Kabanata 2

135 7 0
                                    

Bitter.

Break time na at napagpasyahan kong pumunta ng garden para mapag isa. Nabalitaan ko na ayaw na ayaw ng mga estudyante dito na tumambay sa garden dahil sa hindi malaman na dahilan.

Mas malawak itong garden kung ikukumpara sa garden ng dati kong school. Mababango at maganda naman ang pagkakaayos sa mga bulaklak dito. Sementado ang daan para sa lalakaran kaya hindi mapuputikan ang sinumang pupunta.. Kaya bakit ayaw na ayaw nilang tumambay dito o pumunta man lang?

Umupo ako sa isang bench kung saan ay gawa sa bato at inilapag ang dalang bag saaking tabi. Mula roon ay nilabas ko ang aking baon na sandwich. Sa sobrang pagmamadali kong makapunta dito ay dalawang sandwich lang ang nadala kong baon.

Hindi ko lubos maisip na ang isang taong hindi ko naman kilala ay ang taong makapagpapasira ng buong araw ko kahapon. Akala ko maganda ang magiging simula ng araw ko hindi pala. Lalo na iyong tungkol sa nangyari kahapon. 

[Flashback]

"Do I need to repeat what I had say? Go inside."

Tumalikod na siya at nagsimula na maglakad.

Wala na siguro ako sa tamang pag iisip kung kaya't sinundan ko na lang siya. Gagamutin ko lang naman ang putok niyang labi sa loob ng ilang minuto at pagkatapos ay uuwi na agad ako. Simple lang naman iyon.

Pagpasok ko sa loob ng mansyon, hindi ko maiwasan ang mapanganga habang iginagala ang tingin sa paligid. Ang lawak. Ang ganda ng mga nakakabit na disenyo at halos lahat ng kagamitan dito ay gawa sa babasaging bagay.

Patuloy ko lang na sinusundan ang taong ito kung saan man siya papunta kahit na gusto ko talagang mag stay sa kinatatayuan ko kanina.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang  nililibot pa rin ang tingin sa palibot.

Narinig ko siyang ngumisi nang mahina. "Sa kwarto ko,"

Ah..  Sa kwarto pala-Kwarto?!

Binilisan ko ang aking paglalakad at sumabay sa paglalakad niya. Myghad. Anong gagawin namin dun sa kwarto niya?!

"Hey, akala ko ba gagamutin ko lang yang sugat mo sa bibig? Eh bakit kailangan pa natin na pumunta sa kwarto mo?!"

"Hinaan mo ang boses mo. Maririnig ka ng kapatid ko."

Umaakyat na kami ng hagdan pero tila wala pa rin akong tigil sa pagdadakdak. Eh bakit ba, pwede ko namang gamutin ang sugat niya sa sala. Bakit sa kwarto pa?

"Wala akong oras sa kung anumang bagay ang umiikot sa utak mo ngayon o ang maghiganti. Ang usapan ay usapan!"

Nasa bandang lugar kami kung saan ay maraming mga pinto ang tumambad. Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto na rin ako. Matalim ang tingin niya akong hinarap sabay ayos ng salamin niya sa mata.

"Annoying, tss."

"Ah gano'n, annoying pala. Eh bakit mo ko dinala dito?!"

Tila natigilan siya sa inis na pagtanong ko. Palipat lipat ang tingin ko sa dalawa niyang mata habang ang kanya ay mariing nakahinto sa'kin. He leaned forward na kusang nagpaatras sa ulo kong ayaw lapitan ang mukha niya.

"What do you think why shouldn't treat this all by myself?" sa namumungay na tingin niyang tanong sabay ngisi. 

Hindi ako sumagot. Habang tumatagal ay nahihinuha kong may bagay nga ang umiikot sa isipan niya.

"I'm serious,"

"Looking at you like this is that insufficient?" 

"Stop the playing around, please!"

Their Name. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon