WITRH22

19 12 0
                                    

Gely's Pov

3 days na kami dito sa Korea. Kahapon nagpahinga muna kami at ngayon tinu-tour kami ni Anthony. Palakad lakad lang kami dito. Ang saya-saya grabe. May sinakyan din kami para makapunta sa Mokpo Jeollanam do, sabi ko kasi gusto ko makita ang lugar kung san pinanganak si Donghae. Pumayag naman sila, haha ang lakas ko talaga kay tita Kath.

Then pumunta din kami sa coffee shop ng kuya ni Donghae, kaya lang wala si Hae dito, siguro busy dahil may concert sila bukas. Pero nakapag pa-picture ako kay Lee Dong Hwa !!Donghae's brother.

Halos lahat ng pinupuntahan namin, pinipicturan ko. Ang dami na niya grabe.

Kinabukasan sabi ni tita kung gusto daw naming umalis okay lang pero magpapahinga daw muna siya. Ganon din yung sabi ng iba pero sila Sai at Sac may pupuntahan ata saka si Jane and Christian. Si Kim naman sabi may pupuntahan daw kami kaya nagbihis na ko agad.

"Alam mo ba yung daan pabalik dito? Baka maligaw tayo eh"

"Just trust me"

Napatango na lang ako. Sumakay kami ng bus at nung bumaba kami... Sobra kong naexcite.

"Let's go"

Pumila kami sa mga nandon. Grabe ang haba ng pila at ang daming tao. May mga dala silang tarpuline na may nakasulat na '슈퍼주니어' which is Super Junior in Korea at yung iba name ng bias nila. Yung iba naman light stick ng SJ.

"Here"

Nagulat ako nung may dala na si Kim na tshirt, a couple shirt with a printed name of Super Junior on it. Sinuot ko agad yon, ganon din siya. And then inabutan niya ko ng light stick. Omo gustong gusto ko bumili nito kaya lang kulang pa ang ipon ko, kakabili ko lang kasi ng new album nila. But now because of Kim, napasakamay ko na haha. San niya naman nabili to.

"Dun oh"

Mind reader ba siya? Tumingin ako sa tinuro niya and then nakita ko yung isang shop na puro kpop merch. Like mga unan, mug, pamaypay na may pic ng kpop kagaya ng SJ, Exo, Infinite etc.

"OMG Kim punta tayo dyan mamaya ah?"

"Okay"

"Kelan mo naman binili yung ticket natin?"

"Secret"

"Eh?"

"Gift ko yan sayo for being the Salutatorian"

"Kamsamnida Chingu"

"Bakit Chingu?"

"Friend. Bakit? Kaibigan naman kita di ba?"

Anong problema nito. Change kagad ng mood?

Nung nandon na kami sa entrance, binigay na ni Kim yung ticket. Nagulat na naman ako dahil VIP ticket ang binili niya.

Naiiyak ako. Napayakap ako sa kanya.

"Thank you"

Makikita ko na nang malapitan ang mga idol ko. Kahit 7 lang sila ngayon. Pero sana someday kahit isang beses lang... sana nasa iisang stage silang 15 members.

"Your welcome"

Pumasok na kami. Nakatayo lang kami sa baba ng stage, pero shet ang lapit talaga namin sa stage.

Maya-maya lang biglang namatay ang ilaw at may pinakita sa screen sa stage, video ng SJ habang may nagsasalita na binabanggit ang name ng members.

And then biglang nag stop yung video at tumutok ang ilaw sa SJ na nasa stage na!! Sobrang ingay dito ngayon grabe. Kinikilabutan ako shete dream come true.

Who Is The Real Him (Completed)Where stories live. Discover now