Chapter 17: His treat

54 5 0
                                    

Prudence.

Kasalukuyang nasa court ako kung saan ay inaanyayahan ang lahat ng presidente na ito na manuod. Wala akong magawa dahil sa hila hila niya ako papunta dito tapos ngayon ay wala na siya sa tabi ko.

Marami ring estudyante ang nakapalibot at tila hinihintay na lamang na magsimula ang laro. May hawak ang mga babae na bote na may lamang toyo at ganun rin ang mga kalalakihan subalit ketchup naman. Ako ang nanghihinayang sa suot nila. Nakauniform at sobrang puti pa. Paniguradong mahihirapan silang tanggalin ang mga iyan dahil magiging mantsa.

"Start!" sigaw ng isa sa mga kalalakihan at agad na sumugod ang mga ito papunta sa direksyon ng mga babae.

Hindi rin naman nagpatalo ang mga kababaihan at ganun rin ang kanilang ginawa. Napasapok ako sa noo nang maalala ko ang scene na ito sa napanuod kong gyera noong bata pa ako. Siguro ang pinagkaiba ay ang mga ginamit na sandata. Ang astig sana kung mga espada o spear ang ginamit. Pero ketchup at toyo? Nakakadiring tignan.

Natapos na ang laban at masasabi kong nakakadiri talaga ang labanan. Kung ibang mga estudyante na kasama ko ngayon ay naaastigan, pwes ako nasusuka na sa kanilang lahat.

"That's all your fault, bitch."

Kunot noo kong inilingon ang ulo sa nagsalita. Hindi siya familiar sakin kaya hindi ko masyadong masigurado kung ako ba ang tinutukoy niya. "Hindi sila dapat na mapaparusahan kung hindi dahil sa'yo."

Hindi ko na nakayanan pa ang pinagsasabi niya kaya nagsalita na rin ako. "Ako po ba ang tinutukoy niyo?"

"Malamang," insulto itong tumawa. "Hindi naman dapat na mapupunta sa ganyang sitwasyon si ate kung hindi dahil sa'yo."

"P-paano mo naman n-nasabi?"

"Hindi pa ba halata? Ikaw lang ang hindi kasama sa laban. Kaya malamang dahil sa'yo kaya sila nagkakaganyan."

Ibinaling ko ang tingin sa harap. Pagod na pagod na sila at halatang hingal na hingal pa. Kahit papaano'y nakakaramdam ako ng awa sakanila.

"Wag mo silang kaawaan, bitch. Ikaw ang may gusto niyan kaya bakit ka maaawa?" iniyuko ko ang aking ulo. Kasalanan ko naman talaga. Kung hindi dahil sakin, hindi sila mapupunta sa sitwasyon na 'yan. "At napakawalang kwenta mo naman na nakakayanan mong panuorin lang ang mga kaklase mong nag aaway away para lang masunod ang punishment."

"Ano bang gusto mong sabihin?!"

Hindi ko na talaga napigilan pa kaya inis ko ng sinabi iyon sakanya. This time tumingin na siya sakin na may kasamang masama na titig. "Na ang bobo mo. Ang hina mo. Sa lahat ng taong nakita ko, ikaw na ang pinakamahina."

Iniyukom ko ang aking kamao. Ganun na ba talaga ako kahina? Nahahalata na nga ba talaga ang kahinaan ko?

"Huhulaan ko, kaya ka iniwan ng ex mong si Oliver ay dahil sa kahinaan na meron ka. Hindi mo kasi siya kayang ipaglaban kaya iniwan ka niya."

Hindi mo kasi siya kayang ipaglaban kaya iniwan ka niya.

Wow. As in wow. May alam ba ang babae na ito sa pinagsasabi niya?

"Ang daling sabihin pero mahirap gawin." sa lahat ng pwede kong sabihin tanging yan lang ang lumabas sa bibig ko.

Ayoko siyang siraan hindi dahil sa mahal ko siya. Ayoko siyang siraan para malaman niyang wala na akong pake sa kanya.

"Walang mahirap, Prudence. Sadyang nahihirapan ka lang kasi mahina ka."

Sinamaan ko ito ng tingin. Hindi na ako magtataka pa kung paano niya nalaman ang pangalan ko. "Saang impormasyon mo ba 'yan nakuha?" halos nakangisi kong sabi sakanya. "Kasi sa lahat ng narinig ko, iyan ang nakakatawa."

Their Name. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon