WITRH19

19 11 0
                                    

Karla's Pov

Feeling ko ang sama-sama kong tao. Dahil nasira ko ang pagiging magkaibigan nila. Napaka mapaglaro nang tadhana. Bakit kaibigan pa ni Charles si Bryan.

Masasakit ang nasabi kong salita kay Charles nung nag usap kami sa guest room nila Bryan, pero lahat ng yon kasinungalingan dahil siya talaga ang mahal ko. Nung hinalikan niya ko, naramdaman ko na nasasaktan ko talaga siya at the same time naramdaman ko ang pagmamahal niya.

Tinutulak ko siya dahil nag aalala ako na baka makita kami ni Bryan at sabihin niya na buntis ako at baka mag away sila, pero wala na nangyari.   Ako ang dahilan ng pagkasira ng pagka kaibigan nila.

Ang sakit lang marinig mula kay Charles na 'Ex' niya ko. Pero nagtataka ako sa inasal ni Bryan, bat parang sa kanya meron talagang 'kami' at nagawa pa niyang suntukin ang kaibigan niya, sobra ang galit niya na parang nasasaktan talaga siya nung sinabi ni Charles na hinalikan niya ko.

Hindi lang ang pagkakaibigan nila ang nasira ko, mukhang pati ang relationship ng kapatid ko at ng kapatid ni Charles.

Bryan's Pov

Arrrgghhh! F**ck! Ex ni Karla ang kaibigan ko. Ni hindi ko man lang alam. Ang sakit makitang magkasama sila. Nasasaktan ako dahil mahal ko si Karla.

Mahalaga sakin ang kaibigan ko pero yung isiping isa lang ang mahal namin? Damn this life! Pinagmukha akong tanga ni Charles.

Madalas kong ikwento sa kanya ang babaeng madalas kong sundan kapag wala akong trabaho. Inaabangan ko yon sa labas ng bahay nila at sa trabaho nito. Nalaman ko rin sa mga katrabaho niya na Karla ang name nito. Pero hindi man lang sinabi ni Charles na girlfriend niya pala yon. Kaya pala pinipigilan niya ko non at sinasabi niya na may boyfriend na si Karla. Ngayon ko lang nalaman. Nasaktan ko siya ng hindi ko alam.

Hindi ko naman sinasadya yung nangyari samin ni Karla dahil lasing ako non nang mapansin ko na siya yung babae na umiinom malapit sakin.

Nilapitan ko siya pero yung mga sumunod na nangyari hindi ko napigilan. Ang tanga-tanga ko. Ako ang dahilan kung bakit sila naghiwalay. Pero huli na ang lahat.

Alam kaya ni Charles na buntis si Karla.

Charles Pov

Binilisan ko ang pagmamaneho. Akala ko nakinig sakin non si Bryan na tigilan na si Karla dahil may boyfriend ito. Pero hindi pala. Halata ngayon na mahal niya na si Karla. Ang tanga ko lang dahil kung inamin ko siguro na ako ang boyfriend ni Karla, siguro kami pa at ititigil na ni Bryan ang nararamdaman niya for Karla.

Bakit ba naman kasi sa dami ng babae, yung taong mahal ko pa ang nagustuhan ng kaibigan ko.

Bakit ang napili pa ng taong mahal ko... ang kaibigan ko.

Masyado ba kong naging busy sa trabaho... at hindi ko man lang napansin na nagkakalapit na pala sila sa isa't isa.

Umuwi muna ko sa bagay. Gusto ko munang mapag isa.

Gely's Pov

January 3 na ngayon, kaya may pasok na naman. Bumaba na ko pagkatapos kong mag ayos.

"Ma, Pa alis na po ako"

"Hindi ka ba kakain?"

"Hindi na po. Asan po si Kuya at Anthony?"

"Yung kuya mo umalis muna dahil gusto daw niyang mamasyal, si Anthony naman nasa kwarto. Baka tulog pa"

"Sige po. Bye"

"Ingat ka"

San naman kaya pumunta si Kuya. Hay sana naman maka move on na siya.

Pagdating ko sa school. Humarang si Kim sa dinadaanan ko.

"Ano bang problema mo?"

"Sana huwag kang magalit kay ate. May dahilan siya kung bakit niya ginawa yon"

"Wala kong pakialam. Sinaktan parin niya ang Kuya ko"

Nakakainis. Panira ng araw. Umalis na ko sa harap niya at pumunta na sa room ko.

Charles Pov

Nagda drive ako ngayon papuntang SM dahil gusto ko munang makalimutan kahit saglit ang problema ko.

May nakita akong pamilyar na babae na bumaba sa isang sasakyan. Huminto muna ko sa gilid at pinagmasdan siya.

Pumasok siya sa isang Hospital.

Pinaandar ko ang sasakyan ko papunta sa parking lot ng hospital. Nagmamadali akong bumaba saka tumakbo papasok.

Pumasok siya sa isang room ng hospital. Maya-maya lang lumabas na silang dalawa ng doctor. Nakasilip lang ako malapit sa kanila. Tama lang para marinig ang pinag uusapan nila.

"Ms Reyes. As I was saying a while ago. Wala namang kakaiba sa pagbubuntis mo pero para maging healthy ang baby huwag mo kakalimutan uminom ng mga medicines na binigay ko sayo at iwasan ang stress"

"Yes doc. Thank you po. Babalik na lang po ako sa next check-up ko"

Tumango yung babaeng doctor saka umalis na. Lumabas ako sa pinagtataguan ko.

Nagulat si Karla nung mapansin niya ko.

"Anong ibig sabihin nung narinig ko? Buntis ka? Kaya ka ba nakipaghiwalay sakin?"

Nilagpasan niya lang ako. Sinundan ko siya sa may parking lot.

"Karla sagutin mo ko. Kaya ka ba nakipag break sakin dahil buntis ka?"

Again. Hindi niya ko sinagot.

"Karla! Answer me! Kaya ka ba nakipag hiwalay sakin? Si Bryan ang ama? Yung kaibigan ko ba?! Tell me!"

"Oo Charles! Oo! Si Bryan ang ama nang dinadala ko. At oo kaya ako nakipaghiwalay sayo dahil dito"

Gely's Pov

Pauwi na ko ngayon. Kanina pa ko kinukulit ni Kim na ipapaliwanag niya sakin ang mga nangyari sa kuya ko at kay Karla pati na din kay Kuya Bryan.

Naguguluhan din ako kaya sabi ko kay Kim sa bahay niya ipaliwanag sakin.

Binaba ko ang bag ko saka umupo.

"Go. Explain mo na"

Inexplain niya sakin ang mga nalalaman niya. Secret relationship lang pala si Kuya at Karla kaya pala di namin alam na siya ang girlfriend ni Kuya.

Hanggang sa...

"Buntis si Ate. At si Kuya Bryan ang ama"

Alam kaya to ni Kuya. Panigurado mas lalo siyang masasaktan.

"Mabait na tao si Ate, mas gusto niya na siya ang masaktan kaysa ang mga taong mahal niya sa buhay. Kaya sana huwag kang magalit sa kanya. Hindi niya gusto ang nangyari, parehas silang lasing non. Nung binantaan ni Dad si Kuya Bryan na panindigan si Ate, pansin ko na mahal talaga ni Kuya Bryan ang ate ko. Maalaga siya at hindi ko nakikita na napipilitan lang siya"

"Pano mo nalaman lahat?"

"Close kami ni ate hindi lang halata. Kinuwento niya sakin"
"Maniwala ka. Mahal na mahal ni ate ang kuya mo"

Who Is The Real Him (Completed)Where stories live. Discover now