Never Been Kissed

12.2K 368 8
                                    

ARAW-ARAW ay sinusundo ni Ethan si Jessics, maliban na lang kung may importante itong lakad.  Kapag weekends naman ay tinuturuan siya nitong magmaneho sa loob ng subdivision nila.

“Hit the break!”

Sa nerbyos ay bigla ang tapak niya sa preno na halos ikasubsob nilang dalawa. 

“Dapat alerto ka at ang mga mata ay hindi lamang diretso ang tingin.”

“Ayoko na.”

“Ulit.”  Nang turuan siya nito kung paano umatras at mag-park ay ilang beses ba nitong ipinatong ang kamay nito sa kamay niya para turuan siya sa manibela. 

Paano siya makakapag-concentrate kung ganito ito kalapit sa kanya at nalalanghap niya ang kung ano mang amoy iyon na sumisingaw mula dito?

Hindi nagtagal ay natuto din siya.  Nakuha na rin niya ang lisensya.  Ngayon ay nakapagmamaneho na siyang mag-isa.

Minsang pauwi siya ay naipit siya sa traffic dahil may ginagawa sa daan.  Magdidilim na ay nandoon pa rin siya sa gitna at hindi niya alam kung paano makakalabas doon. 

Nang makalampas siya sa traffic ay madilim na ang paligid.  Nang paliko siya sa intersection ay nasilaw siya sa maliwanag na headlights ng kasalubong na truck.  Hindi na niya napansin ang isang humaharurot na kotse na parang walang pakialam sa traffic lights.  Nayanig ang buong paligid niya.

Ang sumunod na namalayan niya ay nasa ospital na siya, nakabalot ng gasa ang kaliwang braso na nasugat mula sa nabasag na salamin.  Ayon sa Mama ni Daphne na isang nurse doon ay wala namang ibang pinsala na nakita ang doktor sa kanya.  Ang Mommy niya na nasa tabi niya ay panay ang singhot.

“Mabuti na lang at hindi ka napuruhan, Jessica.  Ang driver ng kotseng nakabangga sa’yo ay nasa presinto ngayon.”

Bumukas ang pinto at iniluwa si Ethan.  Mabilis itong lumapit at kinuha ang palad niya.  “God, I was so worried about you.  Hindi kita dapat tinuruang magmaneho. Kung may nangyaring masama sa’yo ay kasalanan ko.”

“Ikahon n’yo na lang kaya ako?  You all pamper me too much.  Hayaan naman ninyo akong magka-peklat man lang.”

Pinisil nito ang palad niya at saka hinawi ng isang palad ang buhok sa kanyang noo.  “You only deserve the best, Jessica.”

“Can I go home now? “
Nang lumabas siya ng emergency room ay akay-akay siya ni Ethan.    

BALIK sundo na naman si Ethan sa kanya habang nasa repair shop pa ang sasakyan ni Seth. Nahihiya na siya sa binata.  Abala ito sa negosyo at nakakaabala din siya sa social life nito.

“What social life?  We are lovers, right?  Kung nasaan ako ay dapat nandoon ka.”

“Matagal nang tapos ang isang buwan.  Tapos na ang pagpapanggap natin.”

“Why are you pushing me away?  May nanliligaw na ba sa’yo?  Tell me, Jessie.  Ayaw kong malalaman na pinaglalaruan ka ng kung sinong lalaki.”

“Sinong gagawa no'n?  Takot lang nila sa’yo.”  Hinarap niya ito.  “Hindi kaya ikaw ang may gusto sa akin?  Are you falling in love with me, Ethan?”

Isang malakas na tawa ang pinakawalan nito.  “I admire your sense of humor now.”

“Thanks, pero hindi ako nagbibiro.”

Napalingon tuloy ito nang wala sa oras sa kanya.  “Naalog yata nang husto ang utak mo.  Paano ako mai-in love sa’yo? Una, wala akong ganoong tendency.  Pangalawa, we’re family.  I’ve known you since you were a kid.  Tumatakbo ka pa nang hubo’t-hubad sa harap ko noong araw.”

“Funny!”

“Pangatlo, hindi kita type.  Baka ikaw ang mahulog ang loob sa akin dahil sa pagkukunwari natin.”

Ouch naman!  “Never akong magkakagusto sa isang lasenggo at babaero.”

“Girls usually fall for bad boys,” saka ito kumindat at ngumisi nang nakakaloko.

“Eewww,” isang mala-makatotohanang ngiwi ang pinakawalan niya.  “Ano bang dapat kong gawin para makawala na sa showbiz drama na ito?”

“Find yourself a really nice boyfriend.  Para maging panatag na ang loob ko na pakawalan ka.”  May iniabot ito sa kanya.

“Bakit nasa iyo itong bookmark ko?”

“Napulot ko diyan sa ilalim ng upuan.  Mga linyang ‘a kiss is just a kiss until you share it with someone special...’” Tumawa ito nang nakakaloko.    “Sa dinami-dami naman ng magagandang quotations ay bakit iyan pa ang napili mo?”

“May nagbigay lang nito sa akin.”

“Nagkaroon ka na ba ng first kiss?”

“Sus, hindi pa nga ako nagka-boyfriend.”

“It doesn’t follow.  Puwede ka namang mahalikan ng lalaki kahit hindi mo boyfriend.”

“Hello!  Ang suwerte naman niya.  I’m saving my first kiss for my special someone.”

“Pareho pala tayo.” 

Napalingon siya dito, nasa mata ang pagtatawa. 

“Wala pa rin akong first kiss,” seryosong sabi ng binata.

Natawa na siya nang tuluyan.  “Okay, nakakatawa.”

“I’m serious.”

“Bata pa lang ako ay hindi ko na mabilang ang mga babaeng nakita kong kasama ninyo ni Kuya.”

“Halik sa labi ang pinag-uusapan natin dito, ha?”  paglilinaw nito sa kanya.

“Yeah,” medyo naguguluhang sagot niya.  Ano pa ba ang ibang klase ng halik?  Naloka siya bigla.

“I have never kissed a woman.  I consider that very intimate and personal.  Not my kind of thing.  I don’t have any plan of getting emotionally involved with anybody.”

Napatango na lamang siya.  “So, you... you don’t kiss.  You just...”  Hindi na niya alam kung paano dudugtungan iyon.

Itinigil ng binata ang sasakyan sa harap ng bahay nila.  “Baba na.  Baka kung saan pa makarating ang usapang ito.”

💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓

My Sweet MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon