Chapter 7: Cooking contest

96 6 1
                                    

Prudence.

"Okay class, you may now have your break."

Iyan na lamang ang salitang naabutan ko pagkatapos kong iangat ang aking ulo mula sa pagkakayuko nito sa aking mga braso. Paniguradong halata sa mukha ko na bagong gising lang ako. Paano ba naman kasi, ang lakas ng impact sakin nung sleeping pills na nilagay ni Ken kagabi sa juice niya. Sa susunod hindi ko na talaga uulitin yun. T^T.

"Hi bessy, puyat?" tumabi sakin si Hallie pagkatapos umalis ng seatmate ko. Umiling iling ako. "Hindi. Nakatikim lang ng juice na may sleeping pills."

Agad na napalaki ang mata niya sa gulat. "Sleeping pills?!"

Tumango tango ako. "Omyghad. Don't tell me na siya ang kasama mo kagabi?"

"Huh?"

Hinawakan niya ang kanyang baba saglit na wari mo'y nag iisip. "Ken." banggit niya. Napakunot ako ng noo. Paano niya nalaman?

"Kahit kailan talaga naadik na sa sleeping pills yung lalaki na 'yun. Tara nga bessy."

Hinigit niya ang kamay ko patayo at sinundan ko na lamang siya sa paglalakad palabas nitong classroom.

Nakalabas na kami ng building at wala pa rin akong ideya kung saan kami pupunta. Hanggang sa makarating na lamang kami sa canteen kung saan ay bilang na lamang ang mga estudyanteng nandidito. "Asan na kaya yung mokong na yun?" rinig kong bulong ni Hallie sa sarili niya.

"Sinong mokong?"

"Si ken. Yung mahiwagang kwago na presidente nitong school."

"A-ano?"

"Ayun!" tinuro niya ang isang direksyon kung saan ay may isang lalaki ang nakapamulsang nakatalikod samin habang may kausap na isa ring kapwa lalaki.

Lumapit si Hallie sa direksyon na iyon at dahil sa hawak niya ang wrist ko ay nakalapit na rin ako.

Pagkatapos ng pag uusap nila ay nagulat na lamang ako nang humarang itong si Hallie sa dinaraanan ni Ken na ngayon ay hindi bakas sa mukha niya ang puyat. Parang balewala lang sakanya yung sleeping pills na ininom niya kagabi di tulad ko na halatang bangag sa itsura ko ngayon. Sleeping pills nga. Pero pakiramdam ko kulang pa rin ako sa tulog.

"Anong kailangan mo?" tanong nito sakanya habang nakapamewang siyang hinarap ni Hallie. Hawak niya pa rin pala ang wrist ko.

"Hoy Ken. Anong ginawa mo kay Prudence kagabi?" direstong tanong nito at umaasa akong magugulat si Ken sa lagay na iyon subalit hindi. -_-.
Maaaring may nalalaman kaya siya na hindi ko alam?

"She grabbed my juice with sleeping pills inside of it."

"Ba't hindi mo sinabi?!"

"Malay ko bang aagawin niya sakin ang iniinom kong juice." tumingin siya sakin. "Hindi ba, Prudence?"

Ramdam ko ang pagtingin sakin ni Hallie at kusa naman akong tumango para matapos na ang kabaliwan na ito. Gusto ko ng matulog. Break time naman kaya may chance pa ako. "Tsk tsk tsk. Kahit na! Mali parin iyon! Baka nakakalimutan mo atang babae si Prudence, Ken!"

"I know."

Napacross arms si Hallie. "Pa'no ba 'yan, walang naintindihan si Prudence sa klase."

0_0. Hala siya. Paano niya nalaman?

"Then?"

"Tulungan mo siya para mawala yung antok niya ngayong araw."

Their Name. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon