Partners In Crime

13K 359 19
                                    


PAPALAPIT na ang big event.  Naiinggit si Jessica sa mga classmates niya na busy na sa pagpa-plano kung paano magpapaganda.

“Hey, what’s that sour face for?’  puna ni Nuelle, ang classmate niya na bukod-tanging siya lamang ang kinakausap.

“I cannot attend the ball.”

“Why?”

Ikinuwento niya ang kahigpitan ng kapatid. 

Natawa ang mestizang dalaga.  “Sounds like Lance.”  Ang tinutukoy nito ay ang inaanak ng stepdad nito.

“Alam mo, cute ang Lance na ‘yon, ha?”
“Don’t even think about it.  Parang tiger ang girlfriend no'n.  Insecure!”  Saka ito tumawa ulit.

  “Kung hindi ka pupunta, hindi na rin ako pupunta.”

“Gano'n?”

“Alam mo namang ikaw lang ang friend ko dito.”

Nagplano na lamang sila ng ibang gimik ni Nuelle.

“MAY isusuot ka na ba sa ball?” tanong ni Ethan minsang maabutan niya ito sa kanila.

“Huwag ka nang mang-asar.”

“Hindi pa ako nakakabayad doon sa masarap na hapunan na inihain mo sa akin noon.”

Nilingon niya ang binata.  “What do you mean?”

“I can do magic.”

“Kukumbinsihin mo na si Kuya?”

“Nope.  Basta ba pinayagan ka ng Mommy mo, ako na ang bahala kay Seth.”

“Ano'ng gagawin mo?”

“Lalasingin ko siya sa gabi ng ball.” 

Sabay pa silang napatawa nang malakas.  “Tutulungan mo ako?”

“Huwag mo nang problemahin si Seth.  Isipin mo na lang kung paano ka magpapaganda sa gabing iyon.”

Sa tuwa niya ay sinugod niya ng yakap ang binata.  “Thank you!"

💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗

MULING sinalinan ni Ethan ng alak ang baso ni Seth.  Hard ang binili niya.  Idinaan niya sa kuwento para hindi makahalata ang kaibigan na hindi niya halos ginagalaw ang sariling baso.

“‘Tol, kapag nakita mo si Maricar, luluwa ang mga mata mo.”
Isang ngisi lang ang sagot ni Seth.  Isinandal nito ang likod sa sofa at ipinikit ang mga mata.

“Okay ka lang?”

“Tinablan na yata ako.  Ang aga mo naman kasing nagyayang uminom, ‘di pa nga tayo nakapaghapunan.” 

Maya-maya pa ay pikit na ito at naging panatag na ang paghinga nito, nakalaylay ang braso sa armrest ng sofa.

Nang bumaba si Jessica ng hagdan ay lumipad ang tingin niya dito.  She looked sophisticated in her red evening dress.  Wala ni bahid ng kainosentehan sa magandang mukha nito.  Wala sa sariling napalunok siya habang pinapanood ang paglapit ng dalaga.

Saktong mapadaan ang dalaga sa harap ni Seth ay nagsalita ang lalaki. 

“Jessica...”

Napalundag ang dalaga sa gulat.  Hinila siya nito at nagtago sa malapad na likod niya.  “Josko, patawarin!”

“Shhh!”

Tulog na ulit ang lalaki.
Hinila niya ang palad ni Jessica at mabilis silang lumabas ng bahay. 
“Kayo na po ang bahala kay Seth, Tita Eunice, at ako na po ang bahala sa inyong prinsesa.”

“Ingat sa pagmamaneho.”

  Hinatid niya ang dalaga sa mismong harap ng school campus.  “Babalikan kita after two hours.”

“Naman!  Ano'ng magagawa ko sa loob ng dalawang oras?”  reklamo nito sa kanya.

“Dance with as many boys as you can.”  Nginitian niya ito.  “But remember, Jessica, ang party ay nasa loob ng hall, wala sa gitna ng dilim.  Naiintindihan mo ba?  Kailangang maibalik kita nang buong-buo.  Malagasan ka lang ng isang hibla ng buhok ay mananagot ako sa Kuya mo.  Maliwanag?”

Umikot ang eyeballs nito.  Kasabay ng malalim na paghinga ay hinatak nito ang shoulder bag at akmang bubuksan na ang pinto nang pigilan niya ito sa braso.

“Let me.”  Bumaba siya ng pick-up at pinagbuksan ito ng pinto.  “Enjoy the evening, young lady.”

Pag-uwi nila ay walang katapusan ang kuwento nito.  Bakas sa magandang mukha nito na nag-enjoy ito nang husto.

“At ito ang matindi, isinayaw ako ng crush ko!  Gosh!  I owe that super kilig moment to you!  Thank you talaga!  Mula ngayon ay ikaw na ang male best friend ko!”

“Lugi ako.  Fifteen minutes lang ang itinagal ng lechon sa bituka ko, samantalang ikaw ay isang linggong hindi patutulugin ng kilig mo.”

“Exagge ka naman.”

“O, bakit?  Eh, sa ganoon talaga kabilis ang metabolism ko.  Isa pa, hindi pa ako nag-dinner nito dahil sa kababantay ko sa oras.”

“Huwag ka nang magpalibre sa akin, ang kapal ng mukha mo.  Naubos na sa damit at parlor ang allowance ko.  Isang linggo rin akong kakain ng hangin nito.”

“Mabisyo, eh, magdusa ka!  Solved ka naman ‘di ba?”

Isang kumukuti-kutitap na ngiti ang isinagot nito sa kanya.

My Sweet MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon