahong hindi ko pa alam kung sino talaga ko. Kung ano ang responsibilidad ko sa mundong to.

Pero naisip ko, kung hindi kaya ako nagrebelde, magiging maayos kaya ang pamilya ko? Magiging maayos kaya ako?

Iyan ang matagal nang tanong sa isip ko.

Sa dinami dami nang tao sa mundo, bat ako pa? Bat sakin pa tumama yung arrow nang kamalasan? Kamalasan sa pamilya, to be exact.

Pero kung tatanungin nyo ko kung bakit ako nagrebelde? Simple, dahil gusto kong makuha ang atensyon nang mga tunay kong magulang. Gusto kong malaman nila na nageexist ako. Dahil ayun lang ang natatanging paraan para mapansin nila ko. Akala ko tama. Akala ko tama lahat nang naisip ko. Pero nung nakita ko na kung anong kinalabasan, mas worse pa pala to sa naiisip ko. Masisisi ba kasi nila ko? Gusto ko lang mapansin nila ko. Pero dahil dun sa ginawa ko, mas madaming nagalit sakin. Yung lolo ko? Yung lolo ko na akala ko kakampi ko hanggang huli, pero ano? Iniwan din ako. Nagalit din sakin dahil sa katangahan ko!

I love them. I love all of them. Pero siguro nga hanggang dito nalang. Natatakot ako, natatakot akong maiwan ulit. Natatakot akong bumalik sa pamilya ko. Natatakot ang maipagtabuyan ulit at masabihan nang masasakit na salita na galing sa pamilya ko. Okay lang sana e sa ibang tao manggaling, pero yung sa pamilya ko? Yun yung di ko kayang palampasin. Masakit, lalo na kung pamilya mo pa mismo ang mang down sayo.

Napayuko ako sa naiisip ko, bat ko ba sinisisi ang pamilya ko? Cause in the first place, ako naman talaga may kasalanan. Dahil kung hindi ako nagrebelde, at nag aaral lang nang nag aral, maaaring maagaw ko pa ang atensyon nila. Maaaring maipagmalaki din nila ko. Pero hindi e. Kasalanan ko talaga to. This is all my fault.

"Ang lalim nang iniisip mo.." Napatingin ako sa nagsalita. At agad na bumalakas ang gulat sa mukha ko. Why is he here? "I saw you walking. Thats why I followed you.. I know you have problem.. And you can tell me.. Lele."

Sabi ko na nga ba. Para talagang kilala ko sya. Napaka pamilyar nang mukha nya. At hindi nga ako nagkakamali.. Sya si riri.. Agad bumalakas ang ngiti sa mukha ko.

Agad bumalik sakin ang mga ala alang yun.

"Lele! Lele laro tayo!"

"Lele nandyan kaba?"

"Lele buksan mo pinto nyo! Lele nandito nako sa labas! Maglalaro na ulit tayo!" Masayang masaya na sabi ni Riri. Habang ako, malungkot na nakatanaw sa kanya habang nasa bintana.

Gustong gusto ko syang papasukin sa bahay. Gustong gusto ko syang yakapin at sabihin yung problema ko. Sya lang yung taong nandyan sakin.. Sya lang yung bestfriend ko. Sya lang yung nakakaintindi sakin. Pero ayokong madamay sya sa problema ko.. Ayokong balang araw, kamuhian nya din ako kasi ampon ako.

"Lele! Buksan mo naaa! Tingnan mo, may dala pakong spaghetti. Diba eto yung paborito mo? Tara na! Maglalaro na tayo!" Kahit na nahihirapang sumigaw ay nakangiti pa din syang sumisigaw habang tinataas taas pa yung spaghetti.

"Riri.. Ayokong madamay ka sa problema ko. Kaya hanggat kaya ko pa, ididistansya ko muna ang sarili ko sayo, sa inyong lahat." Gusto kong isigaw sa kanya nya pero hindi ko kaya. Impit na iyak lang ang pinakawalan ko habang nakatingin sa kanya na nagsimula nang maglakad palayo habang dala dala pa din ang spaghetti na paborito ko. "Sorry.." I mouthed.

Riri.. Agad akong napatingin sa taong nasa harapan ko ngayon.. Ang laki nang pinagbago nya, ang dating gusgusin ay ibang iba na. Para nakong nakatingin sa kpop star.

Nagsimula nang mamuo ang luha sa mata ko habang nakatingin sa kanya. Dahan dahan akong tumayo sa swing at bigla nalang sya niyakap. "Riri.." Sambit ko habang ang luha ay patuloy na umaagos sa mukha ko.

"I missed you so damn much, Lele."

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon