WITRH16

16 11 0
                                    

Pagkainom ko ng gatas biglang may nagtext sakin.

Si Bryan. "Bro punta kayo ng family mo dito tomorrow eve"

Hindi ko alam kung pupunta ko dahil panigurado nandon si Karla. Hindi ko na lang siya nireplyan.

Humiga na ko. Mabuti na lang dinalaw ako agad ng antok.

Saira's Pov

"Sai wala pa ba sila?" - Jane

"Wala pa nga eh"

Ang tagal naman nila Gely. Alam ko pupunta sila dahil ininvite sila ni Kuya pero bakit hanggang ngayon wala pa.

7 na ng gabi. Malapit na mag new year.

"Oh nandyan na pala sila"

"Good evening tito, tita" - Jane

"Good evening sa inyo. Jane is your parents also here?"

"Yes tita, andon po sila sa loob" -Jane

"Pasok po kayo"

"Okay. Thanks for inviting us"

Pumasok na sila sa loob. Naiwan lang si Gely at...

"Guys si Anthony nga pala pinsan ko. Yung kinukwento ko sa inyo"

"Hi. Im Saira"

"Annyeong, naneun Anthony imnida"  Sa Korea nga pala siya galing.

"Jane is my name"

"Manaso banggapsumnida" (Nice to meet you)

"Let's go inside" -Saira

Jane's Pov

Ang gwapo ng pinsan ni Gely. Napapangiti ako kahit hindi ko naintindihan yung sinabi niya but wait mas gwapo parin si Christian para sakin haha.

Nililigawan na niya ko ngayon. He confessed his feelings for me three days after the Prom. Pero kahit may feelings ako para sa kanya hindi ko sinabi. Gusto ko maranasan kung ano ang feeling na maligawan kaya nung tinanong niya ko kung pede nya kong ligawan um-oo ako. Hindi naman halata na may gusto ko sa kanya noh haha pero tuwing gumagawa siya ng mga step sa panliligaw hindi ko mapigilang hindi kiligin.

Madalas siyang pumunta sa bahay at nagpaalam din siya sa mga magulang ko. May dala siya nong bouquet of roses. Si Mommy parang siya yung nililigawan dahil mas kinikilig pa kaysa sakin. Si Daddy naman ang daming tanong kay Christian and at the end ang saya-saya ko dahil masaya sila dahil may nanliligaw na sakin.

"Oy Jane" -Saira

"Bakit?" Kinikilig na tanong ko dahil sa naalala ko

"Para kang timang, ano bang iniisip mo? Kinikilig ka dyan na ewan. Tinatawag ka kaya ni Christian"

What the. Oo nga pala no nandito ngayon si Christian. Lumapit ako sa pwesto niya.

"Tinatawag mo daw ako. Bakit?"

Argh ang hirap magpigil ng kilig.

"Wala naman. Mukha kasing nakalimutan mo na ako eh"

Hala nagtatampo siya? Ang cute.

"Sorry. May pinakilala lang si Gely samin"

May sasabihin pa sana siya ng dumating sila Saira at Sachary.

"Guys tara don sa garden" -Saira

"Mukhang nagsosolo kayo ah" Namula naman ako sa sinabi ni Sachary.

Sinundan namin sila Sai at Sachary, nagulat ako nung biglang hawakan ni Christian yung kamay ko. Tumingin ako sa kanya at ganon din siya sakin saka biglang nag iwas ng tingin at nagkamot ng batok. Shet ang cute niya talaga.

Who Is The Real Him (Completed)Where stories live. Discover now