Tapusin na natin 'to, para 'di masira ang momentum 😁😁😁
💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔
NASILAW si Ethan mula sa liwanag na nagmumula sa bintana. Parang mabibiyak ang ulo niya sa tindi ng hang-over. Nang mapadako ang mga mata niya sa mga nagkalat na gamit sa kuwarto ay doon pa lamang bumalik sa alaala niya ang nangyari nang nagdaang araw.Ang tunay na ama niya na sinilip niya sa kulungan... Tama ang ina niya, kamukhang-kamukha nga niya ito.
Napalingon siya sa tabi niya at nanlaki ang mga mata nang makita ang nagkalat na mantsa ng dugo sa higaan. “Fucking shit!”
Mabilis siyang bumangon at niyuko ang sarili. Suot pa rin niya ang pantalon na bukas ang butones at zipper. Nang makita ang mantsa ng dugo sa boxers ay napamura siya ulit nang malakas. Halos iuntog niya ang ulo sa dingding sa matinding galit sa sarili.
Paano niya nagawa kay Jessica 'yon? Hindi niya lubos-maisip kung gaano niya nasaktan ang dalaga. Wala siyang natatandaan sa nangyari kundi ang panlalaban nito at ang maiinit na halik. No'ng una ay inakala niyang si Sophia ulit ito at balak sana niyang turuan ng leksyon ang babae. Nabigla siya nang makita ang luhaang mukha ni Jessica. Pero huli na para mapigilan niya ang sarili.
Natitiyak niyang malaking damage ang ginawa niya, base na rin sa malaking mantsa ng dugo sa higaan. Wala siyang natatandaan na naging banayad at maingat siya sa pag-angkin sa kahit sinong babae, mga babaeng halos makiusap para lang patulan niya. Hindi niya maisip ngayon kung paanong kahalayan ang ginawa niya kay Jessica. He was not even wearing a rubber! He had never had sex without protection before. Maingat siya sa bagay na 'yon. But then again, he was never too drunk like that before. Holy Mary!
Naaamoy pa niya ang pamilyar na amoy ng dalaga sa balat niya. And now, he was so damned rock hard again. Double shit!
Tumayo siya at pinagsusuntok ang dingding, hanggang sa magdugo ang kamao niya.
💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔
CHAPTER THIRTEEN
BINYAG ng pamangkin ni Jessica. Nang matapos ang reception sa Casa Emmanuellette ay ipinagpatuloy ng tropa ang kasiyahan sa bakuran nila.
Nasa loob ng kusina si Jessica nang pumasok si Daphne, kasunod nito si Ethan. Hindi niya inaasahan na makikita ang binata dito pagkatapos ng nangyari kagabi.
“Maiwan ko muna kayo,” tahimik na lumabas si Daphne.
Humakbang palapit si Ethan at itinaas ang manggas ng suot niyang maluwag na longsleeves polo. Lumitaw ang mga pasa niya sa kamay, marka ng mga daliri ng lalaki kagabi.
“What happened to your hand?" Nag-aalalang hinaplos niya ang mga sugat ni Ethan sa kamay.
“I’m an asshole. I deserve more than that.”
Biglang pumasok si Seth, kasunod nito si Daphne. “Bakit ngayon ka lang, ‘tol?”
“I raped your sister,” diretsong pahayag nito.
“Ethan!” nasisindak na pigil niya sa binata.
“Huwag kang magbibiro ng ganyan, sasamain ka sa akin.” Biglang naging pormal ang boses ni Seth.
Kinuha ni Ethan ang braso ni Jessica at muling inililis ang manggas ng suot niyang longsleeves.
“Son of a bitch!” umusok ang ilong ni Seth sa galit.
Bago pa nakaharang si Jessica ay nasuntok na ni Seth si Ethan. Sadya namang ipinain ng binata ang sarili nito para magsilbing punching bag ni Seth.
“Kuya, tama na!” Pilit niyang inaawat ang kapatid, pero sa sobrang galit nito ay ayaw nitong tantanan si Ethan, hanggang sa sumadsad na ito sa sahig. “Kuya!”
Tumakbo palabas si Daphne. Pagbalik nito ay kasunod na si Marcus na mabilis na umawat.
“Hayop ka! Paano mong nagawa 'to? I trusted you! Nangako ka sa akin!” Humihingal sa galit si Seth. Niyakap ito ni Daphne at itinulak palayo.
Tinakbo niya si Ethan na puro putok na ang mukha. Halos madurog ang puso niya sa nakikitang anyo nito. “You didn’t rape me!”
Pumikit ang binata at pinunasan ng kamay ang dugo na umaagos mula sa ilong nito. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya.
“Ano'ng nangyayari dito, Seth?” naguguluhang tanong ni Marcus.
Dumating na rin ang kaibigan ni Marcus na si Cyd, kasunod ang nobya nitong si Ember.
“That filthy son of a bitch...”
Inawat ito ni Daphne. “Seth, hindi mo ba nakikita na mahal siya ni Jessica? Bakit hindi mo siya bigyan ng pagkakataon?”
“He raped her!”
“Hindi natin alam kung ano talaga ang nangyari. Ethan came here to confess, at para harapin ang galit mo. Tiyak na may dahilan kung bakit.”
Muling humarap si Seth kay Ethan. “Panagutan mo ang ginawa mo sa kapatid ko, kung ayaw mong mabulok sa kulungan.”
Huminga muna nang malalim si Ethan bago nagmulat ng mga mata. Halatang hirap ito sa paghinga. Siguro ay nabalian na ito ng ribs dahil sa kasusuntok ni Seth dito.
“I can’t do that. Ipakulong mo na lang ako, doon ako bagay. O kung gusto mo ay ipapatay mo pa ako. Hindi ko puwedeng panagutan si Jessica.”
Tuluyan nang nagkagutay-gutay ang puso ni Jessica. Nabitawan niya si Ethan at napasalampak sa sahig. Humahagulgol na napaatras siya sa dingding. Para siyang batang paslit na inagawan ng pinakamamahal na laruan.
Napamura ulit si Seth, pero hindi na ito nagtangka pang sugurin ulit si Ethan. Tumalikod ito para hindi makita ang pagdurusa niya.
Hindi pa rin nakaligtas si Ethan. Pulang-pula si Marcus sa galit nang sugurin ito ng sunod-sunod na suntok. “Kaya pala hindi ka interesado sa ibang babae, si Jessica na ang pinupuntirya mo, tarantado ka!”
“’Tol, tama na, baka mapatay mo siya,” awat ni Cyd dito.
Tumulong na rin sa pag-awat ang dalawang babae. Mabilis na lumabas ng bahay si Marcus.
Tinulungan ni Cyd si Ethan na makatayo. “Magpalamig muna kayo. And please, mag-isip kang mabuti, Ethan. This is Jessica. You cannot run away from love.”
“Get him out of here,” matigas na utos ni Jessica.
Nang yakapin siya ni Daphne ay halos mapugto ang hininga niya sa ginawa niyang paghagulgol.
💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔
PAULIT-ULIT na nag-eecho sa pandinig ni Ethan ang huling sinabi ni Jessica.
Get him out of here.
Out of her life.
Mas ramdam niya iyon keysa sa mga sugat at bugbog na napala niya sa pagpunta doon.
He was given a chance to rectify the situation, pero sinaktan lamang niya lalo ang dalaga.
Tinanggihan niya ito sa mismong harap ng kaanak nito, matapos niyang ipangalandakan ang ginawang kahalayan dito.Paano ba niya susuklian ang pagmamahal nito kung ang puso niya ay nababalot ng pagkamuhi? Paano niya iaalay ang sarili dito kung wasak ang buo niyang pagkatao?
💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔

BINABASA MO ANG
My Sweet Misery
Romancepublished under PHR 2013 (Modified version) "I need you. You're the only thing that keeps me sane, the only thing that keeps me going, and the only person who can make me whole again." 💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞 Aso't pusa, iyon sina Ethan at Je...