Taken

13.9K 349 17
                                    


CHAPTER SIX

ANG pagkamuhi ni Ethan sa kababaihan ay nadoble nang si Erriz naman ang naging biktima ng isang Eba.  Nagbaril ito ng sarili sa loob ng townhouse nito.  Sa iniwan nitong suicide note ay ipinarating nito ang paghingi nito ng pag-unawa mula sa kanya.

“I'm sorry, Ethan, katulad ng Papa ay naging mahina rin ako.  Pareho lamang kaming nagmahal nang husto sa maling babae...  Huwag mong hayaang mahulog ka rin sa bitag nila.” 

Matapos itong ilibing ay doon niya nalaman na ang negosyo nila sa bayan ay palugi na.  Bukod sa nalimas na halos ang mga laman nito ay nakasangla na din ang building sa bangko.  Ipinantustos iyon ni Erriz sa pag-aaral at luho ng nobya nitong si Cindy.  Nang makatapos ang babae sa pangalawa nitong kurso at makapasa sa nursing board exam ay sumama ito sa isang bakasyunistang foreigner.  Ang dahilan ng babae... hindi matanggap ng pamilya nito si Erriz dahil sa kotrobersyal na family background nito. 

Ethan cursed all bitches to hell.

Ilang buwan din ang inilagi niya sa Amerika.  Pagbalik niya sa Pilipinas ay ibang Ethan na ang ipinakita niya.  Patutunayan niya sa lahat na ang kaisa-isang natira ay matatag. 

Pinaupahan na lang niya ang malaking building nila sa bayan. Pinagbuti niya ang pagpapatakbo sa hawak na gasolinahan.  Hindi nagtagal ay nakapagbukas na siya ng auto shop at car wash sa tabi ng gasoline station.  Doon niya ibinuhos ang oras at panahon niya.

“LOOK who’s here.  The famous heartbreaker is back!  Let me guess, naghahanap ka na naman ng biktima?”

Hindi na kailangang lumingon ni Ethan.  Kilala niya kung sino ang may-ari ng boses na iyon, si Russ.

Party ito ng syota ni Egay, hindi niya expected na nandito rin ang tropa ng lalaking ito.  Hanggang ngayon ay ayaw siyang tantanan ng ungas na ito. 

“I can’t imagine how pathetic you are, Ethan.  Sa takot mong iwan ka rin ng babae ay inuunahan mo na sila.  Others consider that  additional point to your macho image, while I call that cowardice.”

Tinungga niya ang hawak na bote ng beer, pretending not to hear the devil beside him.  Kung noon ay warfreak siya, ngayon ay kontrolado na niya ang init ng ulo.

“When was the last time you had a really nice lady?  Never.  All you had was a bunch of bitches, exactly what you deserve.”

Lumingon siya para tawanan sana ang patutsada nito, pero hindi niya inaasahan ang nakita sa likuran ng lalaki.  “Jessica?” 
What is she doing here?

“There you are, babe!  Kanina pa kita hinahanap.” 

Lalo pa siyang nagulat sa sumunod na ginawa nito.  Iniyakap nito ang mga braso sa beywang niya at tiningala siya. 
“Nag-text si Mommy, tinatanong kung may lakad tayo bukas.  Ipagluluto ka kasi niya ng paborito mo.  Masyado ka na talagang spoiled sa kanya.” 

Nanatili siyang nakayuko sa babae, unable to grasp her words.  Hindi dahil slow mag-process ang utak niya, kundi dahil sa epekto ng pagkakadikit nito sa kanya. 

“Hey!  May problema ba?”  Nilingon ni Jessica si Russ.

Halatang hindi makapaniwala si Russ sa nakikita.  Nahuli niya kung paano nito kilatisin ang dalaga mula ulo hanggang paa.  Looking at Jessica now, she would make any man proud of her.  Primera klase.  A fresh face in the crowd.

“What is it?” muling baling ng dalaga sa kanya.  “Come, babe.  Ipakikilala kita sa mga friends ko.”  Hinila siya nito palayo doon.

Nang mawala sila sa paningin ni Russ ay bumitaw siya sa dalaga.  “What are you doing here?”

My Sweet MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon