Eye-Opener

12.4K 351 11
                                        

CHAPTER ELEVEN

NAISIPAN ni Jessica na mag-negosyo para magamit naman niya ang pinag-aralan niya na Business Management. Katulad ng pang-asar na suggestion ni Ethan noon, nagbukas nga siya ng food house. Mas sosyal nga lang sa karinderya, ang Jessica's Native Cuisine. Puro kakanin ang specialty niya, at may halo ring pasta.

Ang mas pang-asar na part d'on ay... pinili niya ang bakanteng commercial space sa mismong tabi ng gasoline station ni Ethan. Araw-araw ay natatanaw niya ang lalaki mula sa 'di kalayuan.

Isang hapon ay naging customer niya ang kaibigan na kadarating lang mula Australia.

"Berg!" Niyakap niya ang binata. "Mabuti naman at napadaan ka. Halika, ipagdala mo ng halayang ube at leche flan ang Tita Elizabeth."

"Hindi naman ako nagmamadali. Baka gusto mo akong sabayan sa pagmerienda?" Ngumiti ito nang pagkatamis-tamis na ikinalabas ng dimples nito.

"Halika, doon tayo sa gilid para makapag-kuwentuhan tayo nang maayos. Kumusta ang bakasyon ninyo? Bakit naman ang bilis ninyong bumalik dito?"

"I missed you agad, eh," saka siya nito kinindatan.

Kumapit siya sa braso ng binata at isinandig ang ulo sa balikat nito. Normal na sa kanila ang ganoong lambingan, lalo pa ngayong may nobya na ang binata at "pure friendship" na lamang ang sadya nito sa kanya.

"Talaga? Same here. Kumusta naman kayo ni Maricel?"

"Okay lang, going strong."

"Naks! Dalhan mo siya ng buko pandan."

Naagaw ang pansin niya nang may pumasok sa pinto. Si Ethan, may akay na magandang babae.

Ang walanghiya! 'Kapal ng mukha at dito pa dinala ang date niya!

Pilit niyang ibinalik ang atensyon sa kausap na binata para mabawasan ang galit sa dibdib.

Nang umalis na si Berg, pumasok na siya sa loob ng kitchen at ibinunton ang inis sa pag-massacre ng mga repolyo. Maya-maya ay sumilip siya at nakitang wala na ang dalawang halimaw sa mesa ng mga ito. Lumabas na siya sa pinagtataguan niya.

Tumuloy siya sa comfort room para ayusin ang sarili. Nang itulak niya ang pinto ng ladies' room ay napasinghap siya sa nakita. Mabilis siyang umatras at tumakbo palabas ng makipot na hallway.

Sunod-sunod ang paghugot niya ng hangin para ikalma ang sarili, pero ayaw pa rin humupa ng matinding emosyon. Dinukot niya ang cellphone at tinawagan ang numero ni Berg. Hindi pa ito nakakalayo kaya sa loob ng ilang minuto ay naroroon na ulit ito.

"What happened?" nag-aalalang tanong nito.

"Can you take me home?"

Pagsakay nila sa kotse nito ay inilabas niya ang sakit na nararamdaman.

"Hey, baby, what's going on?" Niyakap siya nito at isinandig sa malapad na dibdib nito. "It's Ethan, right? May kasama siyang babae kaya ka nagkakaganyan. I knew it. Alam kong si Ethan ang laman ng puso mo kaya hindi mo ako nagawang mahalin noon."

"I have loved him all my life. Ano ba ang nagawa ko para pasakitan niya ng ganito?" Sige ang tulo ng luha sa mga pisngi niya.

"He's an idiot! He doesn't deserve you, Jess."

"He said once na hindi mo mapipili ang taong mamahalin mo. Pero para akong tanga na umaasa pa ring mapapansin din niya ako at matututunang mahalin."

"Ang lahat ay may hangganan. It's about time that you set yourself free."

********************************

"DUDE! Kumusta 'yong date na ibinigay ko sa'yo? Laking 'Tate 'yon. Champion 'di ba? Sulit ang pag-aayuno mo sa sex."

Hindi kumibo si Ethan. Higit isang buwan na siyang dinedemonyo ng buong tropa dahil sa pagtanggi niyang sumama sa paglabas ng mga ito. Mabuti na lang at lumagay na sa tahimik si Seth at wala ito sa Pilipinas ngayon, kundi ay isa pa ito sa mambubuyo sa kanya.

Mula nang gabing makita niyang naglalambingan sina Jessica at Berg sa terrace ay hindi na siya mapalagay. Nawalan na rin siya ng gana sa ibang mga babae. Dahil kahit sino pa ang katalik niya ay mukha ni Jessica ang nakikita niya.

"Ano ba naman kasing drama 'yan, 'tol? Ano ba ang kapalit ng pagda-diet mo sa babae?" kulit ng isa pang miyembro ng St. Matthew.

"Teka muna. Don't tell me na tinamaan ka na rin? Anak ng... iiwanan mo na rin ako sa ere? Ano'ng nangyayari sa inyo? Una, si Cyd, ayon at hanggang ngayon ay nagmamarkulyo dahil iniwan ni Ember. Sinundan ni Seth, na siniguradong wala nang kawala si Daphne. Tapos ngayon ay ikaw naman? Bloody hell!" Nagtatawang kantyaw ni Marcus.

"Hindi mo ba type si Nathalie? 'Tol, kahit basang kahoy ay kayang pagliyabin n'on, hindi ka man lang tinablan? Something is really, really wrong with you, man! Nahawa ka na nga yata kay Cyd."

"Wala lang talaga ako sa mood. Alis muna ako, mga 'tol." Hindi na niya matatagalan pa ito.

Nang makita niya ang kotse ni Berg kahapon sa harap ng food house ay naisip niyang dalhin si Nathalia doon, pero siya din ang natalo. He wanted to explain to Jessica yesterday, pero paglabas niya ay wala na ito. Tapos ay nakita na lamang niya itong nakayakap kay Berg sa loob ng sasakyan ng binata. Tuluyan nang nasira ang buong araw niya dahil doon.

Pinaandar niya ang pick-up at itinigil sa mismong harap ng bahay ng dalaga. Pagpasok niya sa bakuran ay nasalubong niya ang Mommy nito na nagpapahangin sa hardin.

"Tita, nandiyan po ba si Jessica?"

"Nasa kuwarto niya, hijo. Masama daw ang pakiramdam kaya nagkukulong sa kuwarto mula pa kahapon. Ayaw namang magpatingin sa doktor."

"Gano'n po ba? Si Daphne po?"

"Nasa itaas na rin. Teka at tatawagin ko sila."

"Huwag na po. Tutuloy na rin ako." Biglang nabahag ang buntot niya ngayong nandiyan na lang sa malapit ang dalaga.

Ano ang sasabihin niya dito? Anong paliwanag ang gagawin niya na maiintindihan nito? Buong magdamag siyang nag-isip kung ano ang gagawin kay Jessica.

My Sweet MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon