Kinabukasan pumunta si Kim dito sa bahay para turuan ako magluto. Bat kasi hindi ako nagmana kay Mama na magaling magluto at mag bake eh. Opposite kami ni Kim, mahilig pala siya magluto. Pero okay narin opposite attracts right haha.
Binagoongang manok ang ituturo niya sakin. Hayst iniisip ko pa lang parang ang hirap na. Magluto nga lang ako ng itlog nasasama pa ang shell eh eto pa kaya.
"Pano pag hindi masarap ang kinalabasan?"
"Okay lang yan. Tiwala lang"
Nakakapanghinayang kaya pag hindi masarap ang kinalabasan, sayang sa ingredients.
Nagsuot muna siya ng apron.
Teka bakit parang mas lalo siyang naging hot samantalang apron lang naman yon hayst.
Napatingin siya sakin,nagulat ako don kaya napaiwas ako ng tingin pero mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Sinuot niya sakin yung isa pang apron, habang tinatali niya sa likod ko hindi ako makagalaw. Sobrang lapit niya sakin. Ang lapit din ng mukha niya, mas malapit ngayon kesa nung tinatali niya sakin yung jacket niya nung oh my bae. Nakaharap kami sa isat isa at naka tingin siya sa likod ko na tinatali yung apron, parang... Parang nakayakap siya sakin hihih. Ang bango niya grabe.
"Ayan okay na. Magsimula na tayong magluto"
Bumalik ang diwa ko ng magsalita siya.
"H-ha? O-okay. Alin ba ang uunahin?"
Argh bat ba ako nauutal at kinakabahan.
"Okay ka lang ba?"
"H-huh? O-oo naman"
Nakatingin parin siya sakin pero maya-maya lang nagsimula narin siyang maghiwa ng mga dapat hiwain na ingredients. Naghihiwa narin ako ng mga sinasabi niya at ginagaya siya kung pano pero hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Bagay sa kanya ang naka apron haha para siyang hot na chef kulang na lang uniform.
"Ouch!"
Aray! What the eff.
"Shit! Here hugasan natin"
Dinala niya ko sa lababo at hinugasan ang daliri ko na nagdudugo.
"Bat kasi hindi ka nag iingat?!"
Kung alam mo lang ikaw ang may kasalanan kung bat ako nahiwa ng kutsilyo. Hindi ko mapigilang tumingin sayo.
"Sana sinabi mo na hindi mo kaya! Edi sana ako na lang yung gumawa!"
"Eh pano ko matututo?"
"Kahit na ba! Mas mainam pang huwag ka nang mag sanay para hindi ka na masaktan!"
Sisigawan ko na dapat siya na 'Bat mo ba ako sinisigawan?!'
Kaso napatigil akong gawin yon sa huli niyang sinabi. Bat feeling ko concerned siya. Bakit feeling ko nag aalala siya at ayaw nya kong masaktan?
Hindi ko alam kung ano ba dapat kong maramdaman. Pakiramdam ng puso ko ang sweet niya, kaya gusto ko kiligin pero sabi ng isip ko tigilan ko to at wag mag assume na may meaning yon kay Kim dahil pilit sinasabi at pinapaalala ng isip ko na hindi talaga kami. Truth hurts hayst.
"Oh bat natahimik ka? Masakit pa ba?"
Napatingin ako sa kanya saka sa kamay ko na hawak niya. Hindi ko man lang napansin na nalagyan niya na ng band aid.
"Hindi na. Salamat"
Tumango lang siya at nagpatuloy na sa pagluluto. Habang ginagawa niya yon ipinapaliwanag niya kung pano ang pagkakasunod-sunod.
Ang sarap sa feeling imaginine na kami at ipinagluluto niya ko. Panigurado tataba ako pag nangyari yon. Kaya lang hindi kami.
Pagkatapos niyang magluto. Tatayo na sana ko sa inuupuan ko para maghain kaya lang sabi niya umupo na lang ako at siya na mag-aahin. Grabe kinikilig talaga ko wahaha.
Ang sarap ng luto niya. Daig pa ako, samantalang dapat mas marunong ako dahil babae ako.
Patuloy lang ang pagkain ko nang mapansin ko na nakatingin siya sakin.
"May dumi ba ko sa mukha?"
"H-ha? Ah wala. Okay ba yung luto ko?"
"Yep. Galing ah"
"Naman ako pa ba hahahh"
Nagpatuloy lang kami sa pagkain hanggang sa ako na ang nagprisintang mag hugas ng ginamit sa pagluluto at pinagkainan pero ayaw nyang pumayag kaya sa huli tulong na lang kami.
At sa hindi sinasadya, parehas naming nahawakan ang isang pinggan. Napatigil kaming pareho at napatingin sa isa't isa. Sabay namin itong kinuha, akala ko siya na ang maghuhugas non at siguro ang akala niya naman ako ang maghuhugas non kaya sabay naming nabitawan. Nagulat ako sa pagbagsak ng plato. Pupulutin ko na sana yung bubog ng bigla niya akong pinigilan.
"Ako na. Baka masugatan ka na naman"
Napatigil ako. Bakit sa simpleng salita lang niya iba ang epekto sakin. Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko kahit ganon lang yung sinabi niya. Kim... bakit ba pilit mo kong hinuhulog sayo. Sana lang sa huli huwag mo kong iwan sa ere. Sana... sana saluhin mo ako. Kahit alam kong imposible, umaasa parin ako.
Hapon na pero andito parin si Kim. Mukhang ayaw nyang umuwi ah, at sabi niya dito daw siya samin magse-celebrate ng Noche Buena.
Nanunuod lang kami sa sala habang iniintay sila Mama at Papa pero 4 pm na wala parin sila kaya nag aya munang mag bike si Kim. Buti na lang meron kaming bike kaya lang iisa lang.
Sumakay na siya don. Ako naman nakatayo lang at nag iisip kung kanino ko pwedeng manghiram ng isa pa.
"Hoy bakla! Ano pang iniintay mo?" -Kim
"Huh? Uhm pasko?"
"Ha-ha. Ang corny mo. Sakay na nga"
Err. Bumalik na naman siya sa pagka gay. Okay na sana simula kanina eh. Nakalimutan ko na ngang bakla siya dahil hindi siya kilos bakla kanina at kung magsalita lalaking lalaki.
Umangkas na ako sa likod. Hindi na ako takot dahil may tiwala ako kay Kim. Alam ko na hindi niya ko pababayaan wahaha.
"Kimberly"
"Yeah?"
Wow gusto nya talaga Kimberly tawag sa kanya ah.
"About don sa Prom. Yung... yung ginawa sayo ni---"
"Nooooo. Huwag mong ituloy. Naman bakla eh nakalimutan ko na nga pinaalala mo pa"
"Bakit?"
Hahah mukhang diring diri siya.
"Huhuh my precious lips"
"Hahahh nagustuhan mo ba?"
"Nagustuhan? What the eff. Eww kadiri kaya"
"Bakit hindi pa ba kayo nagki-kiss dati?"
"Yeah"
Nagulat ako sa sagot niya. Tatanong ko pa lang sana kung first kiss nya ba yon pero bago ko pa matanong nasagot niya na.
"It was my first kiss. And I can't accept that Aliyah stole it. Arrgh change topic"
Bakit parang ang saya ko. Ang sarap malamang ayaw niya sa Aliyah na yon hahahh.
Yumakap ako sa likod ni Kim. Bale ang kamay ko nasa tyan nya.
Mukhang nabigla na naman siya hahah.
Ang sarap sa pakiramdam.
"Kimberly buti na lang bakla ka"
"H-huh? Bakit naman?"
"Eh kasi kung hindi, mahihiya akong gawin to"
Hinigpitan ko ang pag yakap sa kanya.
I heard him chuckle. Ang sarap pakinggan. Ang sarap damhin ng moment nato. Naka angkas ako sa likod ng bike habang si Kim ang nagda drive tapos naka yakap ako sa kanya habang dinadama ang sariwang hangin, habang nililipad ang buhok ko. Parang isang scene sa teleserye. Ang kulang na lang ay kung lalaki si Kim at merong kami.
Pero sa ngayon kakalimutan ko muna na hindi kami. Dadamahin ko muna ang moment na ito. Kahit ngayon lang.
YOU ARE READING
Who Is The Real Him (Completed)
Teen FictionA girl named Gely (Jelly) . She is a simple girl and an NBSB or No Boyfriend Since Birth. Hindi pa niya nararanasan ang makapasok sa isang relasyon. She'd never been in love at crush lang ang meron siya. Until one day she met a guy which is may eyeg...