ARAW-ARAW ay nakatatanggap si Jessica ng iba't-ibang klase ng bulaklak sa shop. Pag-uwi niya sa bahay ay mga love letters naman ang naghihintay sa kanya sa mailbox. Natatawa siya sa mga sweet nothings na nilalaman ng mga iyon. Lahat ay may pirmang "Babe" sa dulo.
"Babe again, wow! Kailan ko kaya mami-meet ng personal iyang jowa mo? Baka naman gawa-gawa mo lang ulit 'yan?" tukso ni Daphne nang minsang agawin nito ang card na hawak niya.
Sa harap ng lahat ay normal lang ang kilos nilang dalawa. Pero sa tuwing magsosolo sila ay malaya nilang pinapakawalan ang damdamin nila sa bawat isa. Sa kabila n'on ay hindi lumalampas si Ethan sa limitasyong ginawa nito para sa sarili.
"Tease! Huwag kang lalapit ulit sa akin, or you'll be sorry!"
Tuluyang lumayo si Jessica sa binata. Kapag ganoong nag-iiba na ang boses ni Ethan ay dumidistansya na siya dito. "Ilang dosenang babae na ba ang dinala mo dito?"
"Ikaw pa lang ang kauna-unahang nakapasok dito."
"As if..."
"I'm serious. Maraming kuwarto ang bahay na ito. My room is private, and I only share it with you."
Humakbang siya papunta sa dresser nito. Kinuha niya ang isang lighter at sinindihan iyon. "Wala ng fuel."
"Hindi ko na ginagamit 'yan. I stopped smoking ages ago."
"Pansin ko nga."
"Magmula noong tawagin mo akong amoy-tambutso at yosi-kadiri."
Napalingon siya dito. "Seriously?"
"Hindi na rin ako naglalasing mula noon. I changed myself para hindi ka na maumay sa akin."
Ngumiti nang matamis si Jessica. Confession time! "May nagbago rin sa akin. Kumakain na ako ng kwek-kwek lagi. Naaalala kasi kita tuwing kakain ako ng gano'n."
Natawa si Ethan. "Good. Have you tried isaw?"
"Ano 'yon?"
"Bituka ng manok. Eh, addidas? 'Yong paa. Next time ay mga gano'n naman ang kakainin natin, ha?"
Argh!
Tinalikuran niya ito para hindi nito makita ang pagngiwi niya. Pero nakita iyon ng binata sa repleksyon niya sa salamin.
Tumawa ito nang malakas. Hindi naman halatang aliw na aliw ito sa pang-aasar sa kanya.
Dinampot niya isa-isa ang mga nakakalat na bote sa tokador. Aftershave, perfume, gel...
"Gumagamit ka ng gel?" kunot-noong tanong niya dito. Nilingon niya ang binata na prenteng-prente pa ring nakahiga sa malapad na kama, ang ulo ay nakaunan sa dalawang braso nito.
"Kapag pumoporma at naghahanap ng date," nakangiting sagot nito.
Ibinato niya dito ang bote ng gel.
Tumawa ulit ito at inihagis ang bote sa basurahan.
"Bakit mo itinapon?"
"Aanhin ko pa 'yon? Nandito ka na."
"Huwag ka lang pahuhuli sa akin."
"Ano'ng gagawin mo?"
Sinalubong niya nang diretso ang tingin nito. "You'll never see me again."
Bumangon ito at nilapitan siya. Niyakap siya mula sa likuran at iniharap siya sa salamin. "Look how happy you've made me. Kung mawawala ka, you will leave this poor man incomplete again."
Binuksan nito ang drawer at may dinukot mula sa loob. Itinaas nito iyon sa harap niya.
Napakunot ang noo niya nang makilala ang bagay na iyon. Ang bracelet niya noong bata siya na gawa sa beads na iba't-ibang kulay. Sa gitna ay ang mga letrang bumubuo sa pangalan niya. Kinuha niya iyon mula sa kamay ng binata.
"Paano napunta sa'yo ito?"
"Napigtas iyan sa kamay mo noong hilahin kita papunta sa loob ng Sarao jeep, dahil nagkakagulo sa paligid. Ibinulsa ko at balak ko sanang ibalik sa'yo, pero nangalaglag na ang ilang beads nito."
"Bakit nandito pa 'to hanggang ngayon?"
"I kept it."
Tiningala niya ang binata sa likuran niya.
"My most treasured possession."
"Kung gano'n, bakit ibinabalik mo sa akin ngayon?"
"Because I already have you, my most precious gem." There was genuine sincerity in his voice.
She could still feel his magnificent arousal behind her. "Ethan, if you want me..."
"I want you badly, pero masaya na akong yakap kita nang ganito."
Dapat ay ikatuwa niya iyon, dahil iginagalang siya ng binata. Pero may hatid iyong pait sa lalamunan niya. Isa lang kasi ang kahulugan no'n. Walang patutunguhan ang relasyon nila kaya ayaw siyang galawin nito. Walang balak si Ethan na seryosohin siya sa paraang gusto niya.
"When... when this is over, will you promise me na walang magbabago sa dating samahan ninyo ni Kuya? I don't want to lose you in my life. Tama na sa aking nandyan ka kahit..."
"I'm not going anywhere, Jessie." And he kissed her.
Lahat ng pangamba at takot ay mabilis na napawi ng mga halik na 'yon.
Lumipas ang mga araw na walang tigil ang kaligayahang nadarama ni Jessica. Wala mang sinasabi ang binata na mahal siya nito ay kuntento na rin siya. Alam naman niyang wala sa bokabularyo ni Ethan ang salitang pag-ibig. Ang mahalaga ay nararamdaman niya kung paano siya pahalagahan nito.
Nang dumating si Seth mula Indonesia, nagbalak siyang ipagtapat na dito ang tungkol sa relasyon nila ni Ethan. Kaya lang, kasalukuyan naman itong humaharap sa malaking pagsubok sa pagsasama nito at ni Daphne.
********************************
LUMABAS si Jessica sa balcony ng kuwarto ni Ethan. Inakyat niya ang maliit na hagdan papunta sa bubong ng malaking bahay. Hindi siya nagkamali, Ethan was there, lying underneath the bright stars.
Hindi siya nito nilingon, pero kinuha nito ang palad niya nang humiga siya sa tabi nito.
"What are you thinking of?"
"I was wishing that you would come here and lie with me."
"Your wish was granted."
"Yes, all my wishes came true." Nilingon siya nito at dinala ang kamay niya sa mga labi nito. "I missed you, baby. Hindi ko na matatagalan ang paglilihim nating ito."
"Let's just wait for the right timing. Laging mainit ang ulo ni Kuya ngayon."
Nanatili itong nakatitig sa kanya sa ilalim ng liwanag ng buwan.
"Ngayong nandito na ako, what do you intend to do?"
"Kiss you till you run out of breath." At tinawid nito ang distansya sa pagitan nilang dalawa.
💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞
BINABASA MO ANG
My Sweet Misery
Romancepublished under PHR 2013 (Modified version) "I need you. You're the only thing that keeps me sane, the only thing that keeps me going, and the only person who can make me whole again." 💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞 Aso't pusa, iyon sina Ethan at Je...
