Prudence.
Kasalukuyang nasa rooftop kami ngayon na dalawa. Hindi naman ganun kainit kundi sakto lang ang sinag ng araw at samahan mo pa ng sariwa at malakas na hangin sa paligid. Nakahiga siya habang inuunan niya ang kanyang braso samantalang ako naman ay nakaupo lamang sa tabi niya.
"Hindi ba talaga tayo pupunta dun sa court? Matatalo tayo nito." saad ko kahit na hindi man lang nakatingin sakanya. Ayoko siyang tignan. Naiilang ako sa mukha niya.
"We don't have to. Andun naman si Hallie "
"A-ano?" tanong ko subalit hindi na siya nagsalita pa muli.
Si Hallie. Hindi ko man lang siya nakita kanina. Tapos andun daw siya? Eh?
Ngayon ay napatingin na ako sakanya. "Sigurado ka-----"
"Now, explain." maawtoridad niyang utos sakin at putol na niya rin sa sasabihin ko. Napaiwas tuloy ako ng tingin. "Alam mo, hindi mo na kailangan pang alamin ang nangyari kanina."
"I'm the president, and obligasyon kong malaman ang hindi ko alam."
Di wow. -_-. Porket ba president dapat alam lahat?
Paano kung dumumi ang isa kong kaklase kanina? Kailangan ko bang sabihin rin iyon sakanya?"And besides, I'm her ex. I'm a little bit concerned."
"A little bit concerned?"
"Don't change the topic." seryosong saad niya. Mahigit ilang minuto rin ang tinagal bago siya makapagsalita muli.
"Explain....." he took a deep sighed. ".....everything."
"Ano bang mangyayari kapag sinabi ko sa'yo? Ha?"
Pakielamero ba siya? Kailangan ba lahat ng bagay alam niya? Hindi siya sumagot. Huminga ako ng malalim. Sabagay, naiintindihan ko naman siya. Ex niya yun eh. At mahal niya rin yun. And besides, wala namang mawawala kung sasabihin ko sakanya ang nangyari kanina.
"Fine. Nagsabunutan kami ni Althea. Nakisali si Andrea. Then nahulog kami sa pool, nalunod siya." pagmamadali ko sa kwento.
"Sinong nanguna?
Napalunok ako. Dapat ko bang sabihin na si Althea ang nauna? "Ako."
"Liar." bumangon siya mula sa pagkakahiga. "I knew Althea."
"A-ano?"
"Pumunta ka na ng court. Panalo tayo."
Tumayo siya mula sa pagkakaupo kaya tumayo na rin ako. Tuluyan na siyang nakalabas nitong rooftop nang hindi man lang nakatingin sakin kaya lumabas na rin ako. Gaya gaya lang XD. Namalayan ko na lang ang sarili na dinala pala ako ng mga paa kong ito sa court kung saan ay naganap ang contest kanina. Kung saan rin ay nagsisigawan ang lahat sa section namin at nagsisitalon pa na mababakas mo sa mga mukha nila ang tuwa at saya. Anong meron?
Bigla akong nakaramdam ng mabigat na bagay sa balikat ko. Pagtingin ko, sinakyan na pala ako ni Hallie sa magkabila kong balikat. "Nice, Bessy! Nanalo kayo!"
"Nanalo?"
"Yup! Ang galing niyo! Pano ba yan, inuman na!"
sigaw ng isang lalaki na kapwa kaklase lang namin kaya sinuntok siya ni Hallie ng malakas sa mukha.Napatingin ako sa isang taong kasalukuyang naglalakad habang nakapamulsa. Papalayo siya sa direksyon namin. Halatang problemado. Bakit kaya?
***
Free time at wala na naman ang teacher namin sa english. Wala akong choice kundi ang umakyat muna at pumuntang rooftop. Pero this time, kasama ko si Bessy. Nahawa na ata ako sakanya.
BINABASA MO ANG
Their Name. (COMPLETED)
Novela JuvenilIsang paaralan na kinikilala ng lahat. Subalit sa likod pala nito, may tinatagong lihim na hindi kayang maibunyag. Isang babae ang pumasok sa kinilalang paaralan. Mababago kaya ang buhay niya ng lubusan? Kung ang nakikita at napapansin niya pala...