Awarding na.
"Arrgh nakakainis!! Bat puro sa Sachary na yon napupunta ang award?!! Siya lang ba ang contestant?!"
Aist nakakabanas. Napapasigaw na tuloy ako dito. Pero ngayon wala akong pakialam sa mga tumitingin sakin. Naiiyak ako kasi naaawa ako kay Kim dahil ang dalas niyang huminga ng malalim tapos pilit yung ngiti niya at hindi mapakali yung kamay niya.
Si Christian naman kung kanina straight na straight ang tayo niya, ngayon ay hindi na. Halos yung isa na lang niyang paa ang nagbabalanse at naka tagilid siya. Alam niyo yung tayo na yon? Basta yung parang nangangawit ganon.
Samantalang yung Sachary na yon? Ayon ngiting ngiti. Pano ba naman kasi halos lahat ng award nasa kanya na. Photogenic,Formal attire,Audience impact, at madami pang awards. Isang award lang ang napunta sa ibang Bae's, yon ay kay Jesus Lance daw sabi ng emcee. Filipino department siya. At halos lahat ay na kay Sachary na.
"Wow partner hinakot niya na lahat ng award" Emcee 1
"Oo nga partner. Yung mga supporters ni Sachary ano masasabi niyo?" Emcee 2
"Waaahh we love you Sachary ~ "
"Ang daming supporters ni Sachary" Emcee 2
"Tama ka dyan partner. So now partner ang top 6 na ang ia-announce natin" Emcee 1
"Nasa kamay ko na ang nakapasok sa top 6. Grabe daw ang hirap sabi ng ating mga judges"
"Syempre naman partner because all of the Bae's are good looking and talented"
Ang dami nilang sinasabi.
"Okay sasabihin ko na ... Ang makakapasok sa top 6 ay sila ...Oh my Bae number...5!! Jericho Salazar"
Kinakabahan ako.
"Number 18. Steve Anderson!!"
Naaawa ako kay Kim at Christian. Parehas silang ngumingiti kahit pilit.
"10! Kenzie Arellano!"
Halatang kinakabahan din si Kim. Naiiyak ako. Ayoko siyang nakikitang malungkot.
"15!! Sachary Villanueva!"
"Uy Gely bat ka umiiyak?" -Jane
Tumingin lang ako sa kanya at ibinalik ko din ang tingin ko sa stage. Naluluha na pala ko habang nakatingin kay Kim. Buti na lang hindi siya nakatingin sa lugar kung nasan ako.
"Next is... 14! Christian David!!"
"Waaahhh Gely!! Nakapasok siya!!" Buti pa si Jane masaya na. Niyuyugyog niya ko pero hindi ko parin inaalis ang tingin ko kay Kim. Salamat dahil nakapasok si Christian pero sana si Kim din.
"Lord please sana po makapasok si Kim. Please po Lord. Nagmamakaawa po ako"
"Gely wag ka nang umiyak. Malay mo siya yung susunod na tatawagin" -Saira
"Eh Saira...Pano kung hindi?"
"Tiwala lang okay?" Pinunasan niya ang luha ko. Napayakap ako sa kanya. Para ko na kasi siyang ate. Mas matanda siya sakin pero ayaw niya lang magpatawag ng 'ate'.
Nakasubsob ako sa balikat niya habang nagdarasal sa isip ko na sana si Kim ang tawagin.
Si Jane naman sinisigaw narin ang name ni Kim.
"Ang huli kong tatawagin ay si...."
"Kim Reyes!! Kim Reyes!!" -Jane and Saira
Salamat talaga dahil sa dalawang kaibigan kong to lumalakas ang loob ko.
YOU ARE READING
Who Is The Real Him (Completed)
Teen FictionA girl named Gely (Jelly) . She is a simple girl and an NBSB or No Boyfriend Since Birth. Hindi pa niya nararanasan ang makapasok sa isang relasyon. She'd never been in love at crush lang ang meron siya. Until one day she met a guy which is may eyeg...