Chapter 23: Bangungot

65 4 0
                                    

Prudence.

Kinabukasan, nadatnan ko na lang ang sarili ko na nasa kalagitnan ng squatter area kung saan ay nasa dati namin na tirahan. Mga nagdidikitang mga bahay ang nakapalibot sakin at pagtingin ko sa paligid ay halos walang tao.

Ang bilis naman na nakarating na agad kami ng Manila tapos dito pa mismo sa tirahan namin na nasunog na. Teka, nasunog na? Eh bakit pa ako nandidito? Ano naman ang ginagawa ko dito?

Lakas loob kong pinasok ang maliit na espasyo ng daan patungo sa aming bahay. Subalit hindi pa man ako nakakalayo sa dating tinatayuan ko kanina nang may umagawa sa aking atensyon na huminto.

Nagkukumpulang mga tao. Lahat sila ay nakatalikod sakin. Tila ba nakatingin silang lahat sa isang daan na hindi ko man lang nakikita.

Dahil sa kuryosidad, nilapitan ko ang nagkukumpulan na iyon. Dahan dahan kong nilakad ang kinaroroonan nilang lahat. Para namang mga robot na kusang gumilid ang lahat kahit pa man ay nakatalikod sila sakin. Tila binibigyan nila ako ng espasyo para makita ang pinagkakatinginan nilang lahat.

Narating ko na ang pinakaunahan kung saan ay malinaw na nakikita ko ang nangyayari. Kunot noo kong tinignan ang isang lalaking payat na kulay itim ang balat tapos ay nakashorts lamang habang ang kamay nito ay nakaposas sa likod. May kasama siyang dalawang pulis na ang isa ay nasa likod niya hawak hawak ang kamay samantalang ang isa naman ay may hawak na baril na nakatutok sa ulo niya.

Hinahayaan ko lang na manuod ang sarili sa eksena. Naguguluhan ako sa nangyayari lalo na't hindi ko alam kung paano ako nakarating dito.

Kusa akong tumakbo. Pinilit kong makipaggitgitan sa makapal na taong nakaharang sa harapan ko para lang hindi ko na makita pa ang susunod na mangyayari. Nang makita kong kinasa ang baril, dun ko lamang naisipan na tumakbo.

At nasa ganitong kinalalagyan pa rin ako nang biglang tumunog ang pagputok ng baril. Tatlo iyon at hindi ako pwedeng magkamali. Hanggang sa naramdaman ko na lang na ang makapal na taong ginigitgitan ko kanina ay biglang nawala. Lahat sila ay nawala. At namalayan ko na lang ang sarili na tumatakbo dahil sa kadahilanang hinahabol ako ng lalaking may dalang itak.

Ang lalaking kasalukuyang humahabol sakin ay ang lalaking nasaksihan kong nakaposas at tinutukan ng baril. At ngayon ay nanlilisik ang mga mata nito sakin habang tumatakbo ng mabilis kasama ang hawak niyang matalim na itak.

Kinakahabahan, pinagpapawisan at hinihingal ang nararamdaman ko habang tumatakbo. At may nararamdaman rin akong takot dahil ilang agwat na lang ay maaabutan na niya ako.

Dali dali akong pumasok ng bahay at isinarado ang pinto. Pagkatapos ay umakyat ako kung saan ay nakasalubong ko ang dalawa kong kuya na nag aalalang nakatitig sakin. "May hindi magandang nangyari." saad ni Kuya Private saka hinila ang wrist ko papasok ng aking kwarto. Sumunod naman si Kuya Prince sa loob at isinarado ito.

"Anong nangyari, Prudence?" matalim na tanong sakin ni kuya Prince. Umupo ako sa kama habang  napasabunot ako sa aking buhok. Nakatayo lamang silang dalawa saaking harapan. Pareho na ang kamay ay nakasuksok sa bulsa. "K-kuya," gusto ko man sabihin pero naguguluhan ako. Hindi ko maipaliwanag ng maayos at hindi ko alam kung saan ko man sisimulan.

Umupo sa harap ko silang dalawa. "Tell to us, Prudence." kinuha ni kuya Prince ang kamay kong nakahawak saaking buhok ay hinawakan iyon. "Sabihin mo samin nang masolusyunan namin ang problema."

"Nandidito kami para sa'yo, Prudence."

Kahit papa'no ay unti unti na gumagaan ang loob ko sa sinasabi ng mga kuya ko. Siguro dapat ko ngang sabihin sakanila. "K-kuya.."

Their Name. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon