Prudence.
Pagkaalis na pagkaalis ko, tinungo ko ang aking silid at walang ganang binuksan ang pinto. Napatingin ako sa doorknob na kanina ko pa pinipihit at hinahatak. Sarado na naman. Sinadya talaga ng principal na iyon na wag kalimutang isara ang mga pinto kada silid para sa party.
Napangisi ako. Party. Bukas na ang Dark Month o ang patayan na magaganap tapos nagagawa pa nilang magparty. Hanep din ang eskwelahan na 'to.
Walang emosyon kong tinitigan ang lahat na nagsasaya sa party. After ng ilang araw, tila ngayon lang muli nila natikman ang alak, magsuot ng magagandang damit at magsaya. Ngayon. Ngayon ko palang nakikita ang mga estudyante na masaya. Siguro sinusulit na nila ang natitirang araw ng kanilang buhay o di kaya naman ay napipilitan lang silang magsaya.
"Ikaw lang ang wala sa party. Bakit hindi mo subukan na makihalo bilo?" hindi na ako nag abala pang lingunin ang nagsalita dahil kilala ko naman na kung sino ang babae na 'to. "Ayaw mo ba munang tumikim ng mga nagsisitamisang mga alak? Baka ito na ang una mong tikim at huli na din."
"Wag mong pangunahan ang mangyayari, Andrea. Dahil miski ikaw, naguguluhan din."
Napairap siya ng mga mata sabay tawa ng sarkastiko. Alam kong iyan ang palaging ekspresyon niya. Sadyang nagmumukha lang siyang magaling sa harap ng iba. "Wow. Isa ka rin ba kina Ken na nag iimbestiga?"
"Sila nga ba ang nag iimbestiga? O ikaw?"
Lumapit ito lalo sakin at pinakielaman ang ibaba kong buhok. "Alam mo, hindi maganda sa isang ordinaryong estudyante ang sumagot ng pabalang sa mga nakakataas."
"Then wag kang kumausap ng mga ordinaryong estudyante kung ayaw mong nababara." matapang kong sabi.
Hindi ko na nararamdaman pang kinakalikot niya ang buhok ko. Dahil sa tingin ko, ay mahigpit na niya itong hawak. "Alam mo ba kung ano ang tunay na Dark Month?"
Napangisi ako. "Sa isang tulad mo, hindi ko na kailangan pang malaman ang tungkol dyan."
This time, siya naman ang napangisi. "Talaga lang ah? Eh kung ipatikim ko kaya sa'yo ngayon din ang dark month?"
Natawa ako ng mahina. "Nasasabik ka na bang pumatay? Then go. Hindi kita hahadlangan."
Ibinaba na niya ang kamay niya mula sa aking buhok. "Ang ganda pala ng mga buhok mo. Parang ang sarap walain." Nagfade bigla ang aking ngisi at sineryoso na ang tingin sa harap. "Pero wag kang mag alala, lalaban naman ako ng patas. Kaya bukas mismo, hindi ako magdadalawang isipin na ipakita sa'yo ang tunay na ako."
Hindi ako sumagot. Nanatili lang ang aking tingin sa party na nagaganap. Pansin ko kasing may iba ng nahihimatay habang sumasayaw. Kanina hindi pa iyon napapansin ng mga estudyante dahil sa iilan pa lamang sila, pero nang dumami na ay unti unti na nila itong napapansin hanggang sa kusang namatay na lamang ang malakas na tugtog. Dahilan na rin ng paghinto nila sa pagsasayaw. "Mapagmatyag ka rin pala." then tumawa siya ng sarkastiko ulit. "Gusto mong tumulong? Tulungan na gisingin sila?"
Naiyukom ko ang aking mga kamao. Hindi tama 'to. Pinaglalaruan na naman nila ang mga estudyante. "Malaking tulong na rin ang Dark Month para sa'yo. Dahil ikaw na lang ang bukod tanging walang alam sa lahat."
"Ako nga lang ba?" Binigyan ko siya ng matalim na tingin. "O pati ikaw? Kunwari ka lang naman na may alam hindi ba?"
Nginitian niya ako. Sa ngiti niyang iyon ay alam kong may tinatago iyon na hindi magandang plano. "Dahil simula na rin naman bukas, bibigyan kita ng isang bonus na kaalaman."
BINABASA MO ANG
Their Name. (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsIsang paaralan na kinikilala ng lahat. Subalit sa likod pala nito, may tinatagong lihim na hindi kayang maibunyag. Isang babae ang pumasok sa kinilalang paaralan. Mababago kaya ang buhay niya ng lubusan? Kung ang nakikita at napapansin niya pala...