Royal Princess

13.4K 384 11
                                        

CHAPTER FOUR

ILANG taon pa ang lumipas, parang royal daughter na si Jessica.  Bantay-sarado ito kay Seth.  Dinaig pa nito ang Mommy niya kung maghigpit sa kanya. 

“Payagan mo na ako, please!”

“Pinayagan na kitang umattend ng JS Prom noon, Jessica.”

“Pina-attend mo nga ako, binantayan mo naman ako mula umpisa hanggang matapos.  Grabe naman, Kuya!  At saka, iba naman ito.”

“Ano ba kasing kaartehan iyang graduation ball na ‘yan?  Noong high school kami ay wala namang ganyan.”

“Iba na ngayon.  Kasama ito sa high school life, kaya dapat lang na maranasan ko.”

“Hindi iyan kasama sa graduation rites.  Matatanggap mo ang diploma mo kahit wala 'yan.” 
Iniwan na siya nito. 

Hinarap niya ang ina na nagliligpit ng pinagkainan.  “Mommy, nakakainis na si Kuya!”

“Makinig ka na lang sa Kuya mo, Jessica.  He knows what is right for you.”

“Palibhasa kasi puro kalokohan ang ginagawa sa mga babae, kaya ayan, takot na takot siya sa karma.  Hindi naman ako tutulad sa mga syota niya na puro kaladkaring babae.”

“Iba na ang takbo ng isip ng mga kabataan ngayon, anak.  Mabuti na iyong nag-iingat.  You’re young and naive, hindi mo pa alam pakibagayan ang iba’t-ibang klase ng tao na makakasalamuha mo.”

“Puro high school students lang ang pupunta doon.”

Binitawan na ng ina ang hawak na hand towel.  “Kapag nakumbinsi mo ang Kuya mo ay walang magiging problema sa akin.”

Napabuga siya ng hangin.  Para na nitong sinabi na tibagin niya ang Great Walls of China.  Paglabas niya sa kusina ay saktong pagpasok naman ni Ethan sa pinto ng bahay.

“Kuya mo?”

Biglang kumislap ang isang idea sa isip niya.  Mabilis niyang nilapitan ang binata.  Hinila niya ang braso nito at dinala sa kusina.

“Tamang-tama ang dating mo, Ethan.  May ginawa akong fruit salad.  Nag-dinner ka na ba?  Gusto mo bang ipaghanda kita ng makakain?”  Nginitian niya ito nang ubod ng tamis.

Nagdududang tinitigan siya nito nang pailalim.  “You are freaking me out with that naughty smile.”

Hinila niya ang isang upuan at pilit itong pinaupo.  “Ipapa-init ko ang tirang lechong manok, ha?  Gusto mo ba ng juice?”

Ganadong kumain ang binata.  Pinagsalikop niya ang dalawang palad at ipinatong ang baba dito habang pinanonood ang binata.  Nang matapos ito ay binigyan niya agad ito ng dessert.

“Okay.”  Binitawan ni Ethan ang kutsarita matapos nitong isubo ang huling pineapple chunk.  “What is this all about?”

“I’m just entertaining you.  Hindi mo na kasi inabutan si Kuya.”

“Kailan mo pa ako winelcome nang maayos dito sa bahay ninyo?”

“Simula ngayon.”

“Sa anong dahilan?”

“Wala.”

“Okay, salamat sa hapunan.”  Tumayo na ito at akmang lalabas na ng kusina.

“Wait!”  Hinila niya ang palad nito.

Niyuko ng binata ang kamay nila.  “Huwag mong hintaying matunaw ang kinain ko bago ka magsalita, Jessica.  Dahil kapag ginutom na ulit ako ay hindi mo na ako makakausap nang maayos.”

“Si Kuya kasi.”  Ikinuwento niya dito ang sitwasyon.

“Ano naman ang papel ko sa napakalaki mong problema?”

“Tulungan mo naman akong kumbinsihin siya.”

“Huh, okay ka lang?  Alam mo namang overacting ‘yon pagdating sa ’yo.”

Huminga siya nang pagkalalim-lalim.  “Sige, salamat na lang.”

“Hindi ka ba makakatulog kung hindi ka makaka-attend sa graduation ball na ‘yon?  I mean, it’s not really an important event, ‘di ba?”

“Sa mga babaeng kasing-edad ko, it is.  At hindi ko maintindihan kung bakit ayaw akong payagan ni Kuya.  Mga kapwa ko estudyante lang naman ang aattend doon.”

“Well, that’s because he lost his virginity at the school prom, with a girl younger than your age now.” 

Napanganga siya sa sinabi ng binata.

“Shhh!  Top secret.  Don’t get mad at him.  He’s just trying to protect you, Princess.”  Kinindatan siya nito. 

My Sweet MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon