CHAPTER TEN
NANG matapos ang kontrata ni Seth sa Malaysia ay niyaya ito ng pinsan nilang si Marcus na makisosyo sa negosyo nito.
Ang St. Matthew Medical Enterprises ay isang distributor ng drugs and medical supplies sa Pampanga hanggang sa Zambales at Tarlac area. Isa rin si Ethan sa nag-invest sa nasabing negosyo. Dahil doon ay hindi maiwasan ng binata kung minsan na mapadaan sa kanila lalo na kung may mahahalagang okasyon.
Kung nagkaroon man ng pagbabago sa pakikitungo nila ni Ethan sa bawat isa ay walang nakahalata, dahil abala ang mga tao sa iba’t-ibang mga bagay. Si Seth ay abala sa best friend niyang si Daphne. At siya naman ay abala din daw, kunwari, sa “boyfriend” niyang si Berg.
Classmate niya si Berg since freshman years. Mabait ito at maunawain. Kataka-taka ang pagrespeto nito sa friendship nila, lalo pa’t isa itong half-Australian na lumaki dito sa Pilipinas. Kung tutuusin ay wala na siyang mahahanap pa sa binata, maliban sa isang bagay, ang kakayahang paibigan siya. Hindi na niya matagalan pa ang ginagawang pagpapaasa dito. Tinapat niya ito na hanggang doon na lamang ang maibibigay niya, sa dahilang hindi niya kayang pagsabayin ang lovelife at pag-aaral, lalo pa’t graduating na sila ngayong taon. Ginawa na rin niyang dahilan ang pagiging mahigpit ni Seth sa kanya. Ganoon pa man ay nanatili silang mabuting magkaibigan ng binata.
“Bakit ba puro pagbo-boyfriend ang inaatupag mo, Jessica? Bakit hindi ka gumaya kay Daphne? Magtapos muna kayo ng pag-aaral,” sita ng kuya niya pag-alis ni Berg na naghatid sa kanya mula sa eskuwelahan.
Nandoon ang tropa ni Seth, pati si Ethan na patay-malisya habang nilalagok ang beer nito.
“Kaya wala pang boyfriend si Daphne ay dahil hinihintay niya ang isang tao na ubod ng kupad dumiskarte. Kasalanan ko ba kung mauna na ako?” Humakbang siya papasok ng bahay.
“Jessica!” tawag ni Seth.
“I know what I want, and I will do anything to get it. Diyan tayo nagkaiba, Kuya.”
😁😁😁😁😁😁😁😁😁😁😁😁😁😁
********************************Months later...
ANG hinala ni Jessica ay nagkatotoo. Daphne and Seth got married, ngayon ay malapit nang magkaanak. Matapos ang biglaang kasal ay bumalik si Seth sa bagong trabaho nito sa Indonesia para tapusin ang one-year contract nito.
“Are those real?” sinundot niya ang dibdib ni Daphne. “Gosh!”
“Ano ka ba? Puro gatas na kaya 'yan.”
“Mabuti ka pa, you are blessed with big boobs.” Niyuko niya ang sariling dibdib.
Natawa si Daphne. “Ano naman ang ikinatatampo mo diyan sa hinaharap mo? Naliliitan ka pa ba sa cup B?”
Umismid siya. “Hindi pa rin considered na big.”
“Tama ba ang naririnig ko? Iyang mala-Sam Pinto na ganda at katawang iyan ay nakararamdam ng insecurities? Bakit? Bakit?” Kengkay na gaya nito sa sikat na model/actress. “Huwag ka namang swapang, gurl. ‘Di na maganda ang sobrang perfect, sa mata ng mga lalaki ay mukha ka na no'ng pekpe...” Saka ito tumawa.
Hindi niya nakuhang makitawa sa sister-in-law.
“Maiba tayo, guwapo pala talaga si Ethan, ano?”
“Bakit mo naman nasabi?”
“Pansin ko lang kaninang nakasalubong natin sila no'ng bago niyang girl. Kahawig niya pala yung bida sa Immortals, si Henry Cavill. Kaya nagkakandarapa ang mga kababaihan sa kanya.”
Kaya nga hindi niya ako magustuhan!
“Ano bang meron sa inyo ni Ethan?”
“Ha?”
“O, bakit? Nakakabigla ba 'yong tanong ko? O sige, babaguhin ko. Hindi pa ba kayo tapos magpakiramdaman?”
“Ano bang sinasabi mo?”
“Hindi pa ba kayo nauwi sa totohanan?”
“Imposible. Tignan mo nga ang mga type niyang babae.”
“Voluptuous. Pero taob ‘yon sa beauty mo, gurl.”
“Eh, ‘yong mga susunod? Alam mo namang disposable ang mga babae no'n.”
“The way Ethan looks at you when you’re not looking? Hindi imposibleng mangyari ang sinasabi ko. Ang problema lang naman kay Ethan ay sandamakmak ang intimacy issues niya sa katawan. Halikan mo kaya?”
Namula siya doon.
“Uh-oh. There’s something you’re not telling me. Kaya pala hindi ninyo matignan nang diretso ang isa’t-isa, lalo na kanina. So, nakatikim ka ba sa kanya? Wait, let me rephrase that again, naka-score ba si Ethan sa’yo? Yummy ba?”
“Kung makatanong ka, dinaig mo pa si Boy Abunda. Bakit ko naman sasabihin sa’yo, eh hanggang ngayon nga ayaw mo pa ring aminin sa akin kung saan at paano nabuo ang bubuwit sa tiyan mo?”
“O siya, huwag mo na lang sagutin. Next topic, please. Paki-abot mo nga muna iyang binuburdahan kong lampin.”
Inihagis ni Jessica dito ang puting lampin. Hindi siya mapalagay kaya hinarap niya ang kaibigan. “He kissed me.”
“Who?” patay-malisyang tanong ni Daphne. Ni hindi siya nito sinulyapan man lang.
“Ethan kissed me...”
“Akala ko ba next topic na?”
“Daphne!”
“Aiii, galit? So, Ethan kissed you, and?”
“That’s it. We broke up after that.”
“You broke up. Meaning, there was really something special going on between the two of you back then.”
“Kunwari nga lang, eh. At iyon ang resulta ng isang halik na kaytagal kong pinangarap. Nakakabanas ang mga lalaki, ha!”
“Totoo ‘yan. Mas mahirap pa silang intindihin keysa sa ating mga babae.”
“Maybe he didn’t like kissing me.”
“Or maybe, he wants to miss ‘kissing you’ muna.”
Napatingin siya sa kaibigan.
“Kilala kita, Jessica. Gagawin mo ang lahat para makuha mo ang gusto mo.”
“Iba ito, gurl. He’s not even attracted to me.”
“He is so into you, believe me. Kaunting tiyaga pa, hija, mapapasagot mo din ‘yon. Sabihan mo si Berg na galingan pa ang arte niya.”
Sabay pa silang nagkatawanan. “Wala talaga akong maitago sa’yo.”
“Akala mo hindi ko alam na fake din 'yon?”
“Huwag kang madaldal kay Kuya, ha?”
“Pinky swear!”
At nagkawit ang hinliit ng dalawang magkaibigan.

BINABASA MO ANG
My Sweet Misery
Romancepublished under PHR 2013 (Modified version) "I need you. You're the only thing that keeps me sane, the only thing that keeps me going, and the only person who can make me whole again." 💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞 Aso't pusa, iyon sina Ethan at Je...