NANG gabing iyon ay nagkaroon ulit ng pagkakataon na magsolo ang dalawa.“Ilang beses kong narinig sa’yo ang mga salitang ‘I hate you’, pero ni minsan ay hindi mo sinabing mahal mo ako.”
“Do I have to say it?” Humakbang siya palapit sa binata. Ang naaamoy niya ay mamahaling sabon. Wala na ang amoy ng alak at sigarilyo, pero ganoon pa rin ang epekto nito, nakakaliyo ng isipan.
Tumingkayad siya para abutin ang mga labi nito. Marahan niyang kinagat ang ibabang bahagi, then she sucked it. Umani iyon ng mahinang ungol na nagbigay ng lakas ng loob sa kanya. Ikinawit niya ang mga braso sa batok nito at hinagkan ito nang tuluyan.
Hindi na niya kailangang magpakahirap pa, sa isang iglap ay umangat siya sa sahig.Pabagsak siyang ibinaba ni Ethan sa malapad na kama. Mabilis nitong nahubad ang mga kasuotan. Nang hawakan nito ang laylayan ng blusa niya ay lumiyad siya para tulungan itong mahubad iyon. Isinunod nito ang suot niyang pants.
“You are so beautiful, Jessie.”
Para siyang babasaging kristal sa mga kamay nito. Panay ang ungol nito na parang nagpipigil sa sarili. Ang maiinit na labi at palad nito ay naglakbay hanggang sa mga sulok na hindi dapat puntahan, nag-iiwan ng tatak na hindi na kayang burahin ng kahit sinong lalaki na maaaring dumating sa buhay niya.“Ethan...”
“Jessie... I want you now.”
Nang maramdaman niya ang pagtatangka nito, napakagat siya nang mariin sa ibabang labi niya.
“Jessie?” Ethan released her abruptly. Mabilis itong bumangon at lumayo sa kanya. “How the hell did this happen?”
“Walang nangyari sa atin nang gabing 'yon. You tried to, at talagang natakot ako no'ng una. Then you became gentle, pero dahil sa sobrang kalasingan ay hindi na natuloy ang binabalak mo. The blood you saw was my... my period.”
“You mean nangyari ang lahat ng ito nang walang dahilan? Great!” Pinulot nito ang mga damit at mabilis na nagbihis.
“Saan ka pupunta?”
“You have no idea kung gaano kabigat sa dibdib ko ang nangyari.”
“I told you, you didn’t rape me.”
Nilingon niya ang babae.
“Why are you so mad at me?”
Lumabas siya ng pinto at pabalandrang isinara 'yon.
Nang bumalik siya sa kuwarto, tulog na si Jessica. Nakadapa ito sa malaking unan. Kinuha niya ang kamay nito at dinala sa mga labi.Naalimpungatan ang dalaga. Tumihaya ito. “I’m sorry, Ethan.”
“Shh... I’m sorry. I was so mad at myself dahil sa iniisip kong nagawa ko sa’yo. Only to find out that... Well, I actually felt so relieved.”
“Hindi mo ako kailangang pakasalan. Wala namang...”
“Who’s backing out? Definitely not me, baby.” He kissed her. “We will wait for the right moment.”
“What do you mean?”
“With you, baby, I want to make it right. We will not sleep together until our honeymoon.”
“Ha?” gulat na sabi ni Jessica. Nasa mukha nito ang protesta.
💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕
EPILOGUE
JESSICA was so radiant in her wedding gown. With the famous, gorgeous womanizer as her groom, who would ever think that she was a virgin bride? Kahit siya ay hindi makapaniwala. Naalala niya ang huli nilang diskusyon tungkol sa bagay na 'yon.

BINABASA MO ANG
My Sweet Misery
Romancepublished under PHR 2013 (Modified version) "I need you. You're the only thing that keeps me sane, the only thing that keeps me going, and the only person who can make me whole again." 💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞 Aso't pusa, iyon sina Ethan at Je...