After 3 years.
"Baby, baba ka na aalis na tayo"
"Opo Ma. Susunod na po"
Binaba ko na yung hawak ko na jacket ni Kim. Eto yung pinahiram niya sakin nung Oh My Bae. Hindi ko na binalik. Inaakap ko kasi to pag natutulog ako kasama yung pillow na binigay niya, na may picture niya.
Loko talaga yon. Tapos meron din siya picture ko naman yung nakalagay.
Nasanay na ko na pati jacket niya nasa tabi ko pagtulog. Kapag kinuha na lang niya saka ko ibibigay.
Bumaba na ko. Pupunta kami ngayon kila Kim, birthday niya kasi ngayon at after 7 days birthday ko na din.
"Hi Love" -Kim
"Hi. Happy birthday"
"Thank you"
"Mimi!"
Nagulat ako nung sumigaw si Kyline habang papunta sakin.
"Hi baby"
Siya nga pala si Kyline Dela Vega, ang anak ni ate Karla at kuya Bryan.
Tinuruan lang siya ni Kim na tawagin akong Mimi at ang tawag sa kanya ni Kyline ay Dada. Buti nga okay lang kila ate Karla eh
"Hey lovebirds. Kyline tawag ka ng Mommy mo sa loob" -Saira
Binuhat niya si Kyline saka sila pumasok. Buti pa siya may pamangkin na. Ako kaya kelan magkakaron. Si Kuya kasi wala pang bagong girlfriend pero may nililigawan siya sa Taiwan.
Buti na lang nakapag usap na sila ni ate Karla at nag let go na sa isa't isa and masaya ako dahil naka move on na sila pareho.
Umalis si kuya kinabukasan pagkauwi namin dito sa Pinas galing Korea. Sa birthday ko ang uwi niya.
"Love pasok na tayo sa loob" -Kim
Pumasok muna kami sa loob, ang nandito lang family ni Kim, ni Saira at family ko.
Sinagot ko si Kim last two years nung Valentine's day. Sinakto ko talaga na Valentine's saka hindi ko rin siya matiis eh dapat sa birthday ko pa sana non. Pero hanggang ngayon naman nililigawan niya parin ako at 2 years na kami nung February. 11 months din nung sinabi niya sakin ang feelings niya bago ko sinagot.
"Love umakyat lang ako saglit nawala ka na. Anong ginagawa mo dito sa labas. Saka ang lalim ng iniisip mo"
Nagulat ako nung may yumakap sakin mula sa likod. Si Kim pala.
Lumabas muna ko dito sa garden nila para magpa hangin.
"Wala naman. Iniisip ko lang yung mga nangyari satin, ang bilis ng panahon no. Nga pala nagustuhan mo ba yung regalo ko?"
Nilingon ko siya. Nakayakap siya sa bewang ko at naka patong yung ulo niya sa balikat ko.
"Syempre naman. Basta galing sayo"
"Buti naman nagustuhan mo. Hindi ko kasi alam kung anong ireregalo ko sayo dahil halos lahat meron ka"
"Walang wala yung mga yon sa bigay mo. Mas importante sakin kapag galing sayo"
Hindi ko talaga alam kung anong ibibigay sa kanya, pero naisip ko na mahilig siyang mag gitara kaya ganon na lang din ang binigay ko sa kanya na pinagawan ko ng design na Exo.
"May bibigay din pala ako sayo"
May kinuha siya sa bulsa niya. Kwintas na may pendant na Love. Isinuot niya sakin at pinakita niya yung kwintas na suot niya, same nung sakin.
"Thanks"
Yumakap ulit siya sakin kagaya ng kanina at pinatong niya ulit yung ulo niya sa shoulder ko.
"I love you Love"
"And advance happy birthday""I love you too and happy birthday Love"
"Thank you. Thank you for everything. Mahal na mahal kita"
Nakikiliti ako habang nagsasalita siya dahil ramdam ko ang hininga niya sa pisngi ko. He kiss me on my cheek.
Naramdaman ko na naman yung kakaibang pakiramdam na si Kim lang ang nakakagawa sakin.
"Mahal din kita"
Naramdaman kong ngumiti siya and then he hugged me tight.
"Mimi! Dada!"
Napabitaw si Kim at napatingin kami kay Kyline.
"Oh baby bakit hindi ka pa natutulog? Lagot ka kay Mommy mo" -Kim
"Hi-indi pa po ako inaantowk eh. Na-istorb-o ko po ba ang swi-it mow-ent niyo?"
Nagulat ako sa sinabi niya. Bat alam niya yon. Magti-3 years old pa lang siya ah.
Kahit paputol putol yung salita ni Kyline naintindihan ko parin. Tumingin ako kay Kim.
"San niya nalaman yung salitang yon? Ikaw na naman nagturo no? Tinuruan mo na nga sa tawag satin pati ba naman yon?"
"Love. Hindi ako baka si Mommy ang nagturo" -Kim
"Nanisi ka pa"
"Promise hindi talaga ako. Hindi ko kayang magsinungaling sayo no"
Binuhat niya si Kyline sa left arm niya saka niya ginamit yung right hand niya para hawakan yung left hand ko.
"Tara Love"
Tumango lang ako. Siya naman ngiting-ngiti. Parang family daw kami. Binatukan ko lang siya pero yung totoo napapangiti ako.
Family.
Ang sarap sabihin pero dadating din kami diyan. But for now...
Iimaginine ko na lang muna.
A happy family with the one I love, with Kim.
With me. And with our angel or angels haha. Someday when the right time comes.
Its not the end of our story. Alam kong marami pa kaming pagdadaanan.
Walang perfect relationship, pero madami mang problema ang dumating, kung talagang kami... Kami parin sa huli, kahit madami man ang humadlang.
But for now. Annyeong guyseu~
YOU ARE READING
Who Is The Real Him (Completed)
Teen FictionA girl named Gely (Jelly) . She is a simple girl and an NBSB or No Boyfriend Since Birth. Hindi pa niya nararanasan ang makapasok sa isang relasyon. She'd never been in love at crush lang ang meron siya. Until one day she met a guy which is may eyeg...