Its monday at ito ang huling week na papasok kami ngayong month ng December. Walang klase simula last week dahil Christmass bazaar at sa Thursday na ang Christmass party at Prom na sa Friday!! Woohh ang saya ~
Papunta nga pala ko ngayon sa room nila Kim para isoli yung Jacket niya na ilang beses kong nilabhan nung Sabado. Alam niyo bang ilang beses ko ding pinractice kung ano sasabihin ko kay Kim. Pero hanggang ngayon hindi ko parin talaga alam kung pano. Kaya ngayon para akong tanga na naglalakad ng sobrang bagal sa corridor na ultimo parang slow motion at nagta try ng sasabihin kay Kim.
"Good morning Kim...ito na yung jacket mo, nilabhan ko na yan. Salamat ah" Aist parang ang gara naman. Isa pa.
"Good morning Kim...Salamat nga pala dito sa Jacket na pinahiram mo" Parang ang gara din eh. Last na.
"Good morning Kim. Ito na nga po pala yung pinahiram niyo po sakin nung Friday. Salam---" Arrgh baka isipin niya naman na pa cute ako dahil may 'po' . Hay bahala na nga.
"Excuse me miss. Andyan ba si Kim Reyes?" Tanong ko sa kaklase ni Kim na nasa labas ng room nila na nakikipag kwentuhan sa iba pang kaklase nito. Ang alam ko Angelica ang name nito eh.
"Wala dito. Ang alam ko lumabas siya kanina pa"
"Ah ganon ba, sige salamat"
"Okay" -Angelica
Ano ba yan. San ko naman siya hahanapin? Ang laki pa naman ng school na to.
Balik na nga lang muna ko sa room. Pag nakita ko na lang siya saka ko ibabalik tong jacket niya.
"Uy Gelllyyy!!" -Jane
"Oh? Grabe ka makasigaw. Hinaan mo nga boses mo,ang lapit lapit mo lang sakin eh"
"Gellyy!! Waahh kanina pa kita hinahanap! Alam mo ba ...waahh grabe hindi ko mapigilan. Ganito kasi yon. Wait hihinga lang ako" -Jane
Tsk nasa corridor pa lang ako sinasalubong na ko ni Jane. Panigurado madami ng nakaka alam ng pangalan ko dahil lagi nitong sinisigaw kahit saan. Kagaya na lang nung tinakbuhan ko sila nung magpapa picture kami kay Kim.
"Sige kaya mo yan"
"Okay ganto kasi yon..." -Jane
Jane's Pov
Asan na kaya si Gely? Hindi man lang nag text kung san pupunta. Yung Horror Booth hanggang ngayon hindi parin namin napapasukan. Hay magbasa na nga lang muna ko ng story sa Wattpad.
"Uhm...Excuse me"
Shocks. What the hell. I know that voice. Tumingala ako at tama nga ako!! Si Christian David nasa harap ko!! Shocks pinagpapawisan ako. Alam niyo ba na minsan lang ako kausapin nito. Hindi ko alam kung bakit samantalang hindi naman siya tahimik dito sa room, at lahat naman close niya. Ako kasi uhm...ano.. crush ko siya hihihh kaya nahihiya akong kausapin siya. Ako nga lang ang hindi niya close dito sa room eh kaya nakakapagtaka na lumapit siya dito sa seat ko.
"Yes?"
"Ano...Jane tatanong ko lang kung...may date ka na ba sa Prom sa friday?" -Christian
"H-ha? Uhm wala pa nga eh. Bakit?"
"Ah...pwede bang ikaw na lang ang date ko sa friday?" -Christian
"H-h-ha?! I mean ano...O-okay"
Argh Jane huwag kang magpahalata na kinakabahan ka.
God totoo ba to? Waahh hindi ako makapaniwala na nangyayari to ngayon.
"Okay. Thank you. So I pick you up na lang sa inyo sa friday?"
YOU ARE READING
Who Is The Real Him (Completed)
Teen FictionA girl named Gely (Jelly) . She is a simple girl and an NBSB or No Boyfriend Since Birth. Hindi pa niya nararanasan ang makapasok sa isang relasyon. She'd never been in love at crush lang ang meron siya. Until one day she met a guy which is may eyeg...