Chapter 26: It's not funny

54 5 0
                                    

Prudence.

Nanginginig kong kinuskos ang aking mga palad. Pagnag init na ang palad ko ay ididikit ko iyon saaking pisngi para mabawasan ang lamig. Lokong Ken talaga yun. Sa tagal naming nakababad sa dagat na ay naabutan tuloy kami ng ulan.

Dumating siya dito sa sala na may dalang dalawang baso. Nilagay niya sa katapat kong mesa ang isang baso. Kinuha ko naman iyon at tinignan. Gatas? "Ken the president, bakit gatas?"

"Para healthy," sagot niya at saka uminom. "Eh ano yung sa'yo? Ano naman ang iniinom mo?"

"Same." Inilapag niya ang baso sa mesang katapat niya. "Imagine, kahit nakakumot ka na nilalamig ka pa rin."

"Eh sa ang lamig eh!"

Kung hindi mo sana ako dinala sa kulay asul na dagat na iyon ay hindi sana ako magkakaganito. Tapos dagdagan pa ng malakas na ulan. "Sorry."

Natigilan ako saaking ginagawa at gulat na napatingin sakanya. "Saan?"

"As a result of what I did. For forcing you to go to the deep sea."

Eh? "Wala yun. Tsk. Ang babaw naman neto."

Inubos ko na ang gatas na tinimpla niya. Ang sarap pala.

*BLAG*

Sabay kami na napatingin sa pinto. Err. Ako lang pala. 0_0?! Hallie?! Tama ba itong nakikita ko?! Si Hallie nandidito tapos may dala ring bag?! "Hi guys!" lumapit ito sa pwesto ko pero bago pa man siya makalapit ay binato niya ang bag niya kay Ken kaya balik poker face ang mukha niya ulit.

"Hi bessy! I miss you!" niyakap niya ako ng mahigpit kaya niyakap ko rin siya pabalik. Naku. Halatang sumulong sa ulan. Basang basa oh. "Bessy, anong ginagawa mo rito?"

"Ayt. Ayaw mo ba akong makita?" kumalas siya sa pagkakayakap. Bigla siyang nagpout sa harap ko. "Syempre hindi. Nagtatanong lang naman."

Bumalik muli ang ngiti sa kanyang labi. "Para makita ka. Of course, para masiguradong ayos ka lang dito. Wala kasi akong tiwala sa iba jan eh!" pagpaparinig niya kay Ken. Kusa naman na umalis si Ken dito sa sala. Eh?

Umupo siya sa tabi ko. Malawak naman itong inuupuan ko eh. "So bessy, kamusta ka naman rito?"

Ngumiti ako sakanya. "Ayos naman. Ang ganda nga eh."

"Kyaaaah! Sinabi mo pa bessy! Alam mo bago kami makarating dito, pumunta muna kami ni Vince sa mambukal resort! Tapos ang gandaaaaaa!!! Yung sulfur chubaness ba yun? Kyaaah!"

Napakunot ako ng noo sa narinig. Vince? "Si Vince? Kasama mo bessy?"

Nakangiti siyang tumango. Kasabay naman nun ang pagbukas pa muli ng pinto. Iniluwa nun si Vince na may dala dalang tatlong bag na halatang mabibigat pa. Pawis na pawis siya at halatang pagod. Plus basang basa pa siya. Pawis ba yun o tubig galing sa ulan? "Jusko naman Hallie! Balak mo ba akong patayin?!" reklamo nito.

"Speaking of," maarte na bigkas ni bessy sabay tingin sa pagod na si Vince.

Nasa pintuan pa lang siya nang ibagsak na niya ang tatlong bag sabay diretso papuntang kusina. Hindi rin naman nagtagal ay bumalik rin siya dito sa sala. "Badtrip!" inis na bigkas nito at pabagsak na umupo sa inupuan kanina ni Ken.

"Hey fafa Vince, hindi ka dapat napapagod. Akala ko ba vegetarian ka tapos nag gy-gym ka pa? Dapat nga'y malakas ka pa rin hanggang ngayon eh." -bessy.

"Eh ikaw kaya ang magdala ng tatlong bag na mabibigat mula mambukal resort hanggang dito?!"

0_0 Teka, nilakad lang nila ang papunta dito? "Bessy, nilakad niyo lang mula mambukal resort papunta dito?"

Their Name. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon