Charles Pov
Pagkauwi ko, naabutan ko si Kim at ang kapatid ko na nag uusap.
Wala na bang mas nakakagulat akong malalaman ngayon. Sobra na kong nasasaktan at naguguluhan. Hindi ko alam kung kanino ko magagalit. Kay Bryan at Karla ba, pero parehas silang lasing non kaya hindi nila sinasadya yung nangyari. O sa sarili ko dahil kung hindi ko nakalimutan na anniversary namin edi sana hindi siya magagalit, iinom at higit sa lahat hindi mangyayari yon.
Kahit narinig ko na sinabi ni Kim na mahal ako ng ate niya. Huli na ang lahat. Nangyari na at si Bryan ang ama at hindi ako. Kahit mahal ko si Karla, hindi na kami pwede.
Mahal na ni Bryan si Karla, ayoko na silang guluhin. Matututunan din ni Karla na mahalin ang kaibigan ko. Masakit isipin pero kakayanin ko para sa dalawang tao na mahalaga sakin. At sa baby nila.
Umakyat na ko sa taas. Hindi nila ko napansin dahil nakatalikod sila sakin.
Nag impake na ko nang gamit. Babalik na ko sa Taiwan sa isang linggo.
Gely's Pov
Grabe nagulat ako sa mga nalaman ko ngayong araw. At nagulat din ako dahil... Ang haba ng sinabi ni Kim. De joke pero first time ko lang siya nadinig magsalita nang ganon kahaba. At walang halong gay language.
Umakyat na ako sa taas pagkatapos kong ihatid si Kim sa labas. Nagbihis lang ako ng pambahay saka bumaba.
Andito na pala sila Mama at Papa. Narinig kong nag uusap sila sa dinning area.
"Ma aalis na po ako sa isang linggo" -Kuya
"Bakit naman ang bilis ata?" -Pa
"Alam niyo naman po yung nangyari di ba" -Kuya
"Alam naman namin na gusto mo nang makapag move on, pero hindi ba pwedeng pagkatapos na lang ng moving up ng kapatid mo?" -Ma
Mukhang nag iisip si Kuya, sumingit na ako sa usapan.
"Kuya gusto ko sa moving up ko nandon ka"
Napatingin sila sakin.
"Please? Mokong please?"
"Ayoko chaka"
"Sige na kasi kuya"
"Sige"
"Yey! Thank you!"
Gely's Pov
After 2 months. Finally Moving Up na namin ngayon.
Pagkatapos kong isuot yung school uniform ko, minake-upan ako ni Mama. Yung kaibigan naman niya inayos ang buhok ko.
Pagkatapos non bumaba na kami. Andon si Papa, Kuya at Anthony. Sumakay na kami sa kotse ni Papa papuntang school.
Nakita ko si Jane na kakababa lang din sa kotse nila.
"Gely! Ang ganda naman ng hair mo"
"Hair ko lang?"
"Yeah haha. Cute ka di ba sabi mo haha. Tara na nga pasok na tayo sa loob. Hellow po sa inyo" Kumaway siya sa mga kasama ko haha dami kasi nila kaya di niya na inisa isa.
"Hi Jane. Nasan ang Mommy mo?" -Ma
"Susunod na lang daw po sila eh"
Pagdating namin sa gym. Nakapila na sa labas ang lahat ng studyante. Una ang mga nasa Science High, sumunod ang mga nasa Special Section at kaming section 1-15 sa Basic Education.
Maya-maya lang nagsimula na.
May dalawang emcee na nagsasalita at pinapakilala ang mga advicer ng bawat section habang papunta kami sa seat kung san kami naka assign.
YOU ARE READING
Who Is The Real Him (Completed)
Teen FictionA girl named Gely (Jelly) . She is a simple girl and an NBSB or No Boyfriend Since Birth. Hindi pa niya nararanasan ang makapasok sa isang relasyon. She'd never been in love at crush lang ang meron siya. Until one day she met a guy which is may eyeg...