Prudence.
"Bessy, sigurado ka bang bagay ito sakin? Hindi ako sanay eh."
"Hahaha! Pasensya na bessy, mahilig kasi ako sa maiiksing shorts eh. Bagay naman ah?"
"Sigurado ka?"
Energetic siyang tumango. "Bagay na bagay!"
Ibinaba ko ulit ang tingin sa suot suot ko. Plain white t shirt and then maiksing black short. Hindi naman ganun kaiksi kundi sakto lang. Sadyang hindi lang talaga ako sanay na magsuot ng ganito.
"Bessy, anong oras na?"
Tumingin siya sa suot suot niyang wrist watch. "Malapit na mag 10 bessy. Tara, baba na tayo."
Hmmm. Maaga palang pala. Akala ko maghahapon na. Sa tuwing titingin kasi ako sa bintana ang kulimlim eh. Wala talagang balak na tumigil ang ulan.
Pagbaba namin, sinalubong kami ng dalawang boys na parehong nakakunot ang noo. Nakatayo sila sa pinakababa ng hagdan at nakapamulsang nakaharap samin.
"Bakit kaya umaabot ng isang oras ang mga babae sa pagligo't pag aayos?" malatanong na reklamo ni Vince.
Napakamot pa siya sa ulo nang mapansin na sinamaan siya ng tingin ni Bessy.
"Bakit ka nakasuot ng ganyan?" nagtatakang tanong sakin ni Ken. Nakakunot lang siya at wala talaga silang balak na umalis kaya tila napako kami dito sa kinatatayuan namin.
"Cause I want." sagot ko.
Binabalik ko lang naman ang pagsagot niya sakin ng ganyan. He chuckled. "Okay. Fine."
Napapailing iling pa siya habang sinasabi yan. Umalis na ang dalawa sa pagkakaharang at sabay na umupo sa upuan. Hindi naman siguro sila mahilig sa isa't isa noh? Kanina pa magkatabi eh.
Sabay rin kaming umupo sa harap nila.
Tinitigan namin ang isa't isa na para bang kusang nag uusap ang mga mata namin. "What's with that look? It's irratating me."
Napairap ako. "Ikaw lang ba? Tch."
"Bakit ba kasi ang manhid niyong mga babae? Kitang naghihintay kami ng makakain oh."
"Wow! Nagsalita ang hinayupak! Eh kung isubsob ko kaya yang mukha mo sa kawali nang ikaw ang kainin namin!" singhal sakanya ni Hallie. Mukhang magsisimula na naman na magbangayan ang dalawa.
Biglang tumayo si Ken sa kanyang upuan. As usual, nakapoker face pa rin siyang naglakad paalis. "Let's cook, Prudence." saad niya bago pa man siya tuluyan na umalis.
Tinuro ko ang aking sarili. Pero useless dahil sa nilagpasan niya lang ako. "Bakit ako?" tanong ko subalit wala na akong narinig na sagot pa sakanya.
Naramdaman ko na lang na siniko ako ni bessy sa braso. Mahina lang naman ang pagsiko niyang yun. "Sundan mo nalang bessy. Baka matalo kayo eh."
"Matalo? Saan?"
"Sa game," mahinahon na saad niya sabay tingin ng masama kay Vince. "May pinaplano kasi ako bessy pag kami ang natalo. Kasi alam mo na, mukhang may magugulpi na naman ako ng wala sa oras."
Dahan dahan kong ibinaling ang tingin sa harap ni bessy. Kita ko ang pagkamot sa ulo ni Vince at pagtakip sa mukha niya pagkatapos.
Tumango tango na lang ako at tumayo na rin sa pagkakaupo. Pumunta akong kusina kung saan duon pumunta si Ken.
"Ang tagal mo." bungad niya sakin pagkarating na pagkarating ko.
Nakahanda na ang kawali at ang kaldero sa flat na kalan. Ulit? Tapos may inilabas siyang bagay sa ref na malapit lamang sa kinatatayuan ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Their Name. (COMPLETED)
Teen FictionIsang paaralan na kinikilala ng lahat. Subalit sa likod pala nito, may tinatagong lihim na hindi kayang maibunyag. Isang babae ang pumasok sa kinilalang paaralan. Mababago kaya ang buhay niya ng lubusan? Kung ang nakikita at napapansin niya pala...