WITRH13

19 12 0
                                    

Lumabas na ako agad ng kwarto pagkatapos kong mag ayos. Sneakers, jeans at tshirt lang ang sinuot ko dahil mas komportable ko dito.

"Ma. May pupuntahan lang po ako"

"Ha? Bakit ang aga naman?"

"Ma kailangan kasi eh. Si Kim kasi may sakit"

"Ano bang nangyari?"

"I dont know Ma. Kailangan ko na pong umalis"

"Sige. Mag iingat ka"

"Opo"

Sumakay na akong taxi at nagpahatid kila Kim.

Pagkadating don, pinapasok din ako agad dahil andon si tita sa may gate nila.

"Hija umakyat ka na lang sa kwarto niya, ituturo sayo yon ng maid. Baka kasi sayo lang siya sumunod. Sige na ha. Alis na ko. Thank you"

"Sige po"

Pumasok na ako at sinamahan ako ng katulong nila papunta sa kwarto ni Kim. Nakakalito naman dito. Ang daming kwarto at magkakaharap ang mga pinto. Sa dulo ng hallway may terrace don kung saan makikita ang malawak at maganda nilang garden. Malapit din don ang kwarto ni Kim.

Kinuha ko sa maid nila yung tray na may lamang breakfast at gamot ni Kim.

Pumasok na ako. Walang nakabukas na ilaw pero hindi naman sobrang dilim dahil tumatagos ang sinag ng araw sa glass door ng veranda. Ang laki ng kwarto niya at ang ganda ng kulay ng pader, ang astig white and black. My favorite color. Sa isang stand nakita ko ang collection niya ng mga sun glasses at eye glasses. Malapit sa couch at flat screen TV may nakasabit na raketa ng badminton at guitar. Sa taas naman ng head board ng kama niya may poster ng... Exo? What the.

"Di ba sabi ko ayokong may papasok dito"

Nagulat ako ng magsalita si Kim. Nakatalikod siya sa side ko. Ibinaba ko muna yung tray sa side table niya.

"Kumain ka muna"

"Bakit ba ang kulit niyo. I said I don't want to ---"

Bigla siyang tumigil, umupo at humarap sakin.

"Gely?"

Mukhang nagulat siya.

"Yeah. Sabi ng Mom mo ayaw mo daw kumain at uminom ng gamot"

Humiga ulit siya saka humarap uli sa kabilang side.

"Ano bang nangyari? Bakit umalis ka ng hindi man lang nagpapaalam kagabi?"

Hindi niya ko sinagot. Lumapit ako saka hinawakan ang noo niya. Bigla kong naalis ang kamay ko dahil sa sobrang init.

"Shocks! Ang init mo! Nagpa ulan ka ba kagabi?!"

"Don't shout at me. Lalong sumasakit ang ulo ko. And oh you're right Im hot as always"

Tumingin siya sakin saka ngumisi. Nako. Kung wala lang tong sakit nabatukan ko na.

Pero he's right, lagi siyang hot lalo na pag naka apron haha naalala ko nung nagluluto siya sa bahay namin.

"Tss kumain ka na nga"

"I dont ---"

"No. Whether you want it or you want it kakain ka"

"Tss I said ---"

"No. No. No. Stand up. Dali na"

Hinihila ko siya patayo pero ang bigat niya.

"Kim ano ba! Sabi ko kumain ka na"

Haist pinapagod niya talaga ako.

"Bahala ka nga dyan! Kung ayaw mo eh di wag"

Lumakad na ako papunta sa pinto. Pipihitin ko na sana yung doorknob pero hindi nya ako pinipigilan. Arrgghh ang kulit niya.

Who Is The Real Him (Completed)Where stories live. Discover now