Prudence.
Walang emosyon, diretso ang tingin ngunit may halong masamang titig kung ilalarawan ang aking mukha. Subalit walang sinuman ang makakakita ng kabuuhan nito dahil sa nakasuot ako ng kulay itim na mask na siyang pumoprotekta sakin sa kapahamakan.
Kasalukuyang nasa covered court ang lahat at nakikinig na naman sa walang kwentang announcement ng principal. Sa totoo lang, kanina pa ako naiinip na patayin siya.
Natapos na ang kanyang announcement and she's looks like practically useless in my eyes. Saying nonsense again therefore no one can participate to listen.
Mabilis akong naglakad papalapit sakanya nang makababa siya ng stage. Kusa naman na humarang ang pitong body guard para pigilan ako. Huminto siya sa aking harapan at taas noo kong hinarap. "Anong kailangan mo?"
Hindi ko siya sinagot. Pilit kong ipinagsiksikan ang sarili para tuluyang makalapit sakanya. "Oh gross! Keep her away from me!" tila nandidiri niyang sabi.
Napangiwi ako habang masama pa rin na nakatitig sakanya. Nararamdaman ko na naman ang lagablab ng aking damdamin. Nag iinit na naman muli ang aking mga mata. "Gusto mo bang maparusahan?" ibinaba niya ang tingin saaking katawan at ibinalik iyon ng dahan dahan paitaas. "Sa katawan mong iyan hindi mo makakayanan na makalagpas."
"Huwag mo kong mamaliitin."
"Woah!" Kunwari itong nagulat at sarkastikong natawa. "Ano bang gusto mong palabasin? Na dapat ipagmalaki kita?"
"Kung iyan lang ang tangi mong kakayahan, bakit hindi mo subukan," tila mapanghamon kong sabi.
Agad na nagfade ang kanyang ngiti at napalitan iyon ng pagkaseryoso. Tinitigan niya ako ng matagal at mga ilang sandali pa ay nagcross arms siya sabay taray at tingin sa ibang direksyon. "Ilayo niyo ang babaeng nakamaskara na iyan. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko."
Nagsimula na siyang maglakad paalis at aminado akong wala man lang akong nagawa para tuluyang makalapit sakanya at saktan siya. Naiwan ang dalawang lalaking nakaitim at sapilitang inihatid ako saaking silid aralan. Wala akong magawa dahil sa lakas na taglay nila ngunit sinisigurado kong hanggang dyan na lamang ang kanilang lakas.
Lumipas pa ang ilang oras at dumating na ang recess. Maraming mga lalaking nakaitim pa rin ang nagbabantay kada classroom at bawat kilos ng estudyante ay kanilang sinusubaybayan.
Masama ko silang tinignan habang nakatingin sa iba. Iniisip at hinuhulaan ko ang susunod nilang hakbang kung sakali man na kumilos ako at aatake sakanila.
Dumiretso akong comfort room at nagstay ng matagalan sa cubicle. Nang hindi na ako makarinig pa ng pribadong pag uusap, saka lamang ako lumabas at pagharap ko sa salamin, aking napansin ang make up kit na nakapatong malapit sa hand wash.
Saglit kong tinignan ang sarili. Unti unting nabubuo ang aking plano habang nakatingin ako saaking repleksyon ng matagal. At maya maya pa ay napagpasyahan ko na ring gamitin ang bagay na ito at nagkunwaring si Andrea sa panlabas na anyo. Itinaas ko pa ang aking palda para magmukhang maiksi tulad ng kanya. Nanatili paring half mask ang aking suot subalit sa itaas na parte ng aking mukha ay may make up upang magkamukha kaming dalawa. Itinupi ko ang aking long sleeve na uniform para magmukhang ¾. At ibinuwagwag ang buhok mula sa pagkakatali. Di rin nagtagal, natapos ko na rin ang aking pagbabagong anyo. Mahigit isang subject ang aking nasayang upang makapagpalit lamang. At masasabi kong balewala na iyon para lamang makapaghiganti.
Paglabas ko ng banyo, bumungad sakin ang isang lalaking nakahalf mask din na itim at nakasuot rin ng kaparehong kulay. "Ma'am Andrea, bakit ho kayo nandidito? Hindi po ba nasa tagaytay kayo ngayon nag iisip ng plano kasama ang presidente?"
BINABASA MO ANG
Their Name. (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsIsang paaralan na kinikilala ng lahat. Subalit sa likod pala nito, may tinatagong lihim na hindi kayang maibunyag. Isang babae ang pumasok sa kinilalang paaralan. Mababago kaya ang buhay niya ng lubusan? Kung ang nakikita at napapansin niya pala...