Buffalo Wings

11.8K 345 19
                                        

KINABUKASAN ay napagbuksan ni Jessica ng pinto si Ethan. Nagulat siya dahil wala namang dahilan para pumunta roon ang binata.

"Wala pa ba si Marcus? Usapan namin ay dito na lang kami magkikita."

"May nakikita ka bang Marcus?" pamimilosopong sagot niya. Iniwan niya ito sa sala. Nagulat ulit siya nang bumuntot ito sa kanya papasok sa kusina.

"Puwedeng makipag-kape?"

"Hindi ako nagka-kape kaya hindi ako marunong magsangkap."

Nagsangkap mag-isa ang binata at umupo ito sa harap ng mesa.

Na-conscious tuloy si Jessica sa ginagawa. Tumingkayad siya para abutin ang pakete ng breading mix na nasa pinakamataas na bahagi ng cabinet, pero lalo lamang iyong naitulak papasok sa likod. Nagulat siya nang may palad na pumatong sa kamay niya at inabot ang bagay na kinukuha niya. Bigla siyang nakaramdam ng alinsangan.

"Salamat." Pinagulong niya ang chicken wings sa bread crumbs.

"Ano'ng niluluto mo?"

"Buffalo wings." Lumayo siya dito. Nakasaksak pa ang isang earphone sa tainga niya kaya naisipan niyang magkunwaring may kausap sa cellphone, para lang maiwasang makipag-usap sa binata. "Hello, Berg! Hindi ka makakarating? So sad. Ipinagluluto pa naman kita."

Napalundag siya nang maramdaman ang hininga ni Ethan sa kabilang tainga niya.

"Kinakausap kita," bulong nito.

"'Di mo ba nakikitang may kausap ako?" Nilingon niya ito. Kamuntik nang magkadikit ang mga mukha nila.

"Kulang ka pa sa acting workshop, Jessica. Kapag tatanggap ka ng tawag, dapat pindutin mo muna ang answer button." Dinukot nito ang cellphone niya sa loob ng bulsa ng shorts niya.

Napasinghap siya nang maramdaman ang kamay nito sa hita niya. "Ano'ng ginagawa mo?"

"Hihinaan ko ang volume, sobrang lakas ng sounds mo. Kaya ko ngang sabayan ang kanta."

Nag-init lalo ang pakiramdam niya sa pagkapahiya. "Siguro naman ngayon ay alam mo nang hindi kita gustong kausap. Kaya kung okay lang sa'yo, puwedeng sa sala mo na lang ubusin ang kape mo?"

"Dati ay kung anu-anong kalokohan ang ginagawa mo para lang makausap ako."

"Dati 'yon. Ibalik mo na 'yang cellphone ko." Marumi ang kamay niya kaya hindi niya iyon mahawakan.

May pumasok na text message. Galing iyon kay Berg. Sabay pa silang yumuko ni Ethan dito.

Can I call you?

Ngumiti siya nang ubod ng tamis.

Ilang segundo pa ay tumatawag na si Berg.

Ibinalik ni Ethan ang cellphone sa loob ng bulsa niya.

"Hey! Accept it!"

"Auto-accept naman 'yang cellphone mo, 'di ba? Bakit hindi mo pa siya kausapin?"

Buwiset!

Naghugas siya ng kamay. Pagkatapos magpunas ay sinagot niya ang binata sa pangalawang tawag nito.

"Hi, babe!" Dinig niya ang pagsinghap ni Berg sa kabilang linya.

"This is Berg."

"I know. I miss you, too. Makakarating ka ba ngayon?"

Isinalang niya ang frying pan at nilagyan ng mantika. Kinuha niya ang siyanse. "Leave it to me, babe. Pagdating mo ay kakain ka na lang." Ipinatong niya ang mga braso sa counter at bahagyang tumuwad doon habang hinihintay na uminit ang kawali.

Maya-maya pa ay may humila ng hawak niyang siyanse at itinulak siya palayo sa kalan.

"Ano ba?" sita niya kay Ethan.

"Ako na ang magluluto, baka masunog pa ang hapunan natin. Karerin mo na ang pakikipagladyutan mo diyan."

"Sino ang nag-invite sa'yo na dito mag-dinner?"

"Si Marcus."

"Alis ka diyan. Ako ang magluluto." Tinulak niya rin ito at pilit na binawi ang siyanse.
Sa pagtutulakan nila at pag-aagawan ng siyanse ay bumagsak ito sa sahig. Sabay din silang yumuko para pulutin ito. Nang magkadikit ang mga katawan nila ay pareho silang natigilan. Nagkasalubong ang mga tingin nila. Napalunok siya nang dumako ang mga mata nito sa nakaawang niyang mga labi.

"Are you all right?" Si Berg sa kabilang linya.

"No. I mean, yes. Tatapusin ko na ang niluluto ko. Magbihis ka na, I'll wait for you. Bye." Kandabulol siya dahil nalalanghap niya ang hininga ni Ethan na hanggang ngayon ay nakatitig sa kanya.

"Ethan, nasusunog na ang kawali."

Binitiwan ng binata ang siyanse at tumayo. Dumiretso ito sa sala.

Hindi na siya muling sinulyapan man lang ng binata nang gabing iyon. Ni hindi rin nito binati man lang si Berg.

Pagkatapos nilang maghapunan ay nakipagkuwentuhan muna sandali sina Marcus at Ethan sa Mommy niya bago tuluyang nagpaalam.

💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗
For you, Lovely lady
user55400030 😘😘😘

My Sweet MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon