Prudence.
Eksaktong 10:00 na at nandidito na ako ngayon sa loob ng musical theatre. Ang dami na ring tao sa loob. Buti na lang at sobrang lawak pala talaga nito. Pero si bessy. Asan na siya?
"Hinahanap mo si Hallie?"
Napatingin ako sa sumulpot na si Vince. "Oo. Nakita mo ba siya?" nagkibit balikat siya bilang sagot.
Umupo siya sa bakanteng upuan na katabi ko lamang. "Wag kang mag alala, aalis rin ako pagkadating niya."
"Ha?" pinagsasabi nito? "Kanina ka pa ba?"
"Hindi pa naman."
"Eh si Ken. Hindi mo ba siya hinahanap?" actually kanina pa gusto ng mga mata kong makita siya. Ewan ko ba kung bakit. "I think siya yung hinahanap nung dalawa."
"Dalawa? Sinong dalawa?"
"Hallie and Dale."
"Ah..." Bakit naman kaya hinahanap ni bessy at Dale si Ken? "Vince, hindi mo ata kasama ngayon ang girlfriend mo."
Palagi kasi silang magkasama nun pag nakikita ko silang dalawa eh. "Ah yun ba, tsk. Wala lang. And besides hindi naman kami."
Nalilito ako. Anong ibig sabihin ng hindi naman kami? "Pinsan ko siya. Kaya walang kami. Sadyang pinapalabas lang niya na kami. Bakit? Ewan ko."
Pinsan? So, wala palang word na 'sila'? Eh? Ang weird naman nung pinsan niyang 'yun. "Pero bakit hindi mo naman siya kasama ngayon?"
"Tinakasan ko siya." naguguluhan ko siyang tinignan. Nakangisi siyang tumingin sakin. "Nasa C.R. siya that time. Ang bagal niyang kumilos kaya umalis na ako dahil sa inip."
"Ano?!"
"Hinaan mo nga ang boses mo. Baka kung ano pang isipin ng mga tao dito." Ibinaling niya ang tingin sa harap. Umayos ako ng pagkakaupo. "Bakit mo naman ginawa ang bagay na 'yon, Vince?" mahinahon na tanong ko.
Nagkibit balikat siya ulit. "Dahil sa inip. Mabilis lang akong mainip, Pru pru."
Napairap ako. Kaya pala ang bilis niyang sumuko. "Alam mo Vince, baguhin mo na kaya ang ugali ng pagiging mainipin mo."
"I know," mabilisang sagot niya. "Pero mahirap gawin. Ikaw kaya. Try mong baguhin ang pagiging mabait mo at palitan ng masama."
-______-. Hindi na ako magtataka kung bakit siya ang paboritong upakan ni Bessy. "Speaking of masama, nandidito na siya."
"Si bessy?" tumayo ako bigla at inikot ang paningin sa paligid. "Hindi. Si Pres -_-."
Eksaktong pagkasabi ni Vince ay tumigil ang paningin ko sa isang direksyon. Kung saan ay naglalakad papalapit si Ken the president sa kinaroroonan namin. Masama niya akong tinitignan. "Sumama ka sakin." hindi pa man siya ganun kalapit nang sabihin niya ang salita na 'yan. At dahil sa masunurin ako, sumunod na rin ako sakanya.
Pansin kong papunta kami sa likod nitong stage ng musical theatre. Ano naman gagawin namin dun?
***
Hallie.Natapos na ang ilang performances at dumating na sa point na sina Dale na ang tutugtog. Ang band ng section nila. Hindi naman maiwasan ng iba na mapasigaw at tumili. Sino ba naman kasi ang hindi maaattract sa band nila? Puro mga gwapo.
Kanina ko pa hinahanap si bessy. Kaso wala. Psh! Kasama na ni Ken siguro. "This song, is dedicated to my lovely and kind friend sitting on the 7th row wearing the school PE uniform."
BINABASA MO ANG
Their Name. (COMPLETED)
Novela JuvenilIsang paaralan na kinikilala ng lahat. Subalit sa likod pala nito, may tinatagong lihim na hindi kayang maibunyag. Isang babae ang pumasok sa kinilalang paaralan. Mababago kaya ang buhay niya ng lubusan? Kung ang nakikita at napapansin niya pala...