WITRH6

34 15 0
                                    

"Guys una kong papasok ah?" -Jane

Ang lakas ng loob niya. Buti pa siya. Kanina naman hindi ako kinakabahan,siguro dahil sa mga nakita ko na mga umiiyak na babae nung nakalabas sila kaya ako kinabahan bigla.

"Ako pangalawa" -Saira

"H-hey...arrghh" Iniwanan pa ko ng dalawa. Buti pa sila mukhang excited lalo na si Saira dahil sa plano niya na yayakapin si Kim pag nakita niya sa loob. No choice ako kaya pumasok na ko.

Sa may pinto ginuide ako ng isang staff na yumuko daw. Kaya sinunod ko yon dahil tunnel pala ang unang papasukan. Grabe ang dilim. Para akong bulag, kahit ano wala akong makita. Nakakadagdag pa ng takot yung sound effects, mga students na nagpupukpok sa loob ng black curtain sa gitna ng room nato. Ang dadaanan kasi namin puro gilid lang ng room kaya pangtatluhang tao lang ang kasya kung gusto niyo na sabay sabay kayo ng lakad. Ang dami kong nakapa na kung ano ano sa tunnel parang putol putol na kung ano-anong mga bagay.

Hinanap ko agad yung dalawa nung nakalabas na ko sa tunnel. May konting liwanag na mula sa ilang butas sa bintana.

"Do you wanna play with me?" What the heck!! Nakakagulat! bigla na lang may nagsalita sa gilid ko.

"No"

"Why?" -Ghost

Nilagpasan ko na lang siya. Nanginginig ang mga kamay ko. May nadaanan ako na babaeng nakayuko at naka upo. Pagliko ko may biglang lumapit sakin. Kaya gumilid ako. Kaso dun pala ako gumilid sa black curtain kaya... "Aaaahhhh!!" -Student sa loob ng black curtain. Sila yung nagpupukpok at gumagawa ng mga nakakatakot na sound effects.

"Shit!!" Napamura ko dahil sa gulat. Bwiset yung nasa loob ng black curtain. Sinigawan ako sa tenga. Buti na lang nilagpasan ako nung lumalapit kanina sakin.

Dumiretso lang ako tapos lumiko. May dadaanan ako na naka upo na white lady para makapunta sa second room dahil naka upo siya sa pagitan ng exit ng first room at entrance ng second room.

Hinawi ko ang mga bulak na kunwari sapot ng dahan dahan.

"Ate huwag kang manghahawak please"

Hay thank God hindi siya gumalaw. Pagliko ko para makapasok sa second room biglang ...

"Wah!!" -Ghost

"Oh my God!" Ano ba yan kung hindi lang ako natatakot matatawa ako dito kay kuya eh. Nangulat ba naman pero parang baby lang ang sinabihan niya ng 'bulaga!'

Shocks lalong lumakas tibok ng puso ko. May dadaanan kasi akong maliit na white na kabaong. Tapos may tatlong white lady na nagdadasal habang nakatingin sakin,at nanlalaki pa ang mga mata nila. Pinagsisihan ko tuloy na nag white t-shirt ako ngayon. Kitang kita tuloy nila ako.

Grabe ang galing naman ng mga nag make up sa kanila. Para talaga silang totoong multo eh. Mas lalo akong natakot dahil balita nung grade 7 ako na may namatay na daw dito sa bldg B ,pinatay daw yung lalaki ng isa pang lalaki dahil sa isang babae.

Waaahh ayoko na.

"Hindi sila totoo Gely. Studyante lang yan kaya huwag kang matakot" Bulong ko sa sarili ko. Okay kaya ko to. Ayan na. Malapit nako sa kanila. Kaya ko to.

"San ka pupuntaaaa ?~ " -Ghost

Kinikilabutan ako. Yung boses niya nakakatakot din. Dire-diretso lang ako kaso nung nasa tapat na nila ako...

"Waaahh p-please...bitawan mo k-ko" Naiiyak nako. Bat ayaw niyang bitawan ang paa ko? Akala ko ba bawal silang manghawak. Lalo na ang manghila.

"P-please bitawa---"

Who Is The Real Him (Completed)Where stories live. Discover now