Nung nakapag speech na ang Valedictorian. Kumanta na kaming lahat ng "Thanks to you" habang ang lahat ng teachers nasa stage at ang mga magulang at kamag anak nasa bleachers.
Then bago matapos ang event. Kinanta namin ang "Were All in this Together" Ang gulo-gulo na nga dito at ang inggay. Pero ang saya.
Nung tapos na ang event. Nag group pic kami ng family ko at mga kaibigan ko.
Charles Pov
Ang talino talaga ng kapatid ko. Mana sakin.
"Charles"
Napatingin ako sa tumawag sakin. Si Bryan.
"Pwede ba tayo mag usap?"
Tumango lang ako saka nauna maglakad palabas ng gym.
"Charles. Pasensiya na. Sorry sa nangyari"
"Mahal mo ba talaga si Karla?"
"Oo"
"Kung ganon. Tatanggapin ko lang yung sorry mo kapag ginawa mo ang gusto ko"
"Ano bang gusto mong gawin ko?"
"Gusto ko, alagaan mo nang mabuti si Karla at ang baby niyo. Huwag mo silang iwan o pabayaan"
"Yon ba. Syempre naman gagawin ko yon kahit hindi mo sabihin"
"Siguraduhin mo lang dahil kung hindi babawiin ko si Karla sayo"
"Thank you Charles. Akala ko hindi mo tatanggapin ang sorry ko"
"Teka nga lang. Nasan na yung 'bro' bakit Charles na lang"
"Baka kasi hindi na kaibigan ang turing mo sakin"
"Ano ka ba kalimutan mo na yung nangyari. You can call me what we used to call to each other Bro"
"Sige. Salamat Bro"
Mabuti na yung ganto kaysa magalit ako. Wala naman patutunguhan. Ako lang din ang masasaktan.
"Bryan... Uhm C-Charles"
Biglang lumabas si Karla. Napatingin siya samin ni Bryan.
"Balik na daw kayo sa loob, may sasabihin si Mommy"
Sumunod na lang kami sa kanya.
"Guys. May gift ako kila Gely, Jane, Saira and sa mga kaibigan ng aking son na si Kim. And kung gusto nyong sumama. Edi mas masaya. Tomorrow morning. Kita-kita sa Airport para sa 1 week vacation natin sa... Korea! Specifically South Korea!"
Masayang sabi ng Mom ni Karla. Nagtatalon naman sila Saira lalo na yung kapatid ko tuwang tuwa. Dream niya kasi makapunta don.
"Anthony i-tour mo kami ah? Waahh tita Kath thank you! Tita gusto ko una nating puntahan yung Namsan Tower ah, tapos yung Han River at yung SM Entertainment tapos kumain tayo sa..."
Ang daldal ng kapatid ko. Natawa na lang kami dahil mukhang sobra siyang excited.
Gely's Pov
Pagkauwi sa bahay hindi ako makatulog dahil excited na ako para bukas.
Sasama daw si Kuya dahil hindi muna siya pupuntang Taiwan. Ang saya panigurado bukas dahil kasama ang family ko, si Anthony, ang family ni Kim, Saira, Jane at si Sac at Christian.
Kanina pa ako tapos mag impake ng gamit. Sabi nga ni Kuya para daw akong one month don magbabakasyon dahil sa dami ng dala ko.
Kinabukasan
3am pa lang ng umaga gising na ko. Pinuntahan ko sila Mama sa kwarto nila para gisingin sila pero nagtalukbong lang sila ng kumot. Pati si Kuya hindi ako pinansin. Si Anthony tinalikuran din ako.
YOU ARE READING
Who Is The Real Him (Completed)
Teen FictionA girl named Gely (Jelly) . She is a simple girl and an NBSB or No Boyfriend Since Birth. Hindi pa niya nararanasan ang makapasok sa isang relasyon. She'd never been in love at crush lang ang meron siya. Until one day she met a guy which is may eyeg...