"Elise ano ba san mo ba ko dadalin?!"
"Gely di ba gusto mong makita yung crush ko? Kaya sumama ka na lang sakin"
"Pwede namang maglakad di ba? Bat kailangan mo pa kong hilahin"
"Basta wag ka ng umangal. Ang kulit mo eh"
"Ako pa ang makulit ah?"
Naguguluhan ba kayo? Sensiya na, eto kasing kaibigan ko. Ipapakita daw niya kasi sakin ang crush niya. Akala mo naman kung ano kung makahila eh wagas.
"Gely. Ayun, nakikita mo ba yung lalaking may salamin na medyo matangkad, black yung hair,at cool maglakad?"
Huminto kami malapit sa Gym. Grabe hiningal ako!
Napatingin naman ako sa tinuturo ni Elise.
"Alin don yung may kasamang lalaki?"
"Yup. Ang gwapo di ba?"
Uhm yeah gwapo siya at mukhang matalino.
"Sino ba yon?"
"His name is Kim A. Reyes, 4th year section 4,Building B room 24"
"Hindi ka naman siguro stalker sa lagay na yan no?" I said in a sarcastic tone.
"Hahahh... Ay hala nasan na siya? Kaw kasi eh...Ayun! Tara bilis!"
Hay nako. Hindi siya mahilig manghila eh no? At sinundan namin ang crush niya. Dinamay pa talaga ko.
Ahm wait I introduce my self muna. My name is Gely (Jelly if you read it) Valdez, 4th year high school, section 3, 16 years of age and NBSB. Di ko alam kung bakit siguro dahil hindi ako maganda pero di rin naman ako pangit. Ewan ko ba, siguro hindi pa talaga right time para magka bf ako, at bata pa naman ako. Simpleng tao lang na may simpleng buhay, at crush lang ang meron ako.
Actually medyo malapit lang ako sa room ng crush ni Elise. Building B ako at room 29.
*After a week*
"Jane kilala mo ba si Kim A. Reyes ng room 24 bldg B?"
"Huh? Uhm yes. Why?"
"Grabe kasi ang gwapo niya at mukhang matalino at ang cool niyang tingnan"
"Crush mo?"
"Ah .. eh.. Uhm parang ganon na nga"
"Ikaw ah" sinundot sundot pa niya ko sa tagiliran.
"Aist Jane! may kiliti ako dyan"
"Hehheh sowry ~ "
Si Jane nga pala classmate ko at kaibigan ko simula second year, si Elise naman ay friend ko simula nung grade six pa kami.
"Gely pwede mo ba ko samahan bumili?"
"Yeah sure"
"Nakakatamad naman... wala bang makikitang inspirasyon?"
"Si Kim ba?... Uy namumula ka hahah"
"Eh kasi nung isang araw ko pa siya hindi nakikita eh"
Papaliko na kami papuntang canteen nang biglang
"Owh.....speaking of" Nabulong ko na lang bigla sa sarili ko. Si Kim naka black shirt na lalong nagpa gwapo sa kanya. Medyo nakataas ang buhok niya, naka salamin na lagi niyang suot, naka gray na pants,at naka rubber na black na may halong white.
Papunta siya sa direksyon namin at sa tingin ko magkaka salubong kami. Ayan na malapit na siya...
"Owh sh!t !... Jane muntik na yon, shocks nakakahiya"
YOU ARE READING
Who Is The Real Him (Completed)
Teen FictionA girl named Gely (Jelly) . She is a simple girl and an NBSB or No Boyfriend Since Birth. Hindi pa niya nararanasan ang makapasok sa isang relasyon. She'd never been in love at crush lang ang meron siya. Until one day she met a guy which is may eyeg...