Chapter 43: Alihyah

61 6 0
                                    

Prudence.

Hindi ko pinansin ang tirik ng araw. Kahit na ang init dahilan ng tagaktak kong pawis ay balewala. Kailangan kong mahanap si Ken. Alam kong siya ang makakasagot ng mga katanungang nabubuo sa isipan ko.

"Kayo sa kaliwa! At kayo naman sa kanan! Samantalang ang matitira ay sa gitna! Bilis!"

Halos pigil na rin ang aking paghinga para lamang hindi mapansin ng nga taong naghahanap at naghahabol sakin. Kailangan kong maging maingat. Lalo na't alam kong nasa sitwasyon ako ng kamatayan. Oo. Alam kong posibleng kamatayan na ang kahahantungan ko kung sakali man na mahuli ako.

Bahagya akong sumilip mula sa aking pwesto. Nang pansin kong wala na sila, saka ako naglakas loob na umalis at maghanap ng ibang daan para makaiwas lamang sakanila.

Una kong pinuntahan ay ang dean's office. Ngunit pagbukas ko pa lang ng pinto, ay malinis na opisina ang aking nadatnan. Walang tao sa loob miski isa. Pagsara ko ng pinto, nakita ko ang principal na nakayukong naglalakad papunta siguro sa direksyon ko. Mukhang hinahanap din si Ken. Kaya dahil sa wala na akong matataguan pa at imbis na tumakbo ng mabilis, ay napagpasyahan kong pumasok sa loob at magtago sa ilalim ng lamesa.

Subalit ilang segundo pa lang ng aking pagtatago sa ilalim ng table ay nagbago ang aking isip at magtago na lamang sa malaking cabinet. At pagbukas ko, saktong bumukas rin ang pinto nitong dean's kaya no choice ako kundi ang ipagsiksikan ang aking sarili sa loob.

Hindi ko napansin agad na puno pala ito ng kulay itim na mga coat. At sobrang mababango pa. Akala ko tuloy kasama ko si Ken.

Wala akong marinig ni isang ingay man lang at tanging yabag lamang ng takong ng sandals ang naririnig ko. Posibleng naglilibot siya pero bakit naman kaya?

Agad na nag ring ang telepono. Tingin ko'y ang teleponong iyon ay ang nag iisang telepono sa ibabaw ng table ni Ken the president. Malamang, alangan naman na may dalhin yung principal na telepono Prudence. Duh.

"Ang bilis naman. Give a specific time para sunduin kayo jan."

Ugh. Ang sikip naman dito sa pwesto ko. >.< "Don't worry, maayos naman ang pangangalaga ko sa eskwelahan na'to. And no one can find out na ako ang nagplano ng lahat."

Inis ko na naman na kinagat ang ibaba kong labi. Sabi ko na nga ba. Hindi ako maaaring magkamali. Sa tono at talas pa lang ng dila niya halatang siya na ang may pakana ng lahat. "But may isang problema tayo."

Mahina akong napangisi. Akalain mo nga naman, maayos na nga ang pangangalaga may problema pa. Tsk. Tsk. Tsk. "Nawawala ang ibang officers. Possible kaya na tinatraydor nila ako?"

Bahagya akong sumilip. Bahagya kong binuksan ang cabinet na ito at mula sa maliit na siwang ay tanaw ko na agad ang principal na nakaupo sa swivel chair habang nakatapat ang telepono sa tenga nito. "No. Malaki ang inaasahan ko sakanila. Baka naman nagpaplano lang sila ng pasabog na makakapagpabilib sakin."

Officers. Ibig sabihin kasama na dun si Ken? Sino pa kaya ang ibang officers? "Althea? About her?" napangisi ito. "Nah. Don't you dare to hurt her again. Tama na ang isang parusa. Ayos na 'yun sa paglabag niya sa batas at bilang aking anak."

0_0 A-anak? "Walang makakaalam, of course. Unless kung may tao dito sa loob bukod sakin."

Mahina kong isinara ang pinto nang sabihin niya ang katagang iyon. Alam kong inililibot na rin niya ang kanyang ulo sa kung saan man.

Nararamdaman ko na naman ulit ang malakas at mabilis na tibok ng aking puso. Kinakabahan ako na ewan. Tapos yung mga kamay ko, ang lalamig na.

Wala na akong ibang marinig pa na ingay at iyon na lamang ang huling salita na narinig ko galing sakanya. Miski tunog ng takong ng sandals ay wala na rin. Hindi kaya napapansin na niya?

Their Name. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon