NAKATANGGAP ng tawag si Ethan mula kay Daphne. Ipinapaalam nito ang tungkol sa pag-alis ni Jessica kinabukasan. Tutuloy daw ito sa mga kamag-anak sa Pasig habang nilalakad ang mga papeles nito papunta sa ama nito sa Amerika.
Ramdam niya ang kirot na halos magpasabog sa dibdib niya. Isinabunot niya nang mahigpit ang mga kamay sa buhok, umaasang maagaw ng sakit na iyon ang buong atensyon niya. Pero walang hihigit pa sa sakit na dinadala niya sa dibdib. Tumulo ang mga luha na hindi niya kayang pigilan.
Pasikat pa lamang ang araw kinabukasan ay bumangon na siya at inayos ang sarili. Inahit niya ang bigote at balbas at nagbabad sa mainit na tubig. Pagaling na ang mga putok niya sa labi, kulay berde na ang mga pasa niya sa mukha.
Nagmamadali niyang pinuntahan ang bahay ng mga Esguerra. Gusto niyang matanaw si Jessica, kahit mula sa malayo, bago ito umalis.
Pagdating niya sa harap ng bakuran, tumuntong siya sa malapad na plant box. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang nandoon pa ang dalawang sasakyan.
Lumabas si Seth na may tulak na malaking maleta. Nang bumukas ulit ang pinto, lumabas si Daphne, kasunod nito si Jessica na akbay ng Mommy nito.
Hindi niya makitang mabuti ang mukha ng dalaga dahil halos matakpan na ito ng malaking shades na suot nito.
Pinagmasdan niya ang kabuuan ni Jessica. Kahit mula sa malayo ay makaka-attract ito ng atensyon. Her slender body was moving gracefully.She was wearing a skinny jeans and sleeveless blouse. Nang dumako ang tingin niya sa makipot nitong beywang, napansin niya ang nakataling jacket sa balakang nito.
His mind drifted back in the past. That one cold night when he first felt something odd for this human being. Ang takot sa mga mata nito nang abutan niyang nag-iisa sa gitna ng mga nag-iinuman. Ang matinding tuwa sa mukha nito dahil sa simpleng kaganapan. Ang tahimik na pag-iyak nito dahil sa gulo sa paligid. At ang init ng maliit na palad nito sa kanyang kamay.
Ang batang nasubaybayan niya sa paglaki. Ang dalagang naging karamay niya sa kanyang kalungkutan. The woman that made him feel so normal and so alive. Ang babaeng gusto niyang makasama hanggang sa wakas.
Bumalik sa kasalukuyan ang atensyon niya nang bumukas ang gate. Nagtago siya sa likod ng malaking puno. Nang umatras ang Montero ay nagsimulang kumabog ang dibdib niya. Hindi na niya namalayan na tumakbo siya para harangin ang sasakyan.
Lumabas si Jessica, ganoon din si Seth at ang Mommy nito. Sandali siyang nanigas sa kinatatayuan.
WTF!
“Gusto ko lang... Iingatan mo ang sarili mo, Jessica.”
Itinaas ng dalaga ang suot na shades sa mahabang buhok nito. Lumitaw ang namumugtong mga mata nito.
“I’m sorry. Patawarin mo ako sa nagawa ko sa’yo.” Saglit siyang natahimik. He swallowed hard, bit his tongue to control his emotions. Naitapat niya sa bibig ang nakakuyom na kamao. Nang tanggalin niya ito, hindi na niya napigilan ang mga salitang hindi na niya sana gusto pang isatinig.
“I was drunk. Hindi ko ginustong saktan ka. Alam mo kung paano kita iningatan, Jessica. Hindi ko gustong sirain ang kinabukasan mo. I would have offered you the world, but I have nothing left to give. My life... Ang buong pagkatao ko ay wasak na wasak."
"Kaya kong tanggalin ang lahat ng bisyo at ayusin ang buhay ko para sa’yo, pero hindi ko kayang baguhin ang pinagmulan ko."
"Kailan ko lang nalaman sa Mama. Hindi pala ako totoong anak ng Papa. I’m a criminal’s son, Jessica. The truth hurts me so much, dahil lalo lamang akong naging alangan para sa’yo. At wala akong magagawa para mabago 'yon. So I chose to set you free.”
Nagsimulang pumatak ang mga luha ng dalaga. Ang mga kamay nito ay nakahawak sa pinto ng sasakyan. May dalawang pagpipilian ito, patawarin at tanggapin siya o pumasok ulit sa loob ng sasakyan at tuluyan nang maglaho sa buhay niya.
“God, Ethan. Bakit hindi mo agad sinabi? Hindi mababago no'n ang pagtingin ko sa’yo. Kahit husgahan ka ng buong mundo, I’m the only person who knows the real you. Just tell me again that you want me. Iyon lang ang mahalaga sa akin.”
Hindi siya makapaniwala sa narinig. Matagal bago siya nakapagsalita ulit. “I don’t just want you, babe. I need you. You’re the only thing that keeps me sane, the only thing that keeps me going, and the only person who can make me whole again. Kung mawawala ka, hindi ko na alam kung paano mabuhay.”
Humahagulgol na tinakbo siya nito. Sinalubong naman niya ito ng mahigpit na yakap at binulungan. “Hindi ko alam na kaya ko palang magmahal ng ganito. In your arms, I feel human.”
Isang malakas na tikhim ang nagpahiwalay sa kanila. Nang lingunin niya si Seth ay palapit na ito sa kanila.
“Ikaw ang 'Babe' na nagtatambak ng mga papel at bulaklak dito araw-araw? Pusang gala, kailan ka pa nagkaganyan?”
“I love your sister. Patutunayan ko 'yan sa inyo.” Sinalubong niya ang nanunukat na tingin ng lalaki. “I will marry her.”
“Mabuti naman!" Kinabog siya nito nang malakas sa likod. Halos makalas ang spinal column niya.
“Kuya!” saway ni Jessica dito.
“Warning lang 'yan. Kapag hindi pa siya tumino ay tutuluyan ko na talaga siya.” Bago ito tumalikod ay nagpahabol pa ito. "Welcome to the family, Ethan."
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
Next... Payback Time 😉

BINABASA MO ANG
My Sweet Misery
Romancepublished under PHR 2013 (Modified version) "I need you. You're the only thing that keeps me sane, the only thing that keeps me going, and the only person who can make me whole again." 💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞 Aso't pusa, iyon sina Ethan at Je...