Pagkatapos ng dalawang oras tapos na lahat simula sa make up, sa ayos ng buhok,sa manicure at pedicure. Sakto naman dumating na si Kim and...He was so handsome sa suot niya. Nagtataka lang ako, dinner lang pupuntahan namin pero yung mga ayos namin napaka formal.
I saw him staring at me head to toe and blink twice bago lumapit sakin. Hindi ko alam kung matatawa ko sa reaksiyon niya eh.
"Thanks tita...Let's go?" Inilapit niya sakin ang braso niya kaya kumapit naman ako don.
Nag thank you ako sa tita niya saka lumakad na kami papunta sa parking lot.
"You're beautiful huh? But I'm more than beautiful haha" Hay nako. Okay na sana yung kanina eh kaso bumalik na naman siya sa pagiging gay.
Pinagbuksan kami ng pinto sa backseat ng driver nila. Buti na lang may sumundo samin, ang awkward naman kung naka motor kami tapos ang suot namin masyadong formal.
After 30 minutes. Nagulat ako kung san kami huminto. Ang masasabi ko lang ay 'Wow'
Grabe isa tong mansyon. Nanlaki yung mata ko sa pagpasok ng kotse. Ang ganda grabe. Pagpasok pa lang makikita na ang malaking fountain sa gitna na napapaligiran ng ibat ibang kulay na bulaklak na may christmass lights.
Pagbaba ko ng kotse,napansin ko na ang dami nilang guard na nakapalibot. Madami ding sasakyan na naka parada, parang collection nila ito. Pagka angat ko ng tingin,namangha ako sa taas ng gusali ng mansyon nila.
"Lets go inside, hinihintay na nila tayo" Tumango lang ako kay Kim.
Umakyat kami sa sampung baitang na hagdan bago makarating sa main door nila. Sa bawat baitang ng hagdan may mga bulaklak sa gilid at sa edge ng aapakan may ibat ibang kulay na christmass lights. Ang gandang tingnan nito dahil gabi na. Talagang damang dama dito ang paparating na pasko.
Pagbukas ng malaking two door, ang papaikot na kulay gintong hagdan ang agad na makikita at sa baba nito ang malaking christmass tree na puno ng regalo sa baba. Grabe nakaka mangha, kung ide- describe ko ang buong mansyon aabutin ako ng ilang araw.
Pumunta kami sa dining area, ang dami nilang katulong. Ang haba ng lamesa at maraming nakahandang pagkain.
"Good evening, were here" Bumalik na naman si Kim sa pagiging isang lalaki at hindi bilang tunay na siya...na isang gay.
"There they are, come here and join us" Sabi ng lalaking medyo may edad na. I think mga nasa 45 na ang age niya.
"Good evening po" Pinaghila ko ng upuan ni Kim, saka umupo siya sa katabi kong upuan.
"Siya ba ang girlfriend mo son?" Tanong ng babae na kasing edad siguro ng lalaki na nagsalita kanina.
"I forgot to introduce. She's Gely Valdez. My girlfriend" Pagkasabi ni Kim non biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Mas kinabahan ako bigla. Mukhang mga seryoso ang pamilya niya.
"Really Kuya? I thought you're gay" Sabi ng isang magandang babae na 13 yrs old siguro.
"She's beautiful huh?" Namula ko sa sinabi ng kaharap ko na lalaki. Para siyang carbon copy ni Kim. I think 14 or 15 yrs old siya.
Sa lahat ng sinabi ng pamilya ni Kim. Hindi man lang sinagot yon ni Kim.
"Its good to hear that son. Mabuti na lang at nagbago ka na. Ipagpatuloy mo lang yan" Sabi ng ama ni Kim
"Im proud of you anak. At magaling kang pumili ng babae ah. So hija, you are from Valdez family pala. Can I ask what is the name of your parents?" Tanong ng mother ni Kim
Nakaka inggit ang ganda niya parin kahit may edad na.
"My mother is Ely Medina and my father is Greg Valdez, Mam"
YOU ARE READING
Who Is The Real Him (Completed)
Teen FictionA girl named Gely (Jelly) . She is a simple girl and an NBSB or No Boyfriend Since Birth. Hindi pa niya nararanasan ang makapasok sa isang relasyon. She'd never been in love at crush lang ang meron siya. Until one day she met a guy which is may eyeg...