Prudence.
Hindi ako makatulog >.<. Hanggang ngayon ay bumabagabag pa rin sa isipan ko ang nangyari kanina. Ewan ko. Noong una, naiinis ako sakanya. Tapos lumipas ang bawat panahon, ayos lang. May halong inis at wala. Argh!
Lumabas ako ng kwarto. Lumabas na rin ako ng bahay nang makita ko ang isang lalaki na nakaupo malapit sa dagat. Tumabi ako sakanya. "Good eve, Ken the president."
As usual, hindi man lang siya bumati pabalik. Diretso lang ang tingin niya sa dagat. Tinignan ko naman ang tinitignan niya sa bandang dagat na iyon. "Ano bang meron sa dagat para tignan mo?"
"Sea," biglaang sagot niya. Kunot noo ko siyang tinignan. "Siguro naman nararamdaman mo rin ang nararamdaman ko ngayon."
"Anong nararamdaman?"
"Sadness. Pain. And missing someone that you love."
Iniharap ko ang tingin sa dagat. Ang sarap ng simoy ng hangin. Lalo na't gabi pa. "Oo. Noon. Yung mga panahong nakipaghiwalay siya sakin."
Rinig ko naman ang pagtawa niya ng mahina. "Tss. Ang hina mo kasi."
Wait. Wait. Wait. Ano daw? Ako mahina? Parang narinig ko na rin yan sa ibang tao ah? Parang hindi lang siya ang nagsabi sakin ng bagay na iyan. Pero ugh! Ako mahina? "Edi wow! Edi kayo na yung malakas!"
So what kung mahina ako sa mga mata niyo? Magaling naman umarte.
"Tsk. Ang pagiging mahina ay hindi nangangahulugan na mahina ka physically."
Bahagya akong napalunok. "So ano ang ibig mong sabihin?"
"Na mahina ka."
-_____-. Hindi ka pa ba titigil ah? "Eh bakit ikaw, mahina ka rin naman ah? Kung tinutukoy mong mahina ako dahil nakipaghiwalay sakin si Oliver, ibig sabihin ay mahina ka rin dahil nakipaghiwalay si Andrea sa'yo!"
He chuckled. "That was my point."
Natigilan ako. Ano daw? Point? "Give me one reason kung bakit ka hiniwalayan ni Oliver."
Give me one reason kung bakit ka hiniwalayan ni Oliver. Okeh. Mag iisip na naman ako. Bakit nga ba?
"Dahil sa mahina ako?"
Yun naman siguro ang rason hindi ba? Ayoko naman sabihin na panakip butas niya lang ako dahil natatakot akong mamentiom si Andrea. Hindi na siya nagsalita pang muli. Bumalik na naman sa katahimikan.
"Ikaw. Give me also one reason kung bakit ka hiniwalayan ni Andrea."
Medyo matagal rin bago siya sumagot. "Because she loves me."
Mabilisan kong nilipat ang tingin sakanya. "H-ha?"
Tama ba ako sa narinig? O kailangan ko ng magpacheck up sa hospital?"She loves me. Kaya iniwan niya ako."
Kunwari akong napaubo. "Hoy Ken the president, sigurado ka ba jan sa sinasabi mo?"
"I'm dead serious -_-"
O-oh. Mukhang mababadtrip na naman siya nito. Ayusin mo nga ang pagtataning Prudence! "Pwedeng pakilinawan? Please? Naguguluhan ako eh."
"Do I need to explain everything?" halatang iritado niyang tanong sakin. Umiling iling naman ako. "Hindi naman sa ganun, parang buod lang."
Nanatili sa walang reaksyon ang mukha niya. Partida kahit nakatingin pa siya sa dagat alam kong nakaganyan ang mukha niya kanina pa man. "She loves me. But she left me. Like what I said, all of us have our own definition of love. And leaving someone you love for the reason of your love, is the most foolish decision I've ever heard in my entire life."
BINABASA MO ANG
Their Name. (COMPLETED)
Fiksi RemajaIsang paaralan na kinikilala ng lahat. Subalit sa likod pala nito, may tinatagong lihim na hindi kayang maibunyag. Isang babae ang pumasok sa kinilalang paaralan. Mababago kaya ang buhay niya ng lubusan? Kung ang nakikita at napapansin niya pala...