Prudence.
"Kung ano man yang pinaplano mo, mas maganda kung wag mo nalang ituloy."
Tinignan ko siya ng masinsinan. Sino ba tong tao na 'to para pagsabihan ako? At paano naman niya nalaman na may pinaplano ako? "Ano naman sa'yo kung ituloy ko ang plano ko?"
"Hmm.... Distraction? Not only at myself but think about in the whole area of this school."
Napataas ako ng isang kilay. Nakakailang taas na ba ako? "So?"
"So? Nice question. Malaki ang magiging epekto ng pinaplano mo sa buong eskwelahan. First, balak mong patayin ang principal. Tingin mo ba magiging maganda ang resulta nun?"
"At bakit naman hindi?" pagtataray ko.
Umiling iling siya. "Masyado kang nadadala ng emosyon. Look. Pag pinatay mo ang principal, sino na lang ang magsisilbing pinakamataas na guro dito? I mean, possible na gugulo ang lahat dahil sa mawawalan ng pinuno. Katulad na lang ng world war 1."
-_______- "Edi maghahanap ng bagong pinuno."
"Hindi ganun kadali yun."
"Teka, ano bang pakielam mo sa pinaplano ko? Wala pa nga akong nabubuong eksaktong plano humihirit ka na. -_-"
"Ay ganun ba? Hahahha! Pasensya na."
Pabibo to eh noh. Nakakainis. Ang ingay. Palatanong. Curious sa mga bagay bagay. Psh! "Siguro naman balak mo ng bumalik sa principal office? Kasi kung tutuusin, bawal ang taong pagala gala ngayon."
"Pwede kaya." Mapang asar niya akong tinignan. "Pwede kapag may kasama kang officer."
"Hindi ako isang officer."
"Weh? Officer ka kaya."
"Seiously? Ako? Officer? Nabuking mo na nga ako diba? So I'm no longer to be an officer anymore."
Wait. Ano na naman ba itong pinagsasabi ko? "Nabuking lang kita hindi ka na officer agad. You're still Andrea in this way."
Napairap ako. Parang kanina lang pinagsisiksikan niya sakin na hindi ako si Andrea tapos ngayon officer na ako? Gulo rin nito. "Kumain ka na ba?"
"Wala ka na dun."
"Tara, kain tayo. My treat."
Ugh. Ano pa ba ang hanap ng lalaki na 'to? Pagkain? Kung tutuusin nailibot na naman ang buong eskwelahan na ito at tingin ko hindi na niya ako kailangan pa para lamang makapunta sa Kantina. "Teka, saan ka pupunta? Uy! Hintay naman oh!"
Bahala ka! Psh! Dapat sa'yo iniiwan mag isa eh! Ang ingay. Isa kang sagabal sa plano ko. "Alam mo ba na hindi maganda sa isang babae ang nagwawalk out ng nakakunot ang noo?"
Agad akong napaisip at pinakiramdaman ang aking noo. Unti unting nawawala ang pagkakunot nito. "Good. Tara na sa Canteen."
Bigla na lamang nag iba ang direksyon ng nilalakaran ko nang hatakin niya ako papunta ngang canteen. Aba't?! Ayoko na nga siyang makasama eh!
"Pasensya na pero hindi maaaring kumain ang ordinaryong estudyante sa ganitong oras." saad ng isa sa tatlong black men na nagbabantay sa pinto ng canteen. Napangisi ako. Ano na lang kaya ang magagawa ng isang 'to?
"Mukha ba akong ordinaryo?"
Nalukot na lamang ang mukha ng isa sa mga black men na kaharap namin. "Hindi niyo ba ako namumukaan? Ako ang nagkakaisang anak ni Madam Principal."
BINABASA MO ANG
Their Name. (COMPLETED)
Teen FictionIsang paaralan na kinikilala ng lahat. Subalit sa likod pala nito, may tinatagong lihim na hindi kayang maibunyag. Isang babae ang pumasok sa kinilalang paaralan. Mababago kaya ang buhay niya ng lubusan? Kung ang nakikita at napapansin niya pala...