Prudence.
Eksaktong alas otso na ng gabi subalit patuloy pa rin ako sa pagmomop ng sahig. Kaming dalawa na lang ang natitira dito sapagkat maagang umalis si Faith samantalang si Manager Tin naman ay lumabas saglit.
Sa sobrang dami ng costumer kanina tila ngayon lang ako nagkaroon ng oras para maglinis. Ang kalat at ang dumi pa ng sahig. Tsk tsk. Ayos na iyon kaysa naman ang mawalan kami ng costumer. Kaso hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ng lalaki na ito kanina. Hindi ko siya maintindihan. Nilista ang whole name nung babae kahit wala sa loob ng school? Tapos ang mas masaklap pa ay ginawa niya pa talaga iyon kahit na suspended ang klase dahil sa kagustuhan niya lamang na gawin ang bagay na iyon. Psh. Ang weird.
"Talaga bang napaka iresponsable ng mga trabahador dito para iwan kang mag isa na naglilinis?"
Huminto ako sa pagmomop at napatingin sa lalaking nakaupo't nagbabasa ng dyaryo na hindi naman kalayuan sakin. Kung saan siya nakaupo kanina, duon pa rin siya nakaupo hanggang ngayon. "Hindi sila iresponsable. Sadyang kailangan lang nilang umuwi ng maaga."
Tumingin siya sa wrist watch niya. "Well, hindi ba nila naisip na kailangan mo na ring umuwi ng maaga?"
"Ako? Uuwi ng maaga?" natatawa kong tinuro ang sarili ko. "Wala naman akong pupuntahan ah? At saka nagpaalam ako kay Hallie na gagabihin ako ngayong araw."
"Kahit na. Ang mga trabahador, ay may hangganan ang oras nila sa pagtatrabaho." ibinaba niya ang binabasa niyang dyaryo. "Paano pa kaya pag mga parttimers? Tss."
"Oh ano ngayon kung mag eextend ako? Eh gusto ko eh. Kung gusto mo ng umuwi, umuwi ka na. Hindi ko naman sinabi na hintayin mo ko dito." say ko at inirapan siya.
Tumayo siya. Nagtataka ko siyang tinignan nang lumapit sakin. "Anong gagawin mo?" tanong ko nang bigla niyang kunin sakin ang mop na hawak ko.
"Ako na. Hindi bagay sa'yo na gawin mo ang bagay na'to."
A-ano daw?
Hinawakan ko ang mop at pilit na hinihila ito sakanya. "No. Trabaho ko 'to."
"Seriously? Isang babae ang nagmomop? No. Ako na." inagaw niya sakin ang mop subalit hindi ko ito binitawan.
"Hindi. Ako na. Nagtatrabaho ako dito at binabayaran ako kapalit ng pagtatrabaho ko. Okay?" like what he did, ganun rin ang ginawa ko.
"No. Ayokong makakita ng babae na nagmomop." agaw muli sakin ng mop. Para kaming tanga na naghihilaan dito.
"Hindi na nga sabi eh! Ayos lang naman sakin."
"Kahit na. Babae ka pa rin."
"So? Porket ba lalaki dapat sila lang ang may karapatan magmop? Akin na nga!"
Takte. Ang lakas naman ng lalaki na'to. Ang hirap agawin sa kamay niya yung mop oh! "Just leave it to me. Hindi pa rin nababagay na magmop ang isang babae."
"Ayoko nga sabi eh! Bitiwan mo na nga!"
Ilang beses ko na bang inaagaw ang mop na ito sakanya? Halos naibigay ko na nga ata ang buo kong pwersa eh. "Tss. Stubborn."
"Ano ba?! Bitawan mo na nga! Maglilinis na ako oh!" hila hila ko pa rin ang hawakan ng mop at pilit iyon na inaalis sa kamay niya.
"Okay." then binitawan na niya.
0_0
Sa sobrang lakas ng pwersa sa paghihila ko ay naramdaman ko nalang ang sarili na babagsak. Subalit bago pa man mangyari ang bagay na iyon ay agad niyang hinawakan ang handle ng mop at inilapit iyon sakanya.
BINABASA MO ANG
Their Name. (COMPLETED)
Teen FictionIsang paaralan na kinikilala ng lahat. Subalit sa likod pala nito, may tinatagong lihim na hindi kayang maibunyag. Isang babae ang pumasok sa kinilalang paaralan. Mababago kaya ang buhay niya ng lubusan? Kung ang nakikita at napapansin niya pala...