The Bodyguard

13.2K 362 18
                                    

NANG makapagtrabaho si Seth sa Malaysia ay laking pasasalamat ni Jessica dahil nawalan siya ng mahigpit na bantay.  Simula noon ay hindi na napapasyal si Ethan sa kanila.  Nakikita lamang niya ito kapag nagpapakarga sila ng Mommy niya sa gasoline station nito.

Isang araw ay lumuwas ang Mommy niya sa Pasig dahil na-stroke ang kapatid nitong panganay at kasalukuyang nasa ICU.  Gusto sana niyang sumama kaya lang ay last day ng exams nila kaya hindi siya puwedeng lumiban sa klase. 

Kinagabihan ay nakatanggap siya ng tawag mula dito.  Hindi raw ito makakauwi dahil sumama lalo ang lagay ng Tito Eugene niya. 

Lumabas siya sa balcony ng bahay at binuklat ang isang English novel na halos nakalahati na niya ng basa.  Maya-maya ay may nagbusina sa harap ng bahay.  Nang silipin niya ito ay nakilala niya ang pick-up ni Ethan.  Kumakaway ito sa kanya at mukhang pinalalabas siya dahil bumaba ito ng sasakyan.

Mabilis siyang tumakbo pababa at halos mataranta pa siya sa pagtanggal ng bolt sa pinto.  Pagbukas niya ng gate ay nakaabang na ang binata.

“What’s with the bright lights?  Parang may party diyan sa inyo, ah.”  Sumilip ito sa siwang ng gate.

“Mag-isa lang kasi ako ngayong magdamag kaya binuksan ko lahat ang mga ilaw.”  Binanggit niya dito ang nangyari sa tiyuhin niya.

“Wala ba si Daphne?”  Tumingin ito sa kabilang bahay na isang ilaw na lang ang nakasindi.

“Bukas pa raw ang uwi niya dahil midterm exams din nila.  Nahihiya naman akong makitulog sa kanila.”

“Gusto mo bang sumama na lang sa amin?”

“Saan kayo pupunta?”

“Kakain lang sa labas.” 
Napayuko siya sa sarili.  Naka-pajamas na siya.

“Magbihis ka na.  Hihintayin kita dito sa sasakyan.”

Pinagbuksan siya nito ng pinto sa likod ng pick-up.  Pagsampa niya ay nagulat pa siya nang makitang may kasama pala itong babae.  Ang akala niya ay usual na gimik lamang ito ng tropa. 

“Si Trisha,” pasimpleng pakilala nito sa magandang babae. 

Habang nasa daan na sila ay nagsuggest ang babae.  “Mag-disco na lang kaya tayo.”

“Hindi umiinom ng alcoholic drinks si Jessica,” tipid na sagot ni Ethan.  “Let’s have late dinner, tapos ay ihahatid na kita.”

“May softdrinks naman doon.  C’mon, I wanna have some fun.”
Tinignan siya ni Ethan sa rear mirror.  Napilitan tuloy siyang magsalita.  “Okay lang sa akin.  Puwede naman sigurong sa labas na lang tayo pumuwesto, tapos ay iwan na lang ninyo ako doon.  Hindi ko kasi talaga matagalan ang amoy ng sigarilyo.”

“No way,” matigas na sagot ng binata.  “Kakain na lang tayo.”

Nilingon siya ng babae. Halatang inis na ito dahil sa pagsingit niya sa date ng mga ito.  “Laki ka ba sa kumbento or you’re just pretending to be a sweet, innocent, dumb-ass little girl?” 

“Trisha!”  Mabagsik na saway ni Ethan dito.

“Stop the car.  Nawalan na ako ng gana.”

“Are you serious?”

“Yes, I am serious, Ethan.”

“Ihahatid na kita sa inyo.”

“I don’t wanna go home.  I said stop the car.”  

Itinigil nga ni Ethan ang sasakyan.  Pinindot nito ang power lock at hinintay na bumaba ang sakay nito.

Nanlaki ang mga mata ng babae.“You are really a son of a bitch!”  galit na sigaw nito bago mabilis na bumaba ng sasakyan.

“Hindi mo dapat ginawa iyon, Ethan!”  Nilingon ni Jessica ang babaeng nanggagalaiti sa galit.  “Baka kung mapaano 'yon sa daan.”

“Don’t worry about her.  Puno ng contact numbers ng mga lalaki ang phonebook no'n.  Baka nga mahirapan pa 'yong pumili kung sino ang susundo sa kanya doon.”

“God, I’m sorry.  Hindi mo na dapat ako isinama.  Nasira ko pa tuloy ang date mo.”

“There are millions of them out there, but there is only one Jessica.”  Tinignan siya ulit nito sa salamin.  “Mag-take out na lang tayo ng food, tapos mag-movie marathon tayo sa inyo, okay lang ba?”  Nag-order ito ng food sa drive thru ng Mc Donalds.
  
Pagdating sa bahay ay naghanap sila ng movies online. Isang action movie na pinagbibidahan ng paborito niyang si Colin Farrell ang napili nilang panoorin.  Panay ang subo niya ng fries at sipsip sa malaking baso ng Coke float.
Maya-maya pa ay nakatapos na sila ng dalawang pelikula. 

Tumingin si Ethan sa wall clock.  Ten minutes before midnight.  Tumayo ito at ipinagpag ang mga kamay sa hapit na pantalon.
“Hatinggabi na, Jessie. Tutuloy na ako.  Ikandado mong mabuti ang mga pinto paglabas ko.” 

Tinanguan niya ito.  “Salamat, Ethan.”

“Isama mo sa listahan ng mga utang mo sa akin,” nakangiting sabi nito.  “Good night.”

Ikinandado niya ang gate at ganoon din ang main door.  Niligpit niya ang mga kalat sa carpet.  Pumasok siya sa banyo para mag-toothbrush at muling maghilamos ng mukha.  Pagkatapos noon ay pabagsak siyang humiga na sa kama at tumitig sa kisame. 

Napabuntonghininga siya at nilingon ang teddy bear na may pangalang Franchezka.  “Your papa Ethan is so handsome.  Kailan pa kaya lilipas ang puppy love ko sa kanya?”

Pagmulat niya ng mga mata ay maliwanag na.  Tumayo siya at nag-unat ng mga braso.  Lumabas siya sa balcony para mag-exercise at lumanghap ng sariwang hangin.  Nagulat siya nang makita ang pick-up ni Ethan na nandoon pa rin sa lugar na pinagparadahan nito kagabi. 

Mabilis siyang bumaba at lumabas ng bahay.  Nang makalapit siya sa sasakyan ay idinikit niya ang mukha sa heavily tinted na salamin.  Naaninag niya si Ethan na nakahiga sa nakababang sandalan.  Kinatok niya ito. 

Pupungas-pungas pa ito nang magbaba ng salamin ng bintana. “Good morning!”

“Bakit diyan ka natulog?”  takang tanong niya dito.

Painosente itong lumingon sa paligid.  “Dito pala ako nakatulog?  Hindi ko na rin namalayan.”

“Geez!  I think I’m indeed an innocent, dumb-ass little girl... but not sweet at all.  Hindi man lamang kita niyayang matulog sa guestroom or sa sala katulad ng dati.”

“You just did the right thing.  Hindi rin naman ako papayag na matulog doon kung sakali.”

“Bakit?” kunot-noong tanong niya.

“Tayong dalawa lang sa bahay na ‘yan, paano kung maisipan mo akong gapangin?  Wala pa naman sa bokabularyo ko ang salitang kasal.  Baka katayin ako ng Kuya mo.”

“In your dreams!  Halika nga sa loob.  Magkape ka muna para magising iyang diwa mo.”

“Hindi na.  Nami-miss ko na ang kama ko.  Siniguro ko lang na walang aakyat sa bahay ninyo sa buong magdamag.  Mag-almusal ka na.  Uuwi na ako.”

Nang makalayo ang sasakyan ay napahawak siya sa dibdib.  She was so touched by his concern.  Kung gaano ito kagaspang sa ibang babae ay ganoon naman ito kasuyo sa kanya.  

Nang maramdaman niya ang dibdib sa ilalim ng manipis na pajama top ay napasinghap siya nang malakas.   “Gosh!”  Napatakbo siya pabalik sa loob ng bahay.

My Sweet MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon