Prudence.
Nilock niya ang pinto at kasabay nun ang pabagsak na pag upo ko sa kama. Nasa kwarto kami ngayon ni Hallie. Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ng lalaki na ito at dito niya pa talaga ako dinala.
"O-oy! Anong ginagawa mo?" tanong ko pagkatapos niyang buksan ang computer ni Hallie.
Lumapit ako sakanya.
Tumayo siya sa pagkakaupo at pinilit akong paupuin sa harap niya. Wala na akong magawa kundi sundin siya. Ang lakas niya eh.
"Ano naman ang gagawin ko dito?"
"Shhh." saway niya sakin. "Help me to convince her to back."
"A-ano?"
Pagbalik ko ng tingin sa screen, nakalog in na kaagad ang kanyang facebook account. Pumunta siya sa kanyang chat heads. Ooow. Ang dami palang nagchachat sakanya kaso ini-inbox niya lang. Snobber.
"Teka, anong ginagawa mo? Nahihibang ka na ba?"
Paano ba naman kasi? Pinindot niya yung name ni Oliver. Yeah. Siya pa talaga mismo. Sakto pa naman na naka ol siya.
K E N: Hi, bro
Hala. Sinapian ng kabaklaan ang loko?
Bahagya akong yumuko at balak na lusutan sana ang dalawang braso niyang nakaharang sa gilid ko kaso napansin niya iyon kaya tinulak niya ako ng mahina gamit ang isa niyang braso. Tf! Ayoko kayang makita ang convo nilang dalawa!
Sabagay, first conversation palang naman nila ito.
Oliver De Guzman: Hello?
"You know what Ken, nagmumukha lang kayong tanga." walang ganang saad ko sakanya habang nakatingin pa rin sa screen nitong computer. No choice. May harang sa dalawang gilid ko kaya hindi ako makaalis eh.
"Exactly."
"Tch. Kung ano na naman yang pinaplano mo, wag mo na lang ituloy ulit. May naaamoy na naman akong hindi maganda eh."
"Tss. Just watch and learn."
Napairap ako. Kahit kailan talaga nakakabwisit na itong lalaki na 'to. Psh.
K E N: How's Andrea?
Halos mapakurap kurap ang mga mata ko sa nabasa. Seriously, itatanong niya talaga iyon?
And then nag open pa siya ng isang chat which is online rin ngayon. I guess nickname lang niya ito dahil impossibleng magkaroon ng name sa totoong buhay na 'minahal_niya ba ako?'
-____-. Jeje ba?
K E N: Brought me a pizza. Four hawaiian pizza.
"Ano yan? Delivery boy? Astig ah."
Rinig ko ang pagngisi niya saaking likod. Nakatayo kasi siya sa bandang likuran ko at ang lapit lang ng mukha niya sakin kaya narinig ko.
Oliver De Guzman: She's fine. As always.
"Wow." sambit ng loko.
Akala ko napa 'wow' siya sa nireply ni Oliver kaso hindi pala. Nagscroll kasi siya sa newsfeed niya at mula dun ay nakita niya ang video ng isang babae na nagsuswimming sa beach which is naka bikini ito.
Tf! Manyakiiiiis!!
Mabilisan kong tinakpan ang mga mata ko sa nakita. "Hoy Ken the president! Scroll down mo nga yan!"
"Ayoko nga. We need to finish the video first."
"Yuck! Kadiri! Wala ka naman na mapapala jan eh!"
BINABASA MO ANG
Their Name. (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsIsang paaralan na kinikilala ng lahat. Subalit sa likod pala nito, may tinatagong lihim na hindi kayang maibunyag. Isang babae ang pumasok sa kinilalang paaralan. Mababago kaya ang buhay niya ng lubusan? Kung ang nakikita at napapansin niya pala...