Prudence.
Kinabukasan, nagtataka kong tinignan ang sarili sa isang human size na salamin. Wala pa rin naman nagbago pero yung tingin ko sa sarili ay agad agad na nagbago. Parang hindi ko na tuloy kilala kung sino ako.
Ibinaba ko ang tingin sa drawer na nasa tabi lamang ng salamin. Isang hakbang lamang ang ginawa ko para tuluyan na makalapit sa drawer. Dahan dahan ko iyon na binuksan at isang kutsilyo na may bahid pa ng dugo ang sumalubong sakin. Medyo matagal rin ang inalaan kong oras sa pagtitig.
Mula sa isang gabi na iyon, ay hindi ko man lang naisipan na linisin ang kutsilyong ginamit ko. Dahil noon pa man, ay hindi ko nasisikmura na makita ang isang tao na pinapatay. Pero sa lagay ko na 'to, unti unti ko ng nasisikmura ang pumatay.
Kinuha ko ito kasabay ng pagsarado ko sa drawer. Humarap ako muli sa human size na salamin at ngayon ay bitbit ko na ang kutsilyo na ito. Itinaas ko ang kutsilyo kung saan ay kasing level ng balikat ko. Ngayon nauunawaan at nakikita ko na kung sino ako. Isa na akong mamamatay tao. At wala na rin akong pinagkaiba sa black men na pumapatay. Pero hindi sa lahat ay magkakapareho kami. Hindi pa rin maiaalis na pumatay nga ako pero may malaking dahilan ako kung bakit ko ginagawa ang bagay na 'to.
*Squuuuuuuueeeeeeeecccccckkk*
[A/N: Door is open :D]
"Hi bessy! Tara na bessy! Ka------OMYGHAD!"
Sa isang iglap, bigla kong nabitawan ang hawak hawak kong kutsilyo. Napakurap rin ang aking mga mata nang ibinaba ko ang tingin at isang kutsilyo pala talaga ang hawak hawak ko.
Dahan dahan kong itinaas ang tingin at tumingin sa pinto. Si bessy na halatang gulat ang nakita ko at maya maya pa nang may nabubuong likido sakanyang mga mata. Lagot.
"Isa ka na rin palang mamamatay tao! Akala ko kaibigan kita! Akala ko hindi ka matutulad sakanila! Nagkamali pala ako! Ngayon, hindi na tayo magkaibigan! Ay mali, hindi na pala tayo magbestfriend! Kaya simula ngayon, wag mo na akong kakausapin at susundan! Dahil nagmula sa araw na ito, isinusumpa kong naging kaibigan pa kita!"
Pabagsak niyang isinara ang pinto at tingin ko'y tumakbo pa siya palayo. Ibinalik ko ulit ang tingin sa salamin at pansin ko rin na may nabubuong likido na rin saaking mga mata.
Naiyukom ko ang aking kamao. No. Hindi. Hindi pala ako mamamatay tao. Mali. Mali itong ginagawa ko. Agad akong lumabas nitong silid at inilibot ang tingin upang hanapin si bessy. Kailangan kong sabihin at ipaliwanag sakanya ang totoo. Hindi. Mali. Kailangan kong humingi ng tawad sakanya. Bessy,
****
Recess time na at wala pa rin ako sa sarili na palibot libot dito sa campus. Nasisiraan na rin ata ako ng bait. Bukod sa di pa kumakain, wala na ring iba pa akong naiisip kundi ang pagkakamaling nagawa ko noong gabing iyon. At ang mas masakit pa, nawala na sakin ang bestfriend ko. Ang taong umiintindi sakin sa lahat ng pagkakataon."Hindi maganda sa isang babae ang nakatagilid ang ulo habang naglalakad."
Agad akong nabuhayan ng dugo sa nagsalita. Paglingon ko, si Oliver. Yung kulay puti ang buhok tapos naka half mask na kulay itim. Agad ko naman siyang sinalubong ng yakap. I guess nagulat siya sa ginawa kong iyon. "Buti nalang at dumating ka."
Ramdam ko ang pagyakap niya sakin pabalik. Lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sakanya at di na naiwasan pa ang sarili sa pag iyak. "Alam mo ba, may hindi magandang balita ako ngayon...." malungkot na tonong sabi ko.
Mariin akong napapikit. "Wala na ang bestfriend ko. Wala na ang taong iintindi sakin sa lahat ng problema. Wala ng kakausap at magpapangiti pa sakin kada araw. At wala na-----"
BINABASA MO ANG
Their Name. (COMPLETED)
Teen FictionIsang paaralan na kinikilala ng lahat. Subalit sa likod pala nito, may tinatagong lihim na hindi kayang maibunyag. Isang babae ang pumasok sa kinilalang paaralan. Mababago kaya ang buhay niya ng lubusan? Kung ang nakikita at napapansin niya pala...