Chapter 20: Bacolod

61 4 0
                                    

Prudence.

Kinabukasan, sabay kami ni Hallie na pumasok ng school. Napagpasyahan namin na maglakad na lang dahil sa malapit lang naman ang bahay nila mula rito. Nakakapanghinayang naman kung magkokotse pa kami. At hindi naman nagdalawang isip si Hallie na pumayag. ^_^

"Bessy."

"Hmm?"

"Ang tahimik mo naman ata."

"Ha?"

"Kanina pa kasi kita napapansin eh. Hahaha. Miss mo na ba?"

Itiningala ko ang aking ulo mula sa pagkakayuko. "Yeah. Sana mahanap ko na sila agad."

Nakakahiya na kasi kay Hallie lalo na sa pamilya niya na duon ako sakanila nakikitira. Mabuti na lang mabait ang parents niya.

Pagkarating namin ng AU, nadatnan namin ang mga estudyante na naglilinis sa paligid. Busy silang lahat sa kani kanilang ginagawa. May nagwawalis, nagdidilig ng halaman, naglilinis ng bawat pader, at iba pa. Pansin ko rin na may nagchecheck sa bawat kilos nila.

"Anong meron?" bulong na tanong ni bessy na maski ako itatanong rin dapat sa sarili.

Anong meron? Brigada?

Nilapitan namin ang lalaking nagbabantay sa kanila. "Kuya, ano pong meron?"

"Ah eto po ba Ms. Hallie? Naglilinis po ang lahat dahil sa utos ni pres."

"Pres?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango tango ito. "Ano bang meron at bakit naman niya pinapautos ang bagay na 'to?"

Napatango tango ako sa tanong ni Hallie. Napakamot sa ulo si kuya. "Ah eh....hindi ko po alam Ms. Hallie eh. Alam niyo naman po si Pres, malihim na tao."

"Ah ganun po ba?" nagkatingininan kami ni Hallie saglit. Parang pareho kami ng iniisip. "Salamat po."

Dumiretso kaming classroom. Walang tao duon. Malamang, naglilinis nga ang lahat diba? Pero bakit ang aga naman ata? "Bessy, linis tayo." aya ko.

Baka kasi mahuli kaming nakaupo lang dito't nag-aantay. "Wag na bessy. Hayaan mo siya. Aba, subukan niyang sitahin tayo dito. Ipagsisigawan kong pinsan ko siya."

Natapos ang first subject at free time namin ngayon sa math which is our second subj. Hanggang ngayon ay iilan lang kami dahil ang lahat ng mga kalalakihan ay nasa ibaba daw nagbubuhat ng kung ano ano. At hanggang ngayon ay may malaking question mark sa taas ng ulo ko at tila tinatanong : Ano bang meron at bakit nagsisipag ang lahat?

Tapos inutos pa daw ni Ken the president. Tch. Ano naman kaya ang pumasok sa utak nun. "Hi guys!"

Andito pala si Vince katabi ko. Ngayon ko lang alam na nandidito pala siya. "Badtrip. Kumukulo na naman ang dugo ko."

Ngumiti nalang ako habang naiiling sa binubulong ni bessy sa sarili. Talagang mga aso at pusa itong dalawa.

"Oh? Bakit? Wala naman akong ginagawa ah?"

"Wala nga. Bakit, sinabi ko bang meron?"

Hindi naman siguro ganun kaaga para magtaray si bessy hindi ba? "Ah...pakilinaw kasi."

"Malabo ba mata mo para linawan ko?"

"Hindi."

"Hindi pala eh. Tsk." -_- Sana naman hindi sila magbangayan ng kung ano ano dito. Jusko po. Balak ko pa pong mabuhay ng mapayapa. "Tara nga bessy, rooftop tayo."

Their Name. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon