Chapter 29: Don't know what to do

55 5 0
                                    

Hallie.

Natapos na ang ikalawang markahan at ngayon naman ay simula na ng ikatlong markahan. Nagbigayan na rin ng mga cards at good news dahil nakapasok si bessy sa top 10.

Maraming bagay ang naganap sa mga nakalipas na araw subalit ang nakapagtataka ang pagiging tahimik ni bessy kung minsan. Siguro may iniisip lang. Nakilala na rin niya sina Dale at Leo. At kadalasan na namin silang kasabay tuwing recess. Si Vince? Ewan ko. Umiiwas na siya samin eh.

"Dale. Kausapin mo kaya si Vince. Mukhang may problema eh."

Habang naglalakad, nginitian ako ni Dale. Binigyan ko naman siya ng pilit na ngiti. "Gusto ko rin na gawin 'yan pero pati kami ni Leo iniiwasan niya."

Napailing iling ako sa narinig. "May problema nga."

Kasalukuyang apat kami ngayon ang naglalakad. Ako, Dale, Hallie at Leo. Natapos na kaming kumain kaya tatambay muna kami sa garden. Oo. Hate ko ang garden nitong school pero dahil kay bessy kaya natutunan namin na tumambay dito.

Umupo kaming apat sa mabatong upuan. Dalawang upuan iyon na magkaharap tapos bato rin ang pinagigitnaan na table. Tabi kami ni bessy at tabi naman ang dalawang boys. "Guys, may problema tayo." mabilisang saad ko.

"Yeah," saad naman ni Leo. "Mahigit isang buwan na niya tayong hindi pinapansin."

"Pagkabalik niya dito sa Manila, ganyan na ang inasta niya." dagdag pa niya.

Tumango tango naman kaming dalawa. "Kailangan natin siyang makausap." suggest ko naman.

"Hindi niya tayo pinapansin. Kaya tingin ko dapat natin siya sapilitang kausapin." ibinaling ni Leo ang tingin kay bessy. "Hindi ba, Prudence?"

Gulat naman na napatingin si bessy sa kanya. Pagkatapos ay inilibot na rin ang tingin saming lahat. "Ah, oo."

"Ayos ka lang bessy?" tanong ko. Ngumiti naman siya at tumango. "Oo bessy. Napagod lang."

"Napagod? Saan?" sabat naman ni Leo.

"S-sa activities. Nag activity kasi kami kanina."

Tumango tango naman si Leo sa sinagot ni bessy. "Ah, oo nga pala. Nakakapagod yun," sang ayon na saad ko dahilan para mapatingin sakin si bessy.

Binigyan ko siya ng isang ngiti at humarap na kina Dale. Actually walang activity na naganap talaga kanina. "Tingin mo Hale, nasa atin kaya ang problema o nasa kanya?"

Agad na nakilabutan ako sa sinabi ni Dale. Minsan may pagkamisteryoso rin ang tao na 'to. "Tingin ko nasa kanya." hula ko.

"Susubukan ko siyang kausapin mamaya," dagdag ko.

"Wag," pigil sakin ni Leo. "Pag nangyari 'yun baka mapahiya ka lang. You knew him. Kaya niyang magpahiya ng tao."

"But I think he can't do that to us. Kaibigan niya tayo."-Dale

"Exactly. Kaibigan niya tayo pero pag galit siya, hindi niya naiisip kung minsan na tayo ang naging kaibigan niya." -Leo.

"Wag mo munang pangunahan ang magiging sitwasyon, Leo."

"Pero posibleng mangyari, Dale. Nangyari na 'to eh. Remember?"

"I know." humugot ng malalim na paghinga si Dale. Ganun na rin si Leo. Tama siya. Posible ngang mangyari ang bagay na 'yun ulit. Ang pagpapahiya niya sa taong naging malapit na sa buhay niya.

"Hindi kaya nagseselos si Vince?"

Napatingin kaming lahat sa nagsalita. Si bessy. Nakayuko lang siya. "Paano mo naman nasabi?" tanong ni Leo.

Their Name. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon