Chapter 9: The competition

63 4 0
                                    

Prudence.

"Tss. Slow. To be specific, may tagos ka."

0_______0?!

Dahan dahan kong nilingon ang sarili at tinignan ang bandang likod nitong leggings ko kung saan ay sinasabi ni Ken na may tagos daw ako.

Pagtingin ko, wala. Wala naman akong nakitang tagos kasi kulay itim na leggings naman ang suot ko. Kung wala akong makitang tagos, paano naman nasabi ni Ken na may tagos ako?

Tinignan ko siya nang mapansin kong nagpipigil siya ng tawa.

Eh?

"It looks like you're in a mystery movie that you don't know who's killer or not. How's my fraud?"

-______________-

"You know what, hindi nakakatawa." say ko sabay irap sakanya't umalis.

Nakakainit na talaga ng dugo itong lalaki na to. Ugh.

Pumila na kami sa cashier. Nakacross arms lang ako habang naghihintay sa pila. Malay ko ba kung ano ang binili niya. Psh. Bahala na. Kung matalo man kami, bahala na.

***
Lunes na at dumating na ang araw ng aming laban sa pagluluto. Mabuti na lang at ang bait pala ng ate ni Ken. Yung KC? Kasi nung nag practice kami, mabuti at maaayos naman ang pagtuturo niya. Kaso patapos na sana kami nang makisala si Ken na yun kaya nasira ang lahat ng plano at nauwi sa wala ang pinambili namin. Este pinambili niya lang pala. Kaya ngayon, ewan ko na lang kung ano pa ang mangyayari sa competition na ito.

10:00 am pa naman magsisimula ang contest kaya may oras pa ako para makapaglibot. Binigyan ang lahat ng oras na makalabas ng room kahit sa ganitong oras.

Pagliko ko pababa ng hagdan, nakasalubong ko ang aming filipino teacher na may dala dalang class record at bag na naglalaman ng laptop. Nginitian ko siya at saka bumati. Syempre, kusa na rin akong tumulong sa pagbubuhat nang tanggihan niya ang alok kong pagtulong sakanya. "Ikaw si Prudence, hindi ba?"

Mabilisan akong tumango. "Bakit po?"

"Total ako naman ang teacher niyo sa oras na 'to, maaari bang humingi ng isang pabor sa'yo?"

"Po? Oo naman po. Wala po tayong problema dun. Ano po ba iyon?"

"Yung isa ko pa kasi na estudyante, si Althea. Kailangan ko siya ng ganitong oras. Maaari mo ba siyang hanapin at dalhin sakin ngayon?"

Napakunot ako ng noo. Si Althea? Saan ko naman siya mahahanap? "Sa pagkakaalam ko nasa bandang pool siya ngayon. Maaari bang silipin mo ang lugar na iyon para nagbabakasakaling nandun siya? Kailangan kasi talaga nak eh."

Ngumiti ako ng pilit. Ano naman kaya ang ginagawa ni Althea dun? "Sige po ma'am."

"Salamat, Prudence. Goodluck na rin sa laban niyo mamaya."

"Salamat po, ma'am."

Di rin nagtagal, aking tinungo ang sinabing lugar ng aming guro sa filipino. Hindi ko masyadong madetermine kung siya ba itong nakikita ko na nakaupo malapit sa pool at nakatalikod pa sakin. Kaya para makasiguro, lumapit ako sakanya at tumabi ng pagkakaupo. Ito na nga ata si Althea.

"H-Hi Althea, anong ginagawa mo dito?" wala naman sigurong masama kung kausapin muna siya hindi ba? Baka may problema kasi. "Anong ginagawa mo dito? Umalis ka na!"

"Ahmm... Althea----"

"Sinabi ko na ngang alis sabi eh!"

Tumayo siya at lumayo sakin. Tumayo rin ako at lumapit sakanya. "Althea---"

Their Name. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon