In Denial No More

13.4K 383 36
                                        

KINABUKASAN ay pinuntahan ni Ethan si Jessica sa food house nito.  Wala pa masyadong kumakain sa oras na iyon dahil maaga pa.

Karaniwan ng tambayan iyon ng mga empleyado ng malalaking buildings sa tabi nila.  Hindi rin ito nawawalan ng mga estudyante ng isang malaking computer and business school sa tapat nila.

“Oy, ang aga mo naman.  Makikipag-almusal ka ba?  Tamang-tama, bagong dating ang mga puto-pao.  Upo ka muna at padadalhan kita ng arrozcaldo,” kaswal na sabi ni Jessica.

“I’m not here to eat.”  Tinitigan niya ito nang diretso.

“Ah, oo nga pala, hindi mo type ang mga luto ko. Don't worry, hindi ako ang nagluto n'on. May cook kami dito.”

“Gusto kitang makausap,” pormal na sabi niya.

Ibinaba ni Jessica ang hawak nitong papel at lumabas ng counter para lapitan siya.  “About what?”

“About what you saw the other day.”

“Oh, that!  Nagulat talaga ako.  I mean, I didn’t expect to see a couple making out inside the ladies’ room.  My ladies’ room, actually.  Puwede namang sa office mo na lang, ‘di ba?  Anyway, I’m really sorry for the interruption.  Next time ay mag-lock naman kayo ng pinto.  That’s why doorknobs have locks, you know, to...”

“Jessica!  Listen to me,”  hinila niya ito papasok sa makipot na hallway.  “Hinila niya ako papasok sa loob and then she kissed me.  She kissed me, okay?”

“And you kissed her back.”

“I...”

“I saw it with my two eyes.  You were kissing her back.  Congratulations, Ethan.  You are now a certified normal guy who acts on instinct.  I guess you are now open for serious, intimate relationships.  Good news to all women.”

“Jessica...”

“O, may mga customers na.”  Tinignan nito ang mga bagong pasok na estudyante.  “Gtg.”

“Anong gtg?”

Bumalik ang tingin nito sa kanya, taas ang isang kilay.  “Goodness, humanap ka nga ng kausap na ka-age bracket mo para naman nakaka-konek iyang utak mo.  Got to go, okay?”  Humakbang na ito palabas.

“Damn it, listen to me!”

“Why do you have to explain to me?  I am nothing to you.” 

“Yes, I kissed her back, dahil gusto kong patunayan sa sarili ko na kayang punuan ng ibang babae ang nararamdaman ko para sa ’yo.”

“Is that all you have to say?  Kailangan na ako sa kusina.”   Sa itsura nito ay mukhang hindi man lamang ito nakikinig sa sinasabi niya.

Umiling siya nang paulit-ulit.  “I can’t fool myself.  Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na walang nagbago.  But hell, everything has changed since the day I kissed you!  Higit isang taon na ang nakalipas, but the impact of that kiss still lingers in me.  And it’s... it’s driving me mad.”

“Ano'ng gusto mong mangyari ngayon?”

Lalo siyang napailing doon, dahil kahit siya mismo ay hindi alam ang sagot sa tanong na iyon.  “I just want you to know that.”

“Don’t waste my time listening to that crap.  Get a life, Ethan.”

“Jessica...”

“What?!” bulyaw nito sa kanya.  “What do you want from me?  Say it, Ethan.  Say it!”

Nagbuga siya ng hangin para mabawasan ang nakadagan sa dibdib niya.  Paano ba niya aangkinin ang isang bagay na hindi nararapat para sa kanya?  This was Jessica.  The perfect girl for the perfect guy.

“Hindi na mahalaga kung ano ang gusto ko, Jessica.  What matters is, kung ano ang hindi ko gusto.  And for the love of God, I don’t want to see you with another man!”

“Pero ikaw ay puwedeng magpapalit-palit ng babae, dahil hindi mo rin gustong magpirmi sa isa. Nice rule!  What gives you the right para pasunurin ako sa--”

“This!” He silenced her with a full-mouth kiss.  Lahat ng bigat sa dibdib niya ay biglang naglaho.  Pero nadoble lang iyon nang malakas siyang itulak ng dalaga.

“Jessie...”  The pain was unbearable.

“Tell me something I want to hear.  Tell me what you want.”

“I want you, damn it!  Hindi ba puwedeng akin ka na lang?”

Nanlaki ang mga mata ni Jessica sa ginawa niyang pag-amin. 

“Liligawan kita araw-araw basta iwan mo lang ang tisoy na ‘yon.  I want you to break up with him.  Now!”

"I can't."

"Jessica, please." Halos mapugto ang hininga niya sa tindi ng emosyon.

"I can't break up with Berg.  He is just my fake boyfriend.”

Matagal bago nagregister sa isip ni Ethan ang sinabi ng dalaga. Nang makabawi ay  kinabig niya ito bigla.

“Your what?!  Again?  Halos masiraan ako ng bait sa kaseselos!  Murit ka talaga!”  Hahalikan na sana niya ulit ito, pero hinarangan nito ng palad ang mukha niya.

“Get me out of here.”

Isinama niya ito sa pick-up na nakaparada sa labas. Nang maisara niya ang pinto ng sasakyan ay kinabig niya ito at buong kasabikang hinagkan muli sa mga labi.  “I missed you so much, Jessie.”

Isang mahigpit na yakap ang iginanti nito sa kanya.  “Huwag mo munang ipapaalam kay Kuya ang tungkol dito.”

Natigilan siya.  Muling bumalik ang kaba sa dibdib.

“Mabibigla 'yon.  Alam mo naman kung gaano ‘yon ka-OA pagdating sa akin.  Pagbalik niya dito ay saka ko na sasabihin sa kanila ni Mommy.”

💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓

Bumigay din ang ating Playboy 😂😉

My Sweet MiseryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon