Charles Pov
Iniwan ko muna yung kapatid ko. Ayokong makita niya kung gano ko nasasaktan ngayon.
Pumasok ako sa loob ng bahay nila Bryan. Nakita ko sa sala si Anthony at Zia. Tinanong ako ni Anthony kung may problema, umiling lang ako saka pumunta sa CR nila nang biglang lumabas don si Karla.
Nagulat siya nung makita niya ako.
"C-Charles?" Hinila ko kagad siya papunta sa second floor.
"Charles! Ano ba. Let me go!"
"Ano ba! I said let me go! Nasasaktan ako!""Mas nasasaktan ako!" Napahinto siya sa sinabi ko.
"Nasasaktan akong makita kayong dalawa ng bestfriend ko na magkasama. Alam mo ba yon"
"Charles kalimutan na natin yon. Wala na tayo ngayon"
"F*ck! Kalimutan? Bullshit that word! Gustong gusto ko na kalimutan ka para sa bestfriend ko pero hindi ko magawa kahit anong pilit ko!"
Binitiwan ko siya nung makapasok kami sa isang kwarto. Dinala ko siya dito para walang makarinig samin.
"Mahal parin kasi kita Karla. Kaya hindi ko magawang kalimutan ka nang ganon-ganon lang"
"Itigil mo na yan Charles. Hindi na kita mahal. Si Bryan na ngayon ang mahal ko"
Its f*cking hurt na marinig ang mga yon mula sa kanya.
"Kaya mo ba ko iniwan nang basta-basta na lang?! Pagkatapos nang 2 years! Isang araw sasabihin mo na lang sakin na break na tayo?! Tapos malalaman ko na lang ang dahilan pala yung kaibigan ko. Bakit Karla... Bakit yung kaibigan ko pa?!"
I can't manage not to cry. Patuloy lang ang pag agos nito. I know para kong bakla but I don't care. Mahal na mahal ko si Karla.
Sa mga napapanuod ko ang sabi ko parang mga tanga yung mga taong umiiyak sa harap ng taong mahal nila at yung iba halos magmakaawa, nagtatangkang magpakamatay para lang balikan sila.
But now I understand them because I know how it feels. Mahirap at sobrang sakit.
"Please Karla. Mahalaga sakin yung kaibigan ko, pero hindi ko kayang mawala ka sakin. Please give me one more chance"
Para na kong tanga ngayon at nakakaawa pero para sa kanya kaya kong magpakababa.
"Kung mahalaga sayo ang kaibigan mo at mahal mo ko, hahayaan mo kami Charles"
Bakit ganon lagi na lang nilang sinasabi na pag mahal mo papalayain mo. Mahal mo nga siya di ba bakit mo papakawalan. Hindi ba pwedeng maging selfish minsan.
Hindi ko alam kung anong sumapi sakin, bigla ko na lang siyang hinawakan sa balikat niya at itinulak sa pader.
Lumapit ako sa kanya at yumuko para titigan siya. And then I kiss her. I miss this. The feeling when my lips touch hers. Naramdaman kong nagulat siya. Pinipilit niya kong itulak pero hinawakan ko yung dalawang kamay niya at nilagay sa pagitan ng ulo niya. Nagpupumiglas parin siya nang biglang may humila sakin, kasabay non ang pagsuntok niya sakin.
Its Bryan. Naramdaman ko ang sakit ng panga ko sa pagkakasuntok niya.
Bryan's Pov
Umakyat ako sa taas. Inisa isa ko ang bawat kwarto pero walang tao. I can feel my heartbeat beating fast, may kutob ako na magkasama silang dalawa.
Kahit malakas ang tunog ng mga paputok sa labas nadinig ko na may nagsisigawan sa guest room. Tumakbo ako papunta don pero napahinto din ako nang marinig ko ang boses ni Karla.
"Kung mahalaga sayo ang kaibigan mo at mahal mo ko, hahayaan mo kami Charles"
Charles? Tama ang kutob ko. Magkasama silang dalawa. Pero bakit?
Binuksan ko yung pinto. Parang gusto kong sumabog sa nakita ko. Niloloko ba ko ng kaibigan at ng girlfriend ko?! T*ngna.
Hinila ko si Charles saka ko sinuntok. Nanggigigil ako.
"Anong ibig sabihin nito?! Charles! Why are you kissing my girlfriend?!"
Tatayo sana siya pero sinuntok ko uli siya.
"Tama na Bryan! Stop! Please!"
"Bakit Karla! Ano bang meron sa inyo?!"
"W-wala"
"Bakit ka umiiyak?! Nasasaktan ka bang makitang sinasaktan ko si Charles? At kung walang meron sa inyo, bakit kayo magkasama? And worse naghahalikan pa!"
"Sorry Bryan, pero walang kasalanan si Karla. It was my fault. I kissed her"
"Eh gago ka pala eh!"
Susuntukin ko sana uli siya ng biglang dumating si Gely.
"Kuya Bryan! Wag mong saktan yung kuya ko!"
Gely's Pov
Hindi namin makita si Kuya sa baba kaya umakyat kami sa taas para sundan si Kuya Bryan.
Pag akyat namin don, may narinig kaming nagsisigawan. Tumakbo kagad kami ni Kim papunta don.
Naabutan namin si Kuya na naka upo sa sahig habang nakayuko at hawak yung mukha niya. Nandon din si Karla na nasa gilid at umiiyak.
Susuntukin sana ni Kuya Bryan si Kuya pero pinigilan ko siya. Pumunta ko kay Kuya, naaawa ko sa itsura niya ngayon.
"Anong klase kang kaibigan Charles! Bakit mo ginawa yon sa girlfriend ko"
Naguguluhan ako sa nangyayari kaya tinanong ko si Kuya
"Kuya ano bang nangyari?"
Tumingin siya sakin at don ko napansin na umiiyak siya.
"Mahal na mahal ko parin si Karla pero hindi ko alam kung bakit ko nagawa yon"
"Ang alin?"
"I kissed her"
"Pero kuya girlfriend siya ng kaibigan mo"
"What do you mean Charles na mahal na mahal mo PARIN? Matagal na ba kayong magkakilala ha?"
Buti na lang hindi na sumisigaw si Kuya Bryan. Nakakatakot siyang magalit.
"Siya yung sinasabi ko sayo na 2 years ko nang girlfriend. Pero isang araw iniwan niya ko... para sayo. Ex ko siya"
"Aaarrrggghh" Napasabunot si Kuya Bryan sa buhok niya. Lumabas siya nang hindi lumilingon. Naiwan si Karla, Kim at kami ni Kuya.
Tutulungan sana ako ni Kim itayo si Kuya pero pinigilan ko siya.
"Stop and stay away"
Tinayo ko si Kuya. Mukhang ang lakas ng pagkakasuntok sa kanya ni Kuya Bryan.
Bago kami makalabas, tiningnan ko muna si Karla at Kim. Naiinis ako ngayon dahil si Karla pala ang dahilan kung bakit nasasaktan ngayon si Kuya. Pati ang pagkakaibigan nila Kuya Bryan nasira dahil kay Karla. Hindi dapat ako galit kay Kim pero hindi ko maiwasan dahil kapatid nya ang dahilan kung bakit nasasaktan ang kapatid ko.
Paglabas namin sa garden. Nagsisimula na silang mag countdown.
Nauna na si Kuya sa kotse, nagpaalam muna ko kila Mama at Papa saka kila Anthony at Saira.
Paglabas ko sa gate nila, nagulat ako nung pinatakbo ni Kuya yung kotse ng sobrang tulin. Kinakabahan ako dahil baka kung anong mangyari sa kanya.
"5!.. 4!.. 3!.. 2!.. 1! Happy New Year!!"
Kasabay ng pagsigaw nila, ang pagputok ng iba't ibang klaseng paputok at ang paggawa nila ng iba't ibang inggay kagaya ng pag busina ng mga sasakyan. Bagong taon na pero hindi ko magawang maging masaya. Nakakalungkot dahil hindi maganda ang unang araw ng bagong taon namin lalo na para kay Kuya.
YOU ARE READING
Who Is The Real Him (Completed)
Teen FictionA girl named Gely (Jelly) . She is a simple girl and an NBSB or No Boyfriend Since Birth. Hindi pa niya nararanasan ang makapasok sa isang relasyon. She'd never been in love at crush lang ang meron siya. Until one day she met a guy which is may eyeg...