Prudence.
"B-bakit naman po?"
"Kasi ang babaeng tinutukoy mo ay ang aking apo na namatay 3 years ago. At kasama ko rin siya ngayon."
0_0?!
"Hahahahaha! Joke lang apo. Eto naman."
Napahawak ako saaking dibdib at nakahinga rin ng maluwag sa wakas. Pwew. Akala ko naman totoo na. Pero di nga? Apo niya iyon?
"Apo niyo po talaga siya, ma'am?"
"Wag mo na akong tawaging ma'am. Lola G nalang para mas maganda."
Lola G? Aba, may superpowers to. XD
"Ahm. Lola G, apo niyo po talaga ang babaeng namatay dito past three years ago?"
Mapait itong ngumiti. Tumango tango siya.
"Ang pangalan niya ay Jill. Mabait siyang apo at maalaga. Kaso dahil sa depression, nagpakamatay siya. Tumalon siya mula pinatuktok ng hospital at iyon ang dahilan ng kanyang pagkamatay."
Jill. Dahil sa depression naisipan niyang magpakamatay? Alam niya ba na hindi solusyon ang magpakamatay para makawala sa depression?
"At ang balitang namatay ang halos lahat ng trabahador sa hospital na nakatayo dito dati, iyon ay totoo pero nangyari iyon dahil sa sakit na kumalat. May isang lalaking nakapasok dito na may dalang nakakahawang sakit at iyon ang naging sanhi."
"Ibig sabihin po ba ay wala po talagang nagmumulto dito?"
Umiling iling siya. "Wala hija. Kailanman ay hinahangad kong magparamdam sakin ang aking apo subalit hindi ko man lang nararamdaman ang kanyang presensya. Hindi totoo ang sabi sabi na iyon."
Haaaaaay. Buti na lang at nalaman ko rin. Atleast unti unti ng nawawala ang takot na nararamdaman ko. Tumingin ako sa taong katabi ko. Nakatitig lang ang tingin niya sa ibaba. "Pssst. Magsalit ka naman."
Bumalik siya sa kanyang katinuan kaya napakurapkurap siya't napatingin kay lola G. "I think we need to go, ma'am. Goodbye."
And then hinila na niya ako paalis nitong building nang hindi pa man lang ako nakapagsasalita. Magbababay palang ako eh. T^T
***
"Piste! Talaga bang dito ka matutulog?!" sigaw ko sabay bato ng unan sakanya.
Dahil sa pisteng game na 'yan, magkasama kami ngayon sa kwarto na ito. Ito yung kwarto ni Hallie kaya nakakahiya talaga na sa kabilang kwarto pa siya natulog kasama si Vince.
Sinalo niya ang unan na binato ko. Nakaupo kasi siya sa couch nitong kwarto. Dyan siya mismo matutulog.
"Yeah. For the sake of the game."
"What?! Bakit niyo ba kasi naisipan na maglaro ng ganitong laro ah?!"
Nakakabanas. Hindi sana mangyayari ang bagay na ito kung hindi dahil sa pisteng laro na 'yan! Pati yung sa trabaho ko kanina plus sa haunted building na iyon na hotel pala.
"Because I'm bored," tila inaantok niyang sagot. "And also I want. Can I sleep now?"
Napairap ako. Imbis na sagutin ko siya ay humiga na lang ako sa malabot na kama. Tumalikod sa pwesto niya at ipinikit ang mga mata.
0_0?!
Bumangon akong muli nang maramdaman kong namatay ang ilaw. Tae. Ayoko ng ganito. Takot ako sa dilim!
BINABASA MO ANG
Their Name. (COMPLETED)
Novela JuvenilIsang paaralan na kinikilala ng lahat. Subalit sa likod pala nito, may tinatagong lihim na hindi kayang maibunyag. Isang babae ang pumasok sa kinilalang paaralan. Mababago kaya ang buhay niya ng lubusan? Kung ang nakikita at napapansin niya pala...