"Uhm Hi" -Kim
"H-hi"
"Here" -Kim
Inabot niya sakin yung...
Shocks! Yung wallet ko!! Oh my! Sana hindi niya binuksan dahil ---
"Sorry kung binuksan ko. Nakita kasi ng isang staff sa horror booth kaya tiningnan ko kung kanino then I saw your picture" -Kim
Ihh hahah kinikilig ako. Feeling ko boyfriend ko siya na may nagawang kasalanan kaya nagpapaliwanag siya sakin at nagso sorry.
Pero teka...
"Wala ka na bang ibang nakita bukod sa picture ko?" Kinakabahan na tanong ko.
"Uhm I noticed na puro may letter K ang laman ng wallet mo. Sorry ah pero hindi ko sinasadya na makita yung mga yon. Siya ba ang special someone mo?" -Kim
Argh Kim bat ang daldal mo ngayon? huhuhh
Ang wallet ko kasi ang design niya may mga naka sulat na K na ibat ibang color. Ang keychain non letter K na gawa sa kahoy. Sa loob non may mga cute size pictures na puro letter K kaso iba iba ng font at color. Saka sa baba non may mga love quotes na naka sulat. May lettering din ako sa isang paper don na letter K na napapalibutan ng heart tas name ko. Buti na lang K lang talaga at hindi Kim o full name niya kundi patay malalaman niya na may gusto ko sa kanya.
"Uhm a-ano hindi! I mean ano... Ang name kasi ng kapatid ko nagsisimula sa letter K" Aist bat ba yon pa naisip kong palusot ,parang di kapani paniwala.
"Ah okay"
"Ahm Kim salamat nga pala sa pagtulong mo sakin. Hindi ko alam kung pano ko masusuklian lahat ng mga ginagawa mong pagtulong pero promise pag kailangan mo ng tulong sabihin mo lang sakin"
"Actually kailangan ko talaga ng tulong mo...Gely pede ka bang magpanggap na girlfriend ko?" -Kim
:)
^_^
o_o
O_O
What the...!!
"What?!!" Sabay sabay naming sabi nila Saira at Jane.
"Uhm kung okay lang naman sayo" -Kim
"H-ha? ahm ano pag iisipan ko muna"
Gely! Wake up! Pagkakataon mo na yan para mapalapit sa kanya saka hellow aarte ka pa eh diba gusto mo naman siya -Gusto ng Puso ko at ito ang nararamdaman ko, na somehow gusto ko rin.
Huwag kang pumayag Gely masasaktan ka lang. Magpapanggap ka na girlfriend niya pagkatapos ano, ikaw na fall na nang husto tapos siya walang feelings para sayo -Isip
Argh ano ba susundin ko, ang sinasabi ng isip ko o ang nararamdaman ng puso ko?
"Gely! Waahh pumayag ka na! Magpapanggap ka lang naman eh. Saka di ba sabi mo kung kailangan niya ng tulong tutulungan mo dahil tinulungan ka niya?" -Jane
Napatingin ako kay Saira. Lumapit siya sakin saka nagsalita ng mahina, sapat lang para marinig ko at hindi madinig ni Kim na medyo malayo.
"Nasa sayo yan kung ano ang desisyon mo. Dont mind me,crush ko lang siya hindi kagaya ng pagtingin mo sa kanya na I think more than crush na" -Saira
Napa ngiti ako sa kanya. Akala ko kasi sasabihin niya na huwag akong pumayag. Pero atleast alam ko na hindi siya masasaktan pag pumayag ako. Hay bahala na nga. Isipin nyo na kung ano ang gusto niyong isipin. Sabihin niyo na... na para akong tanga dahil napaka bilis kong pumayag o ano pa man yan. Pero ito ang gusto ko eh kahit ano pa man ang posibleng maramdaman ko sa huli.
YOU ARE READING
Who Is The Real Him (Completed)
Teen FictionA girl named Gely (Jelly) . She is a simple girl and an NBSB or No Boyfriend Since Birth. Hindi pa niya nararanasan ang makapasok sa isang relasyon. She'd never been in love at crush lang ang meron siya. Until one day she met a guy which is may eyeg...