Heartless

12.4K 306 20
                                    

Hey, I did say this is drama, right? Let's see Ethan's transformation.

💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔

CHAPTER TWELVE

NAGULAT si Ethan nang madatnan niya ang alibughang ina sa sala.

“Kailan ka pa dumating?”

“Bakit hindi mo man lang ipinaalam sa akin ang tungkol sa pagkamatay ni Erriz?” panunumbat nito.

“How could I?  I didn’t even know kung saang lupalop ka naroroon.  I called your number several times bago siya ilibing, wala akong nakuha kahit isang sagot.”

“Ngayong wala na si Erriz ay mapupunta na sa akin ang bahay na ito at ang iba pang ari-arian na ipinangalan ni Elmer sa kanya.  Akala yata ng matandang iyon ay hindi ko mapapakinabangan ang yaman niya.  Wala man lamang siyang iniwan para sa akin.  Napakawalanghiya talaga!”

“Will you listen to yourself?  Hindi ka man lamang nalungkot sa pagkawala ng anak mo?  Ari-arian agad ang nasa isip mo?  I’m sorry to say, wala na ang shopping mall at ang malaking building na 'yon na nakapangalan kay Erriz ay nakasangla ngayon sa bangko.  Kung may pantubos ka doon, then it’s all yours. Pero ang bahay na ito ay hindi mapupunta sa’yo, dahil buhay pa ang Papa!”

“Hindi na makakalabas sa mental hospital ang lalaking 'yon.”

“I’m still here.  Sa akin nakapangalan ang bahay at lupang ito. Sa aming dalawa ni Erriz nakapangalan ang mga accounts ng Papa sa bangko.”

“Wala kayong karapatan ni Erriz sa ari-arian ng matandang 'yon!  Hindi siya ang tunay ninyong ama, at alam niya ‘yon!”

“Huwag kang magbibiro ng ganyan,” may warning sa tinig niya.

“Kahit kailan ay hindi puwedeng magkaanak si Elmer dahil isa siyang inutil!”

“Shut up!”

“Gusto mong malaman kung sino ang ama mo, ha?”

“I said, shut up!”

“Dating gym trainer ang ama mo.  Natigil lamang ang pagkikita namin nang maabutan kami ni Elmer sa mismong silid namin.  Huli ko na lamang natuklasan na natangay niya ang halos kalahati ng mga alahas ko.  Sa kasamaang palad ay napatay niya ang asawa ng sumunod na karelasyon niya.  Iyon ang tunay mong ama, magnanakaw at kriminal.”

“I don’t believe you!”

“Why don’t you go and see for yourself, Ethan.  Nang makita mo kung paano kayo parang pinagbiyak na bunga.  Arnold Sarmiento ang pangalan ng ama mo, naka-bilanggo sa provincial jail.”

“No!  Hindi totoo ‘yan!”

“Isang araw ay babalikan kita dito, anak.  Tayong dalawa na lamang ang natira. Tayong dalawa ang magkakampi.”

“I don’t need you here!  Nawasak ang mga buhay namin nang dahil sa’yo!”  Sa galit niya sa ina ay hindi niya napigilan na sagutin ito.   

********************************

“ETHAN?”  Dumiretso si Jessica sa kuwarto ng binata.    “Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?”

“Tinatapos ko na ang lahat sa atin.”  Tinungga ni Ethan ang hawak na bote ng alak.

“What?” Daig pa ni Jessica ang nabagsakan ng bomba.

“Huwag ka nang babalik dito, Jessica.”

“Why?  Ano'ng ginawa ko?”

“Actually, it's what you cannot do for me.”

Napaawang ang mga labi niya.  “Iyon ba ang dahilan?  I can give myself to you.”

“Don’t bother.  Wala akong balak na pakialaman ka.  It’s something I don’t have the right to claim.”

“But...”

“I am no saint, Jessica.  And I never fuck the same girl twice.  That’s my rule.  Kapag nakuha ko na ang kailangan ko sa’yo, you are good as trash like all the rest. So save yourself from one thing you will regret afterwards.”

“I thought...” Napailing siya sa itinatakbo ng usapan. Halos sumabog ang dibdib niya sa sakit na nararamdaman.

“You are not an exemption.  Hindi ko pananagutan ang gagawin ko sa’yo.  So get out of here.  Now.”

“Ano'ng nangyayari sa’yo?  Bakit bigla kang nagkaganyan?”

“I am just being honest!”

“What’s your problem?” Pumatak na ang mga luha niya.

“You wanna know what my fucking problem is? It's you! You are my problem, Jessica!  Hindi ako makahinga 'pag nand'yan ka sa tabi ko.  Alam mo ba kung gaano kahirap ‘yon?  Now get out of my sight before I rip you apart!”

Namanhid ang buong pagkatao ni Jessica.  What happened?  Kahapon lang ay hinahagkan siya nito.  Ngayon ay pinagsasarhan siya nito ng pinto.  Hindi lang pinagsarhan, pinagbagsakan!

  Tumalikod siya at patakbong iniwan ang binata, bago pa siya mapahagulgol nang malakas sa harap nito.

*******************************

Ilang gabing iniluha ni Jessica ang mga sinabi ni Ethan.  Nang balikan niya ito pagkaraan ng ilang araw ay nasindak lang siya sa inabutan.

Ang babaeng nakapulupot sa braso ni Ethan noon sa disco house ay palabas ngayon sa silid ng binata.

“Hey there, little girl.”  Nagpatuloy ito sa pagbaba.  “He was drunk so I drove him home.”  Tinignan nito ang kabuuan niya. “Swollen eyes.  Masanay ka na.  Ethan is so fucked up. He can never be faithful to you.  Poor thing!  We all love the same man, a heartless monster.   Believe me, you won’t bear to see him with different women. Only me can withstand the pain."

Napahagulgol ng iyak si Jessica.  Hindi na niya alam kung paano siya nakabalik sa kuwarto niya. 

Ipinagluksa niya ang sinapit ng kanyang batang pag-ibig.  Para kay Ethan ay nagpakababa siya, nagpakatanga, nagpakagaga.  Hanggang saan pa ang kaya niyang ibigay para sa binata?  No.  She'd had enough.

Kung may problema lang si Ethan kaya siya napagsalitaan nito ng ganoon, maiintindihan pa niya.  Pero ang pagtaksilan siya nito ng ganoon?  Hindi siya kasing martir ng babaeng iyon!

💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔

My Sweet MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon